Yross POV Umagang umaga pa lang ay nakangiti na ako. Excited akong makita si Florecita. Matiyaga akong naghintay kay Florecita. Mas lalo akong napangiti ng makita kong nakabusangot ang mukha nito. Kahit nakabusangot ang mukha nito ay ang cute pa rin tingnan. "Goodmorning girlfriend." Nakangiti kong bati sa kanya. "Anong maganda sa umaga? Desperado!" Sabay irap nito sa akin. "Ang sungit mo. Bakit ba ang init-init ng dugo mo sa akin? Ako na nga itong mabait sa'yo eh." "Wow huh! Pagkatapos mo akong ipahiya kay lolo at tiyahin ko! Pagkatapos ng ginawa mo kahapon?! Mabait ka pa sa lagay na iyan?!" Asik ko rito, pero parang hindi umubra ang galit ko rito dahil kalmado lang ito. "Ang daldal mo, ang dami mong sinasabi. Baka gusto mong halikan kita ulit." "Hmmmp! As if naman good kisser