Chapter 2: Shopping

2266 Words
Margaux's POV "Honey, are you up? Jen is here bumaba ka na." Narinig kong kumatok si mommy sa pintuan ng kwarto ko but I don't want to go down. Alam naman siguro ni Jen na ayaw kong lumabas kaya tataas din iyon mamaya. Hanggang ngayon masakit pa din yung nakita ko tapos galing mismo kay Adrian na girlfriend niya iyong malanding 'yon. Ganon ba yung tipo ni Adrian? Yung oversized yung boobs tapos kulang sa tela kung manamit? I don't know what to do anymore, masakit pa din pero magiging okay din ako. Mas dodoblehin ko pa yung effort ko para mapansin lang ni Adrian, hindi sila bagay nung haliparot na yun. "Hey get your ass up and talk to me." Narinig ko yung boses ni Jen sa tabi ko pero ayaw ko siyang lingunin, namamaga pa yung mata ko. "I can't, namamaga yung mata ko." Ayokong sesermonan na naman ako ni Jen tapos sasabihin niyang mag give-up nalang ako kay Adrian. "So hihiga ka nalang buong araw? I won't talk because I know that you won't listen just like before kaya tumayo ka na diyan and get yourself ready." Saan na naman ako dadalhin ng b***h na to. Wala naman kaming practice kasi Saturday ngayon. "Saan mo ako dadalhin?" Napahiyaw na lang ako sa sakit nang bigla akong hampasin ni Jen sa braso. "Ouch, ano ba?! Saan ba kasi tayo pupunta? Wala ako sa mood diba?" "Hindi mo ba nabasa yung post ni director sa official page ng school natin? Ghad Margaux, na move yung graduation natin sa Monday kasi may bagyo daw sa Friday tapos low pressure sa Tuesday hanggang sa Thursday." Ano?! Sa Monday na yung graduation namin?! "WHAT?! Sa Monday na? Oh God, bakit hindi ko alam?!" I was heartbroken last night kaya hindi ko na chineck yung social media ko. Hindi ko pa na memorize yung speech ko and then I need to go to the salon. Hindi ko pa nakuha yung dress na gagamitin ko kasi akala ko sa Friday pa. "Kaya nga mag ready ka na, lalabas tayo ngayon. Punta tayo sa salon and we need a whole body scrub lalo na ikaw, you look stressed and ugly." "s**t, wait lang." Sabi ko sabay takbo papuntang CR para maligo. It took me 30 minutes para maligo tapos naglabas ko naka-ready na iyong susuotin ko. Did Jen did (do) this for me? "Jen, ikaw ba ang nag-ready ng susuotin ko?" "Yup, ang tagal mo eh. Bilisan mo na kasi! Magpalitka na." "Thank you pero talikod ka muna." "Ughh, ang arte arte nito!" Off-shoulder na peach tapos high-waisted na black shorts yung hinanda ni Jen na isusuot ko. Masyadong exposed yung shoulders ko tapos medyo kita pa yung cleavage ko dito sa damit na pinili ni Jen. Tapos yung shorts naman na napili niya ay sobrang short din kaya sobrang na exposed din yung legs ko. Sanay din naman ako sa mga ganitong pormahan kasi hindi ako mahinhin. "Gorgeous, now put some make up on. Dalian mo na. Ako nalang ang mag aapply ng make up sayo, masyado ka palang heartbroken." Inagaw sakin ni Jen yung toner ko tapos siya na yung nag linis sa mukha ko and siya na din yung nag make up sakin. Hindi na ako umimik habang nilalagayan ako ng make up ni Jen. Magaling naman siyang mag make up so no worries. Ano kayang ginagawa ni Adrian ngayon? Kasama kaya niya yung haliparot niyang girlfriend? Bakit ganon? Maganda din naman ako pero bakit siya pa? Dahil ba teenager pa ako tapos nene sa paningin niya? Never na nagbigay ng motibo sa akin si Adrian pero bakit doon pa siya nagkagusto sa mukhang pokpok sa bar kung manamit? "Margaux nakikinig ka ba?" Inis na tawag sakin ni Jen habang winawagayway yung kamay niya sa mukha ko. "Ha? Ano iyon?" Tanong ko kay Jen. Hindi kasi talaga ako nakikinig sa kanya. I was thinking about Adrian and that b***h. "Hindi ka talaga nakikinig eh no, ang sabi ko paki tignan kung okay na yung make up mo. Ano ba kasing iniisip mo bakit tulala ka?" "Wala. Maganda naman, maganda din naman ako pero hindi pinili." Sabi ko ng nakasimangot. "Ugh, stop thinking about kuya Adrian and his b***h girlfriend. Naiinis din ako doon tapos nagtatampo pa ako kay kuya." Sabi ni Jen tapos tinanggal niya yung towel sa buhok ko. She grabbed my hair dryer tapos sinimulan na niyang i-blower yung buhok ko. Habang ako naman, nakatingin lang sa mirror. "You know what, you should do something to your hair. Ibahin mo yung hairstyle mo para hindi lang yung laging straight tapos black, mas mukha kang bata sa hairstyle mo eh." So mukha pala akong bata sa buhok ko? Kaya ba madalas akong pagkamalan na "nene" dahil ganito lang yung hairstyle ko? Kailangan ko ba talagang palitan yung hairstyle ko? But I really love my straight black hair. Para kay Adrian, I will cut my hair and change it. "Yeah I think I need to change it since college naman na tayo soon." College na ako sa next na pasukan kaya kailangan ko din talagang baguhin yung looks ko and I will start it by changing my hairstyle. "Ayan tapos na. Ang ganda mo naman para hindi pinili haha." Ayan nang-aasar na naman itong babaeng 'to. Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya at naglakad na ako papunta sa walk-in closet ko para kumuha ng heels na gagamitin ko. Yung cream colored na heels ko yung ginamit ko since bagay naman sa damit kong peach. Lumabas na ako sa walk-in closet ko tapos nakita ko si Jen na nag-aayos ng buhok. "Wait lang, kukunin ko lang yung wallet ko tapos aalis na tayo." "Bilisan mo." Hinanap ko yung wallet ko sa bag ko then lumabas na kami sa room ko. Nasa first floor na kami ni Jen noong salubungin kami ni mommy. "Look at the both of you. Ang gaganda niyo! I can't believe na mag kokolehiyo na kayo sa susunod na pasukan." Masyadong emotional si mommy pag dating sa amin ni Jen, ewan ko ba sa kanya. Parang ayaw niya ata na lumaki kami ni Jen, gusto niya lagi niya kaming binababy. "Thank you tita." Pagpapasalamat ni Jen. "Anyways, saan ang lakad niyo?" Tanong ni mommy. "Pupunta po kami sa salon tapos magpapa-whole body scrub na din kami ni Jen mommy." Ako na yung sumagot kay mommy. "Alright, wag kayong magpagabi ha." Bilin ni mommy sa amin. "Bye mommy." "Bye tita." "Ingat kayo ha?" "Opo." Sagot ko. "Sabay nalang ako sa sasakyan niyo Jen, nakakahiyang istorbuhin sila manong." "Sige tara na." "So saan muna tayo pupunta?" I asked Jen. "Kain muna tayo sa Jollibee, di ako nakapag breakfast eh." Namiss kong kumain sa Jollibee, favorite kong kainan 'yon since bata pa ako. Laking Jollibee ako eh. "Sige, hindi din ako kumain ng agahan eh." "Manong, sa MOA po tayo." Sabi ni Jen sa driver niya. "Sige po ma'am." "After nating kumain sa food court, shopping muna tayo." Sabi ko kay Jen habang nag s-scroll sa i********: ko. "Ay bet ko yan cyst, may limited edition na Channel na handbag doon and I need to buy it." Pumalakpak pa si Jen at halatang super excited na siya na makuha yung Channel na bag. Parang gusto ko na ding bumili ng Louis Vuitton na handbag. "Ma'am andito na po tayo." Magalang na sabi nung driver. "Salamat po sa paghatid, uwi na po kayo manong. Tatawagan na lang po kita kapag uuwi na kami." "Sige po ma'am." Sabi nung driver tapos umalis na. "Kain tayo sa food court, sana lang hindi mahaba yung pila." Sabi ni Jen tapos naglakad na kami papunta sa Jollibee dito sa may food court. "Hanap ka ng table natin Jen, ako na lang ang mag-o-order ng pagkain natin." "Sige. Ay wait, doon oh sa may gilid doon tayo uupo. Una na ako doon sa table natin, sunod ka nalang mamaya ha." "Okay." Himala at hindi mahaba yung pila ngayon, pangatlo ako sa pila kaya hindi ako matatagalan bago makapag-order. Lagi kaming kumakain ni Jen dito kaya kilala na kami ng mga crew and alam na nila kung ano yung lagi naming ino-order. Nasaan kaya si Adrian ngayon? Siguradong nasa opisina niya 'yon, hindi uso sa kanya' yong day off. "Hi ma'am Margaux, yung dati pa din po ba yung kukunin niyo para sa inyo ni ma'am Jenny?" Tanong nung crew sa akin. "Ah yes please." "Sige po ma'am, ito po yung table number niyo. Paki hintay nalang po sa table niyo yung pagkain niyo ma'am." "Thank you." Nakapagbayad na ako and aalis na sana ako sa cashier pero may hipon na nagsalita sa tabi ko. "Ang daya talaga ano? Bakit siya ang bait-bait ng mga crew pero pag tayo hindi. Siguro nilandi niya si kuya ano?" Aba aba, biglang uminit yung ulo ko dahil sa narinig ko. "Haysss, nagkalat na ang mga toxic sa mundo diba cyst? Try mong landiin yung crew kung magpapalandi sayo. Balita ko hindi sila basta basta nagpapalandi sa mga hipon. Oopsss, I didn't mention anyone right? Pero kapag tinamaan ka then sige, sa iyo ko talaga sinabi 'yon. Bye." Ang tanga nung hipon na yon, mukha ba akong malandi? Mas mukha nga siyang malandi kesa sa akin eh, kanina