Chapter 1
It all started with a fish...and a portrait. My fish Lilac is peacefully swimming on his aquarium when my Grandma entered my office..err her office. Yes it is still her office and I am just a temporary occupant and yes, Lilac is a fish, a male flowerhorn fish at that.
Anyway, tahimik akong nagtatrabaho nung biglang pumasok si Grandma.
“Grandma.” Tumingin lang ako saglit sa kanya at bumalik na sa ginagawa ko. Nasanay na ako na paminsan minsan ay dumadalaw pa din siya sa opisina kahit na retired na siya.
She didn’t reply which is normal. Usually she would just sit in the sofa and ask me questions from time to time. Pero nakailang minuto na, nagtaka ako kung bakit hindi pa siya nakaupo at nakatayo pa din sa pwesto niya.
I looked at her and I saw her looking intently at the wall behind me. Unti unti nangunot ang noo niya.
“Raphael, where is my portrait?” Mas lalong naging pronounced ang kunot ng noo ni Grandma, naging obvious tuloy ang mga wrinkles.
“Your portrait Grandma?” I can feel it. I can sense it. There’s a storm coming.I need to hide in order to survive.
“You heard me.” Nakataas na ang kilay niya at halos nakikita ko na ang ipu-ipo sa itaas ng ulo ni Grandma.
“Your portrait…yes, your portrait. I put it in a very safe place. Para hindi manakaw at madumihan, nilagay ko po sa storage.” Nanlaki ang mga mata ni Grandma. Wow! I often see women na nanlalaki and then tumitirik ang mga mata at nangyayari lang yun kapag…I looked at my Grandma and erase the pleasant thoughts in my mind because I can’t imagine her in that situation. It’s like … I can’t even describe it.
“Storage! My portrait! Ginawa mong basura ang portrait ko!” Tumaas na ang boses ni Grandma.
“Grandma, hindi basura. It’s for safekeeping…” I am threading on dangerous waters and I need to watch my words.
“Safekeeping? Safekeeping ang tawag mo doon? Sa bodega mo nilagay at safekeeping ang tawag mo?” Sapat pala nagsinungaling ako ng kunti at sinabi kong sa safe ko nilagay o kaya sa museum.
“I can’t find a more suitable term…” Ooops! She threw her purse at my back. Nasalo ko naman. Mahirap na, baka matamaan ang aquarium at magulantang si Lilac.
“At ano ang ipinalit mo sa portrait ko? Ang aquarium na yan? Ang isdang yan? I can’t believe that you choose that fish over me Raphael!” She is now seething with anger. Ladies and gentlemen, ang bagyong si Gertrude ay pumasok na sa Philippine Area of Responsibility with a minimum sustained wind of 259 kpm and gustiness of 350 kpm. Isa na pong super typhoon si Gertrudes Villegas. Mag ingat, hindi na po maaaring mamangka sa dalawang ilog.
“Grandma, you know how important this fish is!” I tried to stay calm pero tumayo na ako at tinakpan ng katawan ko ang aquarium.Mahirap na at baka kung ano pa ang ibato kay Lilac.
“More important than me? You know what you just did? It’s as if you wanted to kick me out of this office! Remember that I am still the owner and you are just the President!” Here we go again. Para namang siya talaga ang inalis ko sa wall, inilagay sa storage at pinalitan ng aquarium. Ang hirap talaga pag matanda na ang kausap.
“Grandma, it’s not like that. It’s just your portrait, for God’s sake! Kung gusto mo ibalik natin. Walang problema.” Hindi ko na naitago ang kunting iritasyon sa boses ko.
“Talagang ipapabalik ko yun whether you like it or not Raphael. That’s insubordination and you’re suspended indefinitely!” She raise her voice and I was shocked. Ano daw?
“What!! You’ll suspend me just because of that f*****g portrait?” Anong kalokohan to? Who would want to hang her grimacing portrait? Oo nga at sinabi niyang mysterious daw ang smile niya sa portrait na yun just like Mona Lisa pero kung tititigan talaga, it’s obvious that she’s grimacing.
“No! It’s because of that f*****g fish!”
And that’s the reason why I’m here. I was suspended by my own grandmother because of her portrait. Binalik ko na nga ang portrait niya, sinuspend pa ako, worst, ginatungan pa ng mga pinsan ko. Kaya daw ako nagtitiis sa isda dahil wala pa akong asawa and they strongly believe that my obsession with Lilac will cease once I get married.
Nakisabay na din si prodigal grandfather. He gave me an ultimatum. I should get married within 3 months or else kukunin niya si Lilac whether I like it or not at ipapamigay sa isa sa mga pinsan ko. Hindi ako pumayag siyempre. Lilac is precious to me hindi dahil sa regalo siya ng ex-girlfriend kong si Lily kundi dahil si Lilac ay isang champion na flowerhorn fish. Ilang beses na din siyang nagchampion sa mga flowerhorn competition kaya hindi ko siya basta basta pwedeng I give up or ipamigay. Pero hindi din ako pwedeng basta basta na lang magpapakasal para lang sa isda. Ano ako sira? Kaya naglayas ako bilang pagrerebelde dahil nga pinagkakaisahan na nila ako.
Walang nakakaalam kung nasaan ako. No one knew that I’ve bought a parcel of land adjacent to my grandparents land at nakapagpatayo ako ng isang bungalow. Gusto ko sanang lumayo pero tinamad na ako. Isa pa mas magiging may kabuluhan ang paglalayas ko kung dito lang ako titira sa bahay ko. I could personally supervise the harvest of the mangoes and the planting of the crops.
Pangalawa, mas nakakarelax sa probinsiya. Nakakamiss na din ang gawain namin nung mga bata pa kami katulad na lang ng paliligo sa ilog at pamimimingwit. Speaking of pamimingwit, andito ako ngayon sa tabi ng ilog sa may malapit sa talon. Isa sa mga rason kung bakit ko binili ang lugar na ito ay dahil sa talon. Napakaganda ng talon at napakalinis ng tubig. Very ideal for a relaxing afternoon…ouch!
Natapilok ako sa isang overgrowth and my face landed on a thick pile of grass. Napamura ako ng mahina at tatayo nasana ako mula saa pagkakatumba nung makita ko ang isang babaeng naliligo sa ilog. May diwata sa talon? Ineengkanto ba ako? I took my phone in my pocket and took pictures of the nymph.
Naaliw na ako kakapicture nung may biglang tumama sa akin.
“Ouch!” What the! Ano yun?
“Aray!” Sabi ko ulit nung may tumama ulit sa akin. Napatingin ako sa ilog at nakita ko ang babaeng naliligo kanina na may hawak na mga bato at binabato sa akin. Tumayo na ako.
“Hoy tama na! Ang sakit ha! Hindi na nakakatuwa ang pagbato mo sa akin!” Isinangga ko ang mga braso ko sa mukha at ulo ko. Mabuti sana kung maliliit lang na bato at gamit niya pero medyo may kalakihan.
“AT SA TINGIN MO NAKAKATUWA YANG PAMBOBOSO MO SA AKIN? HA?!" Hah! Parang nasira ata ang eardrums ko dahil sa pagsigaw niya. Ano daw ang sabi niya? Ako namboso sa kanya? Well, nakita ko nga na naliligo siya sa ilog. I somehow have a glimpse of her breast dahil medyo manipis ang sando niya kahit na nga ba nakabra pa siya. Inaamin kong kaakit akit ang una kong impression sa kanya kahit na hanggang tyan niya ang tubig ng ilog. Ngayong nakikita ko na siya ng malapitaan at umabot na bewang niya ang tubig, I can honestly say that she’s sexy. Her skin is not that fair. Medyo morena siya yet, ang kinis ng kutis niya at pantay pantay ang kulay. She also have that alluring face. Yes, alluring is the right term. Beautiful will never be sufficient nor pretty. Ang mukha niya ang klase ng mukha na kapag tumingin ka, gusto mo ulit tingnan dahil gusto mong isa isahin ang bawat bahagi. You would want to know how each part contributes in order to create such an endearing face. From her well-shaped brows, rounded and now defiant eyes, upturned nose up to her pinkish and well-shaped lips. She’s gorgeous and…loud!
"Wag mo nga akong sigawan. Hindi ko naman sinasadya na bosohan ka eh." Bakit ko naman siya bobosohan? Bakit ako mamboboso kung pwede ko naman makita ang mga bagay na meron siya sa ibang babae na willing?
"HINDI MO SINASADYA? ANO YUN? NADULAS KA LANG AT PAGDILAT MO NASILIPAN MO NA AKO?" Damn! Nakakastress ang ingay niya. Napakamot ako sa batok ko. Hindi ako sanay sa sumisigaw na babae. Mas sanay ako sa babaeng umuungol and well…sumisigaw dahil sa sarap at hindi dahil sa galit.
"Tsss. Ang ingay naman! Wala bang preno? Unlimited ba ha?" Hindi ba siya mapapaos sa kakasigaw niya? Hindi ba mapapatid ang ugat niya sa lalamunan?
"AKO PA NGAYON ANG MAINGAY? AKO NA NGA ANG NASILIPAN, AKO PA ANG MAINGAY! ABA!"God help me! Won’t she ever stop?
"Eh maingay ka naman talaga. Alangan naman na ako ang maingay samantalang ikaw ang talak ng talak. Besides, anong sinilipan? Wala naman nakikita sayo? At kung may makita man ako, hindi naman kaaya aya sa mata." I almost laugh at her reaction because obviously she doesn’t like my insult. Naningkit ang mga mata niya, nagsalubong ang mga kilay at kinuyom ang mga labi. Muntik na akong magpapiyesta kasi akala ko titigil na siya sa pagsigaw but I was wrong.
"ANO!!!!?? NAPAKABASTOS MO TALAGA! WALA KANG GALANG!" Nakalunok ba siya ng megaphone? Hindi man lang ba niya napapansin na nabubulabog na ang mga hayop dito? Baka magkaroon ng mass migration ng mga hayop dahil sa ingay niya.
"Kung makapagsalita ka kasi feeling mo naman inalisan ka ng puri. Malay ko ba naman na may naliligo sa batis na yan? Kung alam ko lang eh di sana hindi na lang ako pumunta dito para mangisda. Eh di sana hindi nababasag ang eardrums ko ngayon at hindi ako nakakita ng di kaaya ayang tanawin.” Dagdag ko pa but the next thing that happened shocked me. Her fist connected with my face. I swear I saw stars as I fall to the ground because of the impact. Pot---. I wasn’t able to voice out the profanities.
"Pakshet!" Nahawakan ko ang labi ko kung saan tumama ang kamao niya. Naramdaman ko ang unti unting pamamaga. Ano klaseng babae siya? Hindi ata siya pangkama, pang boxing ring ata siya!
"BASTOS KA! WALANG MODO! KUNG HINDI LANG AKO NANGHIHINAYANG NA MABULOK ANG KAGANDAHAN KO SA KULUNGAN, PINATAY NA KITA.” My now swollen lips throbbed at pakiramdam ko lalong lumala dahil sa kasisigaw niya. Nahihilo pa ako pero pinilit kong tumayo habang tumalikod at naglakad siya palayo sa akin. Her hips swaying gracefully while she walked. Nakagat ko ang labi ko pero napangiwi ako dahil natamaan ang namamaga kong labi.
"MAKUKULONG KA PA DIN, AAKUSAHAN KITA! TRESPASSING AT ASSUALT RESULTING TO SERIOUS PHYSICAL INJURY!" I shouted at her but she didn’t glanced back. Nakita ko pang itinaas niya ang noo niya haabang naglalakad.
Someone ought to teach her manners. Someone ought to put her in her place.