Chapter 23
Just when I thought I knew all of Ana’s antics, she came to the office to surpise me and I was indeed surprise. Kagagaling lang namin sa isang site at kapapasok lang sa tower nung may napansin kaming kaguluhan sa may lobby. Then I heard my name being called, or rather shouted.
“PAENG!!” My eyes automatically scanned the place. Kahit na hindi ko pa nakikita si Ana, alam kong siya ang tumawag. Siguro dahil kilalang kilala ko na ang sigaw niya. Ikaw ba naman makarinig ng malakas niyang boses sa loob ng ilang buwan natural na masasanay ka.
Then I saw her being dragged by the guard. Nag init bigla ang ulo ko. Sino ang nagbigay ng karapatan sa gwardiyang yan na hawakan ang asawa ko?Much more kaladkarin?
“What are you doing with her?” Masama na ang tingin ko sa guwardiya. Gusto ko siyang suntukin pero pinigil ko ang sarili ko.
“Si-sir, tumawag kasi ang reception na nang iistorbo daw ang babaeng ito sa loob.” I saw the fear on the guard’s eyes at napag isip isip ko na baka nga ginagawa lang niya ang trabaho niya.
“Let go of her. How dare you treat my wife like this?” Agad namang binitiwan ng guard ang hawak kay Ana na parang napaso at agad kong hinila si Ana palapit sa akin. Itatanong ko na sana kung okay lang si Ana pero nakita kong nakangisi siya. Tapos lumapit sa akin, tumingkayad at bumulong.
“He r***d me.”
“What!!!?” Anong kalokohan na naman ang pinagsasabi nito. Nahimasmasan na ako sa kaninang surge of emotion ko lalo na nung nakita ko ang ngisi ni Ana.
“Si-sir! Hi-hindi po!” I looked at the guard na nanginginig na ata sa takot at namumutla. Siyempre takot na masesanti ang pobre. Kung nagpadalos dalos pala ako ng desisyon, nakasagasa pa ako ng ibang tao. Ang babaeng ito, sarap halayin.
“Anong hindi? Hinawakan mo ang braso ko. Hindi mo ba alam na ikinasal kami dahil…mmmpp mmmpp!” Pinigil ko na siya sa pagsasalita. Tinakpan ko ang bibig niya ng kamay ko. Oh, I would love to shut her up using my mouth but we’re in a public place. Maybe some other time kapag nasa pribadong lugar na kami.
Isa pa, I know what she’s going to say and I don’t want her to divulge the reason behind our marriage. Inilayo ko na din siya sa guard.
Pero kahit na kung ano-ano na namang kalokohan ang pinaggagawa niya, hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng tuwa. I don’t know why. I am just glad of the fact that Ana made an effort to visit me here. Very wifely.
“Why are you here?”
“I’m bored at home.” Naman!
Inakbayan ko na siya at naglakad papunatng elevator. Pero nung dumaan kami sa reception tumigil siya saglit at tiningnan ng masama ang reception clerk kaya napatingin din ako. The poor clerk couldn’t look at us.
What is it this time?
“That woman degraded my humanity.” Degraded?
“We’ll deal with all of them later, wife.” Sinabi ko na lang para makaalis na kami.
Maybe if it’s not Ana I would be pissed. She literally created chaos at the building however, for no apparent reason, I can’t seem to bring myself to be mad at her. In fact, I am amused, very amused.
"Humanity." Natatawa ako. Ang daming alam ng babaeng to. No wonder, I like her. She surprises me everytime. Her eccentricity amuses me to no end. It’s like, everytime I’m with her, I’m like a boy on the edge of my seat, awaiting for her next epic move.
“Ana, bakit english ka ng english?”
“Akala ko ba englishan ngayon? Bakit? Dumudugo na ba ang ilong ko? Pahiram panyo.” God! I laughed out loud before I indulge her and give her my handkerchief.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin pupunta ka?”
“Paano ko sasabihin sayo? Hindi ka nag iwan ng number. Hindi naman kita matext dahil iniwan mo ang cellphone ko sa bahay.” Her voice rising an octave with every sentence.
“Tapos ang boring boring doon sa bahay mo. Wala pang pagkain, nagtiis na naman ako sa itlog mo. Isusumbong kita kay Grandma, ginugutom mo ako.” I ignored the glances directed at us by our employees. Isa pa yan, kapag kasama ko siya, wala na akong pakialam sa iba. Ganun kalakas ang apog ni Ana.
“Hindi ko man lang matetext sina Mama para makamusta.” She continued her banter.
“Sige ibibili kita mamaya ng cellphone.”
“Samahan mo din akong maggrocery maya maya.” I have a meeting. I took my phone and check on my schedule. I’ll be meeting a client.
“Sige.” Raziel could meet that client.
“At magshopping.” Napatingin na ako sa kanya and she looked hopeful yet there is a glint of mischievousness on her eyes. Iniisahan na ata ako ng babaeng to ah. Isa pa, kelan pa ako sumamang mag shopping sa isang babae?
I hate shopping with women. Ayaw kong magbitbit ng mga pinagbibili nila. I don’t want to look like a bodyguard hopping from one shop to another. I have better things to do!
“What!? Papasamahan na lang kita kayElisa.” She looked at me. Pabalik balik as if telling me that if I wouldn’t do it, all hell will break lose.
“Damn! Sige na nga!” She smiled and I almost smiled. Nag usap kami kagabi tungkol kay Lilac. Siya ang magsasabi kay Grandma na ipadala na si Lilac sa condo kapag pinagbigyan ko ang mga kagustuhan niya.
I could have said no dahil wala pa namang competition si Lilac. Hindi naman yun pababayaan sa ancestral house. Pero pumayag pa din ako. Hindi dahil kay Lilac.
I agreed because I love seeing how her eyes twinkle everytime she gets her way. I love to see her smile kapag naiisip niya na naiisahan niya ako.
So yeah, I wanted her to have her ways dahil masarap sa pakiramdam na napapasaya ko siya.