ko pa kasi napapansin na panay yung titig niya sa lalaking nasa kabilang linya. "Oh bakit nalukot na naman yan mukha mo? Anong nangyari?" Tanong ni Jen nung umupo ako sa table namin. "Jusko, sinabihan lang naman ako nung hipon dun sa may counter na nilandi ko daw yung crew dahil mabait sakin. Ghad, ang toxic niya." Pinaypayan ko nalang yung sarili ko dahil sa inis. "Ahh hipon, tapon natin ulo nun haha." "Ang gago mo hahaha." Ganito kami lagi ni Jen pag walang pasok, lagi kaming kumakain dito or bumibili ng kung ano ano. "Ma'am andito na po yung pagkain niyo." Sabi nung crew habang nilalapag sa table yung pagkain namin. "Ay bakit ang bilis naman yata?" Tanong ni Jen. "Ganun po talaga, special treatment kumbaga." Sagot nung crew tapos umalis na. "Kain na tayo, gutom na talaga ako." Sabi ko tapos kumain na kami. Madami pa kaming gagawin mamaya, magpapa salon tapos magpapa whole body scrub din kami. Ano kayang hairstyle ang bagay sa akin? Iyong medyo pang matured sana para magmumukha akong matured sa paningin ni Adrian. "Shopping muna tayo saglit after nating kumain ha." Sabi ni Jen habang kinakagat yung fried chicken niya "Sige ba, may bibilihin din ako na handbag sa store ng Louis Vuitton." "Okay, mag hiwalay muna tayo mamaya. Doon ako sa store ng Channel. Meet nalang tayo pag nakabili na tayo." Jen suggested. "Sige basta bilisan natin ha, madami pa tayong gagawin ngayon." Sagot ko naman. So ayun nga, after naming kumain ni Jen nag rest muna kami ng kunti tapos umakyat na kami para bumili ng hand bag. Gustong gusto ko talagang bilihin yung bagong labas na hand bag ng Louis Vuitton and limited edition siya kaya dapat ako yung kukuha nun. Dumiretso ako sa store ng LV para hanapin yung handbag. "There you are." Napangiti ako nang makita ko yung hinahanap kong hand bag. Hawak ko na 'yong bag pero may biglang humablot dito kaya napalingon ako. "This is mine. I saw it first pero naunahan mo lang ako." What the f**k?! Gusto ko na talagang sabunutan itong mang-aagaw na to. Una si Adrian tapos ngayon yung hand bag na gustong gusto kong bilihin. "NO b***h, akin yan. Ako yung nauna kaya akin yan you just grabbed it from me. Wala ka na bang ibang pwedeng gawin aside from being mang-aagaw?" Pagalit kong sumbat sa haliparot na girlfriend ni Adrian. "Look little girl, something like this is for grown-ups like me so this handbag is mine." The b***h just raised her eyebrow while talking to me. Attitude cyst, mas ma attitude ako kaysa sayo akala mo ahh. "Really? That kind of hand bag was perfectly designed for someone like me, you know youngsters. Hindi yung gaya mo na gurang!" I stuck my tongue out to her which made her mad like a witch. Alright everyone, 1 point for Margaux!! "What's happening here?" Kilala ko kung sino yung may-ari ng boses na yon kaya hindi nalang ako lumingon kasi masasaktan naman ako. "Baby, this little girl doesn't want to give me this limited edition handbag. I saw it first pero naunahan niya ako sa pagkuha." So magsusumbong na naman tong haliparot na to kay Adrian tapos in the end ako na naman ang aalis kasi nasaktan ako. "NO, I saw it first and I grabbed it FIRST kaya akin na yan. Mang-aagaw kang gurang ka!" Pagkasabi ko noon ay bigla kong hinablot yung hand bag kay gurang tapos tumakbo agad ako sa cashier then I swiped my credit card. "Margaux." Adrian's serious voice made me stopped from walking. Ano na naman ngayon? Sasabihin niya ba na ibigay ko itong hand bag sa jowa niyang haliparot? Sasaktan na naman ba niya ako? "What?" Iritado ko siyang nilingon. "What in the world are you wearing?" Pati ba naman pananamit ko ayaw niya? It looks like he's disgusted for what I'm wearing. "Whatever." I just rolled my eyes on him and walked away from them. NAKAKAINIS TALAGA!!!! Bakit magkasama sila? Gusto ko din na samahan ako ni Adrian na mag shopping pero ughhhhhhhhhhh!!!! "Problema mo na naman?" Liningon ko si Jen sa tabi ko, hindi ko napansin na andito na pala siya sa meeting place namin. "Nakita ko si Adrian tapos yung b***h niyang girlfriend dun sa store ng LV. Nakaka bwiset talaga." I stomped my feet out of madness. "Relax, tara na sa salon. Magpapaganda pa tayo right?" "Fine tara." I said then we left the place. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD