Chapter 13
Para akong tangang kinakabahan ng walang dahilan. Ipapakilala ko lang naman si Ana sa pamilya ko pero ito ako at ilang beses nang pabalik balik sa banyo ng kwarto ko sa ancestral house. Ganito ako pag kinakabahan, nagkaka LBM. Mabuti na lang at pagdating namin, nasa simbahan silang lahat kaya nagkaroon pa ako ng oras paya ikalma ang sarili ko.
Ito ang unang beses na magdadala ako ng babae sa bahay at ipakilala sa pamilya ko, kaya siguro ganito na lang ang kaba ko. Pero hindi ko naman girlfriend si Ana. Hindi naman seryoso ang relasyon namin at pinagpapanggap ko lang naman siyang asawa kaya napakawalang kwenta ang kabang nararamdaman ko. Baka naman kinakabahan ako dahil baka magbago ang isip ni Ana at ipagkanulo ako. Naku, ang hirap pa naman hulaan ng isip ng babaeng yun. Mapuntahan nga sa baba.
Pagbaba ko sa hagdan papuntang living room, nakita ko agad si Ana na nakaupo sa harap ng aquarium ni Lilac. Siguro katulad ko, na charm na din ni Lilac si Ana.
"Ito pa! Tapos ito pa! Ubusin mo yan lahat! Wag kang magtitira!" What the hell! Anong ginagawa niya?
"Aba! Ba't di mo kinakain yan? Ha? Choosy ka pa ha? Choosy? Kumain ka na para lumaki ka kaagad! Gusto mo isaksak ko pa sa baga mo ang pagkain na yan? Hindi pwedeng hindi mo yan kainin. Ubusin mo! Ang dami kayang nagugutom sa Africa tapos ganyan ka!!" Hinampas niya ang salamin ng aquarium at nakita kong nagpanic si Lilac. Hindi na alam ng kawawang isda kung saan magtatago.
"Pag hindi mo yan kinain, ipiprito kita!" Binato niya ulit ng isang pellet si Lilac. My God! Baliw talaga si Ana! Pati isda, pinapatulan.
"Kainin mo yan sabi!” Nanggigigil pa din na sabi niya at napatingin ako sa mga lumulutang na pellets sa itaas ng aquarium ni Lilac.
“Ana! Ano ang ginagawa mo kay Lilac? Bakit mo siya hinaharass? At bakit ang daming lumulutang na pagkain niya?" baliw! Baliw talaga siya!
"Hinaharass? Eh pinapakain ko nga eh. Kaso maarte talaga siya. Ayaw kumain!"
"Naiistress siya sayo! Isa pa, dalawang beses lang siya pinapakain at tig tatlong butil lang. Tingnan mo ang ginawa mo! Halos maubos ang isang bote!"
"Naiistress? Eh di bigyan mo ng stresstab! Ke arte arteng tilapya." Naman! Sarap ipasok sa aquarium ng babaeng ito para hindi ko na marinig ang ingay niya at nang magtino din siya. Akalain mo ba namang pati ang kaawa awang flowerhorn, hinaharass. Sino ang matinong tao na gagawa nun?
"Baby, don't listen to her. She's just jealous because she's not as beautiful as you. Now be calm and don't stress yourself." Baka lumiiit ang ulo ni Lilac kapag na stress. Tapos mangingitim ang mga pearl niya. naku pag nangyari yun, makikita ni Ana.
"Gago!"I heard her say pero hindi ko na napagtuunan ng pansin kasi biglang may pumasok sa bahay. Pumasok ang mga kamag-anak namin at parang nagkaroon ng stampede sa bahaynamin. Pinaghahalikan ako ng mga Tita ko at iba pa naming mga kamag anak.
Siyempre mamimiss nila ako kasi lumayas kaya ako. I’m sure malaking kawalan ako sa pamilya, sa hacienda at sa kompanya. Ako pa!
"Ohhh she must be your wife." I heard Grandma said. Nakatayo lang siya at tinitingnan ako habang pinagkakaguluhan ako ng mga fans.
"Ahh yes Granny." Inakbayan ko si Ana para in case na magbago ang isip niya, hahalikan ko na lang siya. Sana magbago ang isip niya.
"Everyone, this is Ana, my wife.” Pinakilala ko din kay Ana ang iba naming mga kamag anak. I’m not really sure kung tama ang mga pangalan na sinabi ko kasi some are my distant cousins, nephews and nieces and I couldn’t really remember them all.
"So you're the lucky girl." Talagang lucky si Ana! Aba, akalain mo ba naman na nakabingwit siya ng isang Angelo Raphael Villegas ng walang kahirap hirap? Ang ibang babae, kailangan pang gumapang sa mainit na katawan ko, kumain ng hotdog at lumunok ng condensed milk para lang pansinin ko, samantalang siya, walang kahirap hirap. Siya pa ang babayaran ko. Mukha ngang dehado ako kaya itong si Ana dapat galingan niya ang pagpapanggap.
"Oo nga po. Pasensiya na po kung ngayon niyo lang ako nakilala. Nagagalak po akong makilala kayo pati na din ang yellowish pink na tilapya." Pupurihin ko na sana siya sa sppech niya pero hindi ko ginawa. Instead, tiningnan ko lang siya ng masama. Hindi ko siya pwedeng sawayin kasi baka makahalata sina Grandma. Smart pa mandin sila. Kailangan ng ibayong ingat mga kaibigan.
"You know I like her already! I like witty and frank girls." Ngek! Frank siguro, oo, pero witty? Saan banda? Bakit hindi ko makita? Nakatago ba sa ilalim ng bra niya? Patingin nga!
"Granny, Lilac is a flowerhorn. Hindi siya tilapya. Okay!" Paulit ulit na lang na explanation. Kelan ba tatanggapin ni Grandma na maikokompara si Lilac sa royalty. Oo nga at parehas silang cichlids. Pero katulad ng mga tao, ang tilapya ay commoner at si Lilac ay royalty dahil isa siyang dyosa ng mga tilpaya.
"They are both from the same genus. They are both cichlids, for goodness sake Raphael!" Hay naku! Ang hirap pag matanda na ang kausap.
"At dahil nandito na lang rin kayo, at nag asawa ka na rin Raphael, I believe wala nang sense ang paglalayas mo. Wala ng magt-threaten kay Lilac. Dito na kayo tumira sa ancestral house. Para matingnan mo na din palagi ang isdang yan." Ay teka lang. Magandang idea sana yan grandma kasi ibig sabihin, iisang kwarto na lang kamini Ana pero ang problema hindi pwedeng magsama si Ana at Lilac sa iisang bahay. Baka mahawaan ng kabaliwan ni Ana si Lilac, mahirap na.
Naramdaman ko ang pagkatense bigla ni Ana dahil sa sinabi ni Lola.
"Pero Lola... my sarili ako bahay and…"
"No buts Raphael. No buts if you don't want to be the death of me." Ano daw? Bakit parang wrong grammar ata? Langya talaga tong si Grandma oh! Patawa!
Sumbong ko kaya to sa board at nang mapatalsik? Para naman pwede ko nang ibalik si Lilac sa opisina. Aba! Swerte kaya ang dala ng flowerhorn. Simula ng binigay ni Lily sa akin si Lilac, sunod sunod na swerte na ang dumating sa buhay ko. Si Ana lang ang dumating sa buhay ko na hindi swerte.
Speaking of Ana, nakita ko siyang nakangiti ng nakakaloko. Tuwang tuwa na ginigisa ako ng Grandma. No wonder, gusto siya ni Grandma, parehas silang mag isip.
Isa pa, kung dito kami titira ni Ana, paano na lang ako? Hindi ako pwedeng magdala ng babae dito. Hindi ako pwedeng umuwi ng umaga kasi malalaman ni Grandma at magtataka sila kung bakit inuumaga ako. Baka akusahan pa akong taksil. Mawawalan ako ng s*x life.
Kaya hindi talaga pwede. Magiging kawawa lang ako. Ang hirap na nga na sa iisang bahay kami tumitira ni Ana paano pa kaya kung nasa iisang kwarto kami?
Kapag pumayag ako, it’s like signing my life away in a contractwith a 24/7 guaranteed blue balls as an addendum. Just thinking of it made me wince in pain.