Chapter 3: New Hairstyle

2017 Words
Margaux's POV “So tell me what happened bakit inis na inis ka kanina.” Tanong ni Jen sakin habang papasok kami sa salon ni mommy E. Dito kami nagpapa salon ni Jen kasi maganda yung service nila. Mommy E is a friend of our parents kaya dito na kami nagpapa ayos pag may occasion. Bakla si mommy E, ang tunay niyang pangalan ay Emilio but he will kill you pag tinawag mo siya sa totoo niyang pangalan. “Ayun nga, kinuha ko na yung hand bag pero hinablot nung haliparot tapos sabi na niya sa kanya na yun kasi mas nauna daw niyang nakita pero inunahan ko daw siya. We were arguing but Adrian came kaya umalis na ako bago na naman ako makarinig ng kung ano-anong sasabihin ni Adrian sakin.” Naiinis pa din ako kapag iniisip ko yung nangyari kanina. b***h talaga yung haliparot na yon, ano bang nagustuhan ni Adrian sa kanya? Obvious naman na basura yung ugali nun eh. “Hmp, they will break up soon.” Jen bitterly commented. “Sana nga, SANA NGAYON na sila mag hiwalay.” Napairap nalang ako sa hangin dahil hindi pa din mawala yung inis ko. “Hellow mah babies! Buti nalang naisipan niyong pumunta dito, mag tatampo na sana ako sa inyo eh.” Sabi ni mommy E habang nag bebeso beso kaming tatlo. “Busy po kasi kami sa practice namin for our graduation kaso bigla nilang minove para sa Monday na daw kaya andito po kami.” I explained to mommy E. “Sa Monday na?! Upo na kayo doon, ano bang gusto niyong gawin sa buhok niyo?” Tanong ni mommy E. “Brazilian blow out lang po yung akin mommy E. tapos si Margaux po is magpapa change ng hairstyle.” “Finally, after how many years nag decide ka ng mag iba ng hairstyle.” “I just really love my straight black hair but now gusto ko na siyang palitan ng mas matured na hairstyle. I want to color my hair, gusto ko ng brown tapos gawin niyo din po siyang curly mommy E.” Magalang kong sabi ko kay mommy E. I’m really desperate to change my hairstyle. “Sige…. Iniisip ko tuloy na nag momove-on ka na neng.” Pabirong komento ni Mommy E. “Mommy E, hinding hindi siya mag momove-on Kay Kuya Adrian. Kahit nga nalaman naming may girlfriend pala si kuya Adrian kahapon pero alam kong hindi mag gigive-up yang gagang yan. Solid kung mag mahal pero sa zero ang EQ na pinsan ko pa.” Pagmamaktol ni Jen habang chinecheck ang kanyang mga kuko. “Hija, look at you maganda ka and you’re still young. You still have lot of things to learn habang lumalaki ka and what you feel for Adrian is just a puppy love okay? Adrian is 23 and he can decide on his own, he’s already independent and he’s a young bachelor. Ikaw 19 ka pa and soon you’ll meet many eligible men na ka age mo kaya wag ka munang mag habol okay?” Advice ni mommy E sa akin while running his fingers to my hair. I know he wants me to feel better but I just can’t give up on Adrian, alam kong balang araw may patutunguhan din yung lahat ng efforts ko para lang mapansin niya. “Guys, I know that you want the best for me but I wanted this. Ginusto ko na magpapansin kay Adrian kaya kakayanin ko yung pain, mawawalan din to and I’ll continue what I’m doing just to gain his attention. So, drop that topic muna I need to change my hairstyle para magustuhan ako ni Adrian.” I told them with giving them my most assuring smile. “Gaga ka, masyado ka yatang na in love kay papa Adrian at ganyang ka na ka desperada.” Pabirong sambit ni mommy E sa akin. “Enebe, may pag-asa nga kasi ako.” I bluntly replied. “Hmp, masabunutan pa kita diyan eh. Sige nga bibigyan kita ng 1 million pag hindi ka tatakbo paalis kapag nakita ulit natin na nag hahalikan sila kuya Adrian tapos yung girlfriend niyang mukhang paa.” Jen challenged me. Is that even a challenge? She knows that I can’t stand something like that. Masyadong masakit. “b***h please! Kahit sayo na yung pera mo.” I said then inirapan ko na lang si Jen pero tumawa lang siya ng isang nakakainis na tawa. “Baby gals, tama na yan para makapag simula na tayo. Ghandara, halika dito bakla ayusin natin yung buhok ng mga junakis na itis. Graduation na daw nila sa Monday.” “Ayyy! Akala next week pa iyon, why all of a sudden nemen?” Sabi ni Ghandara habang naglalakad papunta sa direksyon namin. Ghandara is also a gay, kasama siya ni Mommy E dito sa salon niya and friend din namin siya kasi nga suki na kami ni Jen dito. “Anong maipaglilingkod ng aking kagandahan sa inyo?” Sabi pa ni Ghandara habang hinahawi ang kanyang maikling buhok. “Baks, ikaw na ang bahala kay Jen. Blow out lang ang need niya, ako na ang bahala sa brokenhearted na ito. Pagagandahin po pa siya lalo hanggang sa mangisay si fafa Adrian sa kakatitig sa prinsesa natin.” Mommy E said while hinahanda niya yung mga kailangan niya. “Ayy bet ko yan baks! Ikaw naman kasi Margaux, sinabi ko naman sa iyo na gapangin mo na.” Patay malisyang sabi ni Ghandara sa akin. “Yuck, hindi ko yan kayang gawin Ghandara!” Its disgusting. Hindi ko yan kayang gawin kay Adrian. Just thinking about doing it gives me an unexplainable chills, ghad! “Oh siya, tama na yan. Let’s start na.” Pinutol na ni mommy E ang usapan namin about sa paggapang ko kuno kay Adrian. “About sa set-up natin sa Monday, I’ll call your parents tomorrow and ask them kung ano yung gagawin natin. Its either sa bahay niyo Margaux or sa bahay niyo Jen namin kayo aayusan. It depends kung ano ang pag-uusapan namin ng mga parents niyo.” Mommy E said while bleaching my hair. This is it, goodbye black and straight hair. “Ayos lang po sa amin kung kanino ng bahay niyo kami aayusan, we’ll ask our parents about the venue pag nakapag-usap na po kayo.” Sabi ni Jen habang nag babasa ng magazine. Ah s**t! Hindi ko pala na memorize yung speech ko! Ano nalang ang sasabihin ni Adrian kapag nagkamali ako while delivering my speech. “Jen, hindi ko pa pala na memorize yung speech ko” I said with a hint of dissapointment in my tone. I originally made my piece pero kailangan ko pa din itong maisaulo kundi mapapahiya ako sa harap ng madaming tao and worst kay Adrian. Oh no, dalawang gabi na lang ang natitirang oras para sa akin. “Duh,what did I tell you Margaux? You didn't listen to me when I kept on mumbling about your speech.” Mataray na sagot ni Jen habang nakatingin pa din sa binabasa niyang magazine. I hate to admit it but Jen is right, laging nakatuon kay Adrian yung attention ko but I don’t regret it. Kakayanin Kong I-memorize yung speech ko within two days. “Whatever, hindi ako papalpak sa speech ko okay?” I replied. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang inaayos ni mommy E yung buhok ko. Nagising na lang ako noong naramdaman kong may tumatapik sa balikad ko. “Hija, gising ka na. You’re new hairstyle is done perfectly.” Pagkarinig ko nun ay tumingin ako sa mirror tapos nagulat ako sa nakita ko, ghad is this me? Bakit….. bakit parang ang… “ANG GANDA MO b***h!!!!” Manghang sigaw ni Jen habang naka tingin sa akin. “Ang ganda ng ginawa mo sa buhok ko mommy E.” Kahit ako ay namangha sa itsura ko ngayon, mas lalo pang lumitaw yung puti ko. From straight black hair to wavy brown hair. Yung dating buhok ko na abot hanggang pwet ko ay naging mas maikli kumpara sa dati. Ang ganda talaga. Mas naging matured ako ng konti dahil sa bagong style ng buhok ko. Ano kayang sasabihin ni Adrian kapag nakita niya ako? Papansinin na kaya ako ni Adrian ngayon? “Ayan mas lamang ka na ng isang milyong paligo kesa doon sa haliparot na girlfriend ni kuya Adrian.” Komento ni Jen. “Hoy, mas maganda naman talaga ako kumpara sa mang-aagaw na iyon.” I said as I bitterly rolled my eyes. “Pero mas bata ka hindi ba? Haha.” Pang-aasar ni Jen. Ang gago niya. lagi niya akong ginaganyan kapag si Adrian ang usapan. Napapaisip tuloy ako kung ayaw niyang maging parte ako ng angkan nila or what. Well, magiging Mrs. Carter din naman ako the soonest, sigurado ako doon. Napatawa na lang ako dahil sa kung ano anong na ang naiisip ko. “Baliw ka na Margaux. Ano bang iniisip mo bakit bigla bigla ka na lang na tatawa dyan kahit hindi ka naman kinakausap?” Taming ni Jen sa akin habang nakakunot ang noo. “Ahh wala, I’m just thinking about my future. That’s all.” Nakangising sagot ko sa kanya. “Whatever, magpa whole body scrub na tayo baka magabihan pa tayo kapag tatawa ka pa dyan ng mag-Isa.” Mommy E’s salon also offers whole body scrub pero hindi na sila ni Ghandara ang nakatoka sa service nilang iyon. Si ate Marga yung naka in charge pag may magpapa whole body scrub, may mga kasama din naman si ate kaya maganda yung service nila. “Sige na mga hija, puntahan niyo na si Marga. Maghihintay pa kami ng mga fafa na customers.” Sabi ni Ghandara sa amin habang nililigpit nila yung mga ginamit nila sa buhok namin kanina. “I really feel the need to relax. I’m stressed and worn out.” Sabi ko noong papasok na kami sa station nila ate Marga. “And broken. Tara na nga.” Jen added tapos hinila niya ako papunta sa desk ni ate Marga. “Oh hi there, you two look fabulous. Ang gaganda niyo talaga, nanggigigil ako sa inyo eh.” Gigil na sabi ni ate Marga. “Thank you po ate Marga.” Magalang sa sagot ni Jen. Magalang talaga kaming dalawa kasi iyan yung itinuro sa amin but we can be bitchy when we encounter toxic people tulad na lang nung babae sa food court ng MOA. “So are you two here to have a whole body scrub? Baka naman pumunta lang kayo dito para kulitin na naman ako na samahan kayo para mag shopping?” Nakangiting tanong no ate Marga sa amin. Yes, kinukulit namin si ate Marga minsan para lang samahan kami ni Jen na mag shopping, we love her fashion kasi. “Uhhh, maybe next time na kami mangulit kasi we need a whole body scrub ngayon. Graduation na po kasi namin sa Monday.” Sagot ko kay ate Marga. “Oh? Akala ko next week pa iyon?” Takang tanong ni ate Marga. “May bagyo daw po next week kaya sabi nung director ng school namin na sa Monday na daw.” Jen explained since siya naman ang nakabasa nung memo, hindi ako. “Oh really? Sige pasok na tayo sa room para makapag simula na tayo.” Sabi ni ate. “I need two of you, follow us inside.” Utos ni ate Marga sa dalawang crew. Usually sumasama si ate Marga sa loob kapag nagpapa whole body scrub kami para maki chika sa amin ng kung ano ano. “Be extra careful with the hair, kakatapos lang nilang magpa salon kila Mommy E.” Utos ni ate sa kanyang crew na nag aasikaso sa amin. “Speaking of those bitches, bakit hindi niyo kasama sila mommy E at Ghandara noong pumunta kayo sa station ko? May gagawin pa ba yung dalawa or baka naman naghihintay na naman ng gwapo ng customer?” Tanong ni ate Marga sa amin. “Maghihintay daw po ng gwapo ng customer.” Natatawang sambit ko. “Sabi ko nga. Hindi talaga sila titigil kapag wala silang nakitang gwapo sa isang araw ano?” Nagtawanan nalang kaming tatlo dahil sa sinabi ni ate Marga. “So anong chika niyo ngayon?” Tanong ni ate Marga habang nilalagyan ng red wine yung baso niya. “Broken po si Margaux ate Marga. Tanungin mo po kung ano ang nasaksihan namin sa opisina ni kuya Adrian kahapon.” Prankang sambit ni Jen. Wala talagang lang preno yung bunganga nitong babaeng ito. Kailangan bang ipagkalat niya na may crack yung heart ko? Iniiwasan kong isipin si Adrian pero pag nagsasalita si Jen na broken ako eh kusa nalang na pumapasok sa utak ko si Adrian. “Ako Jen, tanungin mo din ako kung ano ang gagawin ko sa’yo kapag nakalabas na tayo dito.” Inis kong sinabi kay Jen. “What happened? Anong nangyari?” Curious na tanong ni ate Marga. So wala na talaga akong choice kundi sabihin sa kanya ang nakita namin kahapon. Nakakainis naman! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD