Chapter 2
“Seryoso ka?” My friend Lance asked me again while he’s scanning the photos I’ve provided for him.
“Mukha bang hindi?”
“Anong nakain mo?” Minsan nakakapagtaka talaga kung bakit ko naging kaibigan ang mga kaibigan ko ngayon. Hindi man lang ako sinusuportahan sa mga adhikain ko.
“Tahong.” Tumawa bigla si Lance. Now, I know why we’ve become friends. We have the same wavelenght. We exist in the same parallel universe.
“Masarap ba?” Binitiwan na niya ang hawak na mga pictures at itinoon na ang atensiyon sa akin. Pag mga ganitong usapan talaga, nabubuhay ang lahat lahat sa lalaking ito.
“Manamis-namis.” Lalong lumakas ang tawa niya. Namumula pa nga siya. Gago talaga! Kung ano ano na siguro ang naiisip ng langhiya.
“Ang manyak mong hayop ka! Kung ano ano ang pinag iisip mo. Adobong tahong ang ulam ko. Kesa kung anong kamanyakan ang pumapasok diyan sa utak mo, bakit hindi mo pag isipan ang pagsasampa ng kaso sa babaeng yan.” Inituro ko ang hawak niyang pictures. Mga pictures ng amasonang maingay na naliligo sa ilog ko.
“Gago! Ikaw ang manyak. Pero di nga? Kakasuhan mo to? Ang ganda eh! Sayang.” Mas lalo niyang pinagmasdam ang picture ng babae. Napatingin ako sa picture. Hinahawi ng babae ang buhok niya na nakatakip sa mukha. Maganda nga at makinis ang kili kili! Langya! Bakti ba kili kili ang pinagdidiskitahan ko?
“Kakasuhan lang pero di naman ipapakulong. Tatakutin lang para matuto. Ang angas eh.” Mas maangas pa sa akin.
“Ano namang kaso ang ipa-file natin? Paparape tayo tapos kasuhan natin ng r**e with consent?” Puno ng malisya na sabi ni Lance. Huh! Ewan ko lang kung magagawa pa niyang I admire ang amasona kapag nakaharap na niya at narinig ang bibig na mas maingay pa sa alarm ng Marikina River.
“Trespassing at assault resulting to physical injury. Ikaw na bahala sa iba. Ikaw naman ang abogado. Basta yung matatakot siya.”At madala. Dapat talaga sa mga ganung babae, tinuturuan ng leksiyon. Aba! Hindi sa lahat ng bagay nadadala kaming mga lalaki sa bibig nila. Well, women’s mouth could do a lot of wonders and I’m sure her mouth would ….ay pucha! Ba’t napunta dun ang isip ko?
“Bakit ba, pinagkakaintirisan mo? Type mo?” Malisyosong tanong ni lance sabay ngisi. Ngumisi din ako tsaka siya binutukan.
“Ulol! Para nga matuto ng leksiyon.” Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Lance. Halatang hindi naniniwala. Iba talaga pag kilala ka ng isang tao. Isa pa, hindi naman ako teacher para magbigay ng leksiyon.
“Okay. Wala akong katulong ngayon. Kailangan ko ng tagaluto at tagalinis ng bahay ko habang nasa farm ako.”
“Ayun lumabas din. Magkano naman ang ibabayad mo sa akin para mapagbigyan ang kalokohan mo?”
“Siyempre pro bono. Para saan pa at nagkaroon ako ng kaibigang abogado kung di ko mapapakinabangan di ba?”
“Ulol! Anong akala mo sa akin sa PAO nagtatrabaho? Bayaran mo ako oi! Mahiya ka! Di ka pa nakuntento sa libreng notarization pati sa paggamit mo sa akin dahil sa kalokohan mo libre pa din? Aba, gusto mo bang ipagkanulo kita sa magandang dilag na to?”
“Sige, dalawang libo.” Mukha kasing di mauuto.
“Gago! Gas ko pa lang papunta dito lugi na ako.” Takte naman! Hidni kaya ako mamulubi da appearance fee nito?
“O sige. Kung mapapayag mo siyang maging katulong ko for six months hati tayo sa matitipid ko kung kukuha pa ako ng katulong. Bali 2,500 times 6, fifteen thousand. 7,500 ang ibabayad ko sa’yo. Hindi ka na lugi dyan. Isang beses lang naman kung makukumbinse mo agad yung amasona.”
“Ang kuripot mo. Wala na ngayong katulong ang papatol sa 2,500 pesoses na pasahod mo. 3,500 na ang pinakamababa. Paglalaba pa lang yun.”
“Maliit lang naman ang bahay ko. Libre pa ang silip.” I smirked.
“Isang malaking karangalan ang masilipan ka ginoo.” Tumawa ulit siya nang malakas.
“Gago! Ano? Tara na. Magsumbong na tayo sa pulis para masundo na yung amasona at nang matapos na. Mamaya singilin mo pa ako ng per diem mo.” Naglakad na ako papunta sa labas ng restaurant na pinagkainan namin ni Lance.
“Hindi mo ako bibigyan ng per diem ngayon?” Sabi niya nung nakasabay na siya.
“Isang kaing na lang ng mangga.” Baliwalang sabi ko.
“Pambihira. Dagdagan mo naman ng isang sakong bigas.” Malulugi nga ata talaga ako.
“Fine! Siguraduhin mo lang na maayos ang trabaho mo dahil luging lugi na ako sa’yo.” Binuksan ko na ang pinto ng pick up ko at sumakay siya sa passenger side. Ayaw niyang dalhin ang kotse niya. Sayang daw ang gas dahil unleaded ang gamit samantalang sa akin diesel. Di hamak na mas mura.
Nagpunta kami sa police station at dahil magaling ang abogado ko, agad na pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng amasona. Kilala pala siya kasi dinescribe ko pa lang siya, kilala na siya ng mga pulis. Reyna Elena daw siya last year. Pakialam ko kahit na reyna pa siya sa chess. Nangangailangan ako ng katulong.
After an hour dumating na siya. Napasipol ng mahina si Lance nung pumasok ang amasona with her head held high, Naka maiksing short lang siya at puting t-shirt. Kitang kita tuloy ang mga mahahaba at makikinis na legs niya. Muntik na din akong mapasipol kung hindi ko lang nakita ang masamang tingin niya sa akin at ang pag ismid. Para siyang muse kung maglakad at ginawang escort ang dalawang pulis. Nung tumapat na siya sa akin, bumaling siya at naningkit ang mga mata. Tapos dinuro ako.
“HOY! WALANGHIYA KA! IKAW NA NGA ANG NAMBOSO IKAW PA ANG MAY GANANG MAGSAMPA NG KASO!" Mukhang susugurin pa niya ako pero pinigilan siya ng dalawa niyang escort. I smirked.
"Miss pag usapan niyo na lang yan ng maayos." Sabi nung pulis at iniwan na kami. Buong akala ko makikinig siya sa mga pulis pero nagkakamali ako.
"ANONG PAG UUSAPAN NG MAAYOS? AKO NA NGA NAAGRABYADO AKO PA ANG IKUKULONG! WALANGHIYA KA TALAGA!" naririndi na naman ako sa lakas ng boses niya. Hindi ba niya alam ang salitang hinahon? Can’t she be graceful for just a minute? Paano siya naging Reyna Elena kung ganyan siay kaadelantada?
"Attorney, idagdag mo na ang oral defamation." Walang emosyon na sabi ko kay Lance na ngumisi lang habang pinagmamasdan ang amasona.
"Ang mabuti pa Paeng, mag usap muna kayo ng maayos. Sayang naman kung makukulong ang magandang dilag na to." Puno ng kapilyuhan ang boses ng walanghiya. Mukhang type niya ang amasona.
"Sa akin lang naman Attorney, bayaran niya ang mga nagawa niya. Ang pagpapagamot sa mukha kong sinuntok niya, moral damages, ang mga masasakit na salita na binitiwan niya. Ang pagpapahiya sa karespe-respetong katauhan ko. Aba kung may ibang nakarinig ng mga mura niya sa akin baka mawalan sila ng respeto sa akin." Nakita kong nanlaki ang mga mata ng amasona. I braced myself for another thunder.
"BAKIT CONGRESSMAN KA BA AT HINDI PWEDENG MASIRA ANG IMAHE MO?!!!" My God! I am just so thankful that none in my family is as loud as she is. Sana naman ang mga pinsan ko ay hindi makapag asawa ng babaeng kasing ingay ng babaeng ito kasi ako sigurado akong hindi papatol sa mga katulad niya.
"Wang.... wang.... wang... wang....Narinig mo yang ambulance Attorney? Ang lakas ano? Nakakabingi!" Sabay takip ng tenga ko. Lalong naningkit ang mga mata ng amasona at namula ang pisngi. Maganda sana pero nevermind. Ayaw ko ng magulong buhay.
"Miss, yan alam mo na ang demand ng kliyente ko. Besides malakas ang ebidensiya namin. May mga pictures na nagpapatunay na ikaw nga ang sumuntok sa kanya at nagtrespass ka sa isang property." Iniabot ni Lance sa kanya ang mga pictures at ibang documents. Nangungunot na ang noo niya.
Saan ka ngayon ha? Akala siguro niya hindi ko siya papatulan. Aba! Ibahin niya ako. Pumapatol ako sa babae, mapakama man o hindi.
Buong akala ko, matatakot na siya sa ebidensiyang pinakita namin pero nagkamali ulit ako. Mukha hindi talaga basta basta nasisindak ang amasona.
"YAN! YANG MGA EBIDENSIYANG YAN ANG MAGPAPATUNAY NA BINOSOHAN AKO NG LALAKING YAN. MAY PLANO PA SIYANG PAGKAKITAAN ANG MGA LARAWAN KO. IBEBENTA NIYA YAN SA INTERNET! SA ISANG SEXY MAGAZINE! SA....." Muntik na akong matawa. Wow lang ha! Napatingin ako kay Lance na namumula na sa pagpipigil ng tawa.
"Yuck!" Buong pandidiring sabi ko. Assuming ang ale.
"Hindi ko babayaran ang letseng yan!"
"Miss, ang penalty ng trespassing 4 months ang pagkakakulong, ang physical injury ay 30 days, ang oral defamation ay 4 months din. Isama mo na ang pagkakakulong mo habang nililitis ang kaso na mahigit kumulang isang taon kung suswertehin ka!" Hindi ko na masyadong pinansin ang sinasabi ni Lance dahil naaaliw ako sapanlalaki ng mga mata ng amasona. Ayun! Takot naman palang makulong. Siguro dahil takot na mabahiran ang reputasyon. Pagkakaalam ko kasi mga teacher ang mga magulang niya. Siya, din nagtapos bilang teacher. Kapag nakasuahn siya, malamang, walang school na tatanggap sa kanya.
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.
"Pero Attorney, dahil sa babae siya at mahal ko ang mga babae, pwede ko naman siyang bigyan ng considerasyon." I leaned on the wall and crossed my arms in front of me. She glared at me. Maldita.
"Hindi ko na itutuloy ang mga kasong yan kung...pagsisilbihan niya ako ng anim na buwan."
"Asa ka naman!" Sabi sabay irap. Hindi kaya siya mabalian ng leeg kakairap?
"Eh di sige! Madali naman akong kausap. Attorney I-file mo na nga yang mga kaso! Ayaw naman magpaareglo eh!" Tumalikod na ako para kunyari nakapagdesisyon na. Pero ang totoo, naiisip ko pa lang ang sangkatutak ko na labahin, ang maduming bahay, ang mga hugasan at walang laman na ref, gusto ko na siyang hatakin at gawing alipin.
Kinausap ni Lance ang amasona. Sana naman makumbinse.
"Attorney, sige papayag na ako na pagsilbihan ang ... ang....taong yan! Siguraduhin lang niyang walang monkey business." Narinig kong sabi niya.
"As if naman may pagnanasa ako sayo." Sumandal na ako sa hamba ng pinto ng police station.
"Sige Miss, gagawan ko kayo ng kontrata at ng job description mo para maliwanag ang lahat. Ipapadala ko sayo bukas. O ano, Paeng hindi na natin itutuloy ito?" Lumingon sa akin si Lance sabay kindat.
"Hindi na. Tsk tsk! Tagal tagal pa pumayag. Nasayang tuloy oras ko. Magtatanim pa naman ako ng palay ngayon." Umismid ulit siya.
"Sige Miss okay na. Pwede ka nang makaalis. Boss okay na, napagusapan na ang lahat!" Dadagdagan ko nga ng isang kaing na reject na mga mangga ang per diem ni Lance.
Nagdadabog na tumayo ang amasona at taas noo pa ding naglakad palabas ng police station. Nakangisi ako habang nakatingin sa kanya. I project the face of victory. Kala siguro ng babaeng ito sasantuhin ko siya.
Just when I least expect it, she came towards me and kick my balls.
"Ouch! Awwwww! Pakshit!!!!" Pakiramdam ko nagdilim ang paningin ko. I writhed in pain as I get a hold of my future.
"Putang Ina. Gawin mong walong buwan ang pagsisilbi mo sa akin! Langya! Ang sakit!" I jumped up and down to ease the pain.
Tumalikod na siya ulit na nakataas pa din noo. Then, she stopped and faced all of us and raise her middle finger middle.
"Pakyu!" Ohh God! I watched her turned her back and with the graceful swaying of her hips she went out of the police station, leaving me still clutching my future.
Then she’s gone leaving me and my 8 inches future as it shrank, shrank and shrank into an 8 centimeters mess.