Start of tragedy

1350 Words
Chapter 14 Dapat ang buhay may warning para mapaghandaan ang mga pangyayari. Katulad ngayon, ang plano ko lang naman ay i-save si Lilac sa mga pinsan ko pero ano ang nangyari? Si Grandma, ayaw magpaawat. Gusto pa kaming ipakasal ni Ana sa simbahan. Utang na loob naman. Hindi ko maimagine ang buhay ko na kasama si Ana. Ay hindi, naiimagine ko pala and I am not liking it.  Nung sinabini Grandma na magpapakasal kami sa simbahan, parang may bolang kristal sa harap ko na lumabas at nakikita ko ang sarili ko na naglalaba at namamalantsa habang si Ana, nakapameywang sa harap ko at may hawak na buntot pagi, ready to strike kapag nagkamali ako. The image is scary. Kaya hindi ako makakapayag! “Grandma!” Kasal?  “Yan na ang desisyon ko!” Matigas na sabi ni Grandma. She usually used that tone when she badly wanted something. Kapag ganyan na ang tono niya, kadalasan, binibigay na namin kung ano man ang gusto niya just to avoid the upcoming storm pero ngayon? She’s asking us to get married and I can’t do that. I can’t risk my future. No way! Hindi pa tapos ang maliligayang araw ko. Madaming babae ang iiyak. Ayaw ko pang magpatali.   “Grandma! Hindi mo kami kailangang ipakasal kasi in the first place, pinilit lang po ako ni Paeng!” Lumayo na si Ana sa akin.  Nagtaka ako sa ginawa niya.  “A-Ana… anong sinasabi mo dyan? Grandma, nagbibiro lang si Ana.” Napatingin ako sa mga pinsan ko at kay Grandpa and they are all looking at me na nakataas ang mga kilay. Ito na ba ang panahon na magpapaalam na ako kay Lilac? Ito kasing si Ana, pahamak!  “Hindi ako nagbibiro! Totoo naman di ba? Pinilit mo ako! At hindi po totoong kasal kami! Pinagpanggap lang niya ako ng dahil kay Lilac.” Ugh!  “You deceived us!” Tiningnan ko ulit ng masama si Ana pero as usual, hindi na naman siya naapektuhan ng tingin ko. Ang daldal kasi talaga eh. Sinasabi ko na nga ba! Hindi niya papanindigan ang napag-usapan namin.  “Ang totoo po niyan kaya kami nagkakilala kasi sinilipan niya ako!” Aba! May nakita nga ako pero hindi ko siya sinilipan. Feeling ng babaeng to.  “My God!” Napakamot ako ng ulo when Tita Jane exclaimed. Gusto ko nang patigilin si Ana pero nasa harap kami ng buong pamilya ko at panigurado kapag ginawa ko yun, ako na naman ang lalabas na masama at kakampihan nila si Ana. Grabe! Aping api talaga ako sa pamilya na to. Hindi kaya ampon lang ako? “Gosssshhh!” That’s Raziel. Tiningnan ko ng masama si Raziel kaya hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya.  “You did that Raphael?”  “I didn’t mean to. I saw her trespassing on our property.” Which is true. That river is the boundary of my property and the our family’s property.  “So it’s true na sinilipan mo talaga siya?” Hala!  “Sinabi ko nang hindi ko sinasadya!” Nadapa naman talaga ako. Tapos nakita ko siya. Naaliw ako kakatingin kaya pinicturan ko. Hindi yun paninilip. It was simply appreciating the beauty laid out before me. Masama ba ang mag appreciate ng kagandahan? OO na, inaamin ko na na nagagandahan ako kay Ana. Maganda naman talaga siya basta wag lang siyang magsalita ng malakas na para bang nakalunok ng megaphone.  “Hindi mo sinasadya? Are you trying to make me believe na nadapa ka lang at pagtingin mo nasilipan mo na si Ana?” Tama! “Grandma naman!”  “Wag ka ng magsalita! Sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong panagutan si Ana! At binahay mo pa talaga siya! Hindi ka na nahiya sa kanya!” Panagutan? Siya? Bakit ano ba ang ginawa ko? Oo nga at sa bahay ko siya tumitira pero ano ang nangyari? Parang ako pa ang katulong at siya ang amo. Nag titiis ako sa itlog araw araw. Pag gabi naman nagtitiis ang itlog ko. Saan ang hustisya dun? Tapos ako pa ang mananagot? Napaka unfair ng gobyerno. Palitan na ang presidente! “Lola hindi na po kailangan kasi mabait naman po akong tao at…” Napatingin ako bigla kay Ana.  Tama yan Ana. Ipaglaban mo ang karapatan natin. Ikaw na lang ang presidente! Woooh! “Hindi! Ikaw ang naperhuwisyo tapos ikaw pa ang aayaw? Dapat panagutan ka ng apo ko. Nung kapanahunan namin makita lang ang tuhod mo ng isang lalaki eh kailangan ka nang pakasalan.” Napakamot ako ng ulo. Kung alam mo lang Grandma, matagal mo na sana akong pinakasal. Kung tuhod ang basehan mo, dapat pinakasal mo na ako nung five years old ako. Aba may batang babae akong nakitaan ng panty dati. “Ako’y nakakasiguro na hindi lang tuhod ang nakita ni Raphael sayo!”Should I say that I rest my case? Ayaw ko nang makipag diskusyon dahil alam kong wala naman nang papatunguhan.  Maybe some other time, I coould manage to change Grandma’s mind. Kapag lumamig na ng kunti ang ulo niya.  “Nakita din niya ang kili kili ko Grandma!” Napatingin ako bigla kay Ana. What the! Can she shut up already? Mas lalo lang niyang pinapalala ang sitwasyon. Hindi kaya gusto niya akong pakasalan talaga?  May pagka mukhang pera pa naman itong si Ana. Baka narealize na niya na mayaman ako kaya nagbago na ang isip niya at gusto na niya akong pakasalan at pikutin.  “See! Kaya kailangang magpakasal kayong dalawa sa simbahan. Por dios! Kawawa naman ang puri mo pag hindi ka pinanagutan ng apo ko!” Ngek! Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa sitwasyon.  “Grandma, wala na pong puri yan!” I retorted.  “Nakita mo na! Nakuha mo na pala ang puri tapos tatanggi kang magpakasal! Nasaan ang pagiging lalaki mo Raphael. Tandaan mo, wala sa pamilya natin ang umuurong sa responsibilidad!” Mabuti sana kung ganun di ba? Mabuti sana kung hindi ako nagtiiis sa mga panahon na nagwawala si future. Muntik na nga atang mapudpod ang kamay ko dahil sa babaeng yan. Pero kung alam ko lang na sa ganito mapupunta ang lahat, dapat pala hindi ko na inisip ang kainosentihan ni Ana. Sana inisip ko na lang ang kagustuhan kong matikman siya.  Pero sa hindi ko maintindihan, may bahagi ng isip ko na nagsasabi na hindi ko pwedeng gawin kay Ana ang mga ginawa ko sa mga ibang babae. Yes, I desire her, in fact, there are times that my desire for her is uncontrollable na sa palagay ko mababaliw ako. But somehow, there is a part of me that is afraid of taking her. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakakatakot na pakialaman si Ana. Maybe it is instinct, maybe a part of me is saying that if I touch her, hindi lang yun pang isahan o pangdalawahang gabi. Parang may warning sign na nagsasabi na kapag ginalaw ko siya, it would not only be for a night or two but for the rest ofmy life. Yun ang kinatatakutan ko. Who would want to spend the rest of their life with Ana?  Sino ba ang gustong mabulyawan araw araw? Sino ang matinong lalaki ang gustong makarinig ng reklamo sa araw araw an ginawa ang Diyos? Kapag ginawa ko yun, para akong kumuha ng batong maingay at pinukpok sa ulo ko.  “Basta! Magpapakasal kayo sa lalong madaling panahon! Period. No erase.”   “No way!” Sabi ko at sabi din ni Ana. Nagkatinginan kami and somehow, I am relieve na parehas kami ng iniisip. For the first time nagkaintindihan kami at nagkasundo. Sort of. .  Yun lang ang importante. Hindi naman kami mapipilit ni Grandma kung ayaw talaga namin. Ano yun? Shotgun wedding tapos kaming dalawa ng tututukan ng baril? No one can force us to marry each other.  “Kakausapin namin ang mga magulang mo Ana! Mamamanhikan na kami” Grandma said with conviction. Or maybe…I am wrong. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD