Chapter 16: What's with Adrian?

2078 Words
Margaux's POV "Ma'am and sir, nandito na po yung order niyo. Please enjoy your food at our place. Please don't hesitate to call for our attention if you have queries, thank you vary much." Nilapag na nung waiter yung mga pagkain namin tapos nag salita siya about sa gagawin namin if we have queries. "Yes. Thank you." Neil replied to the waiter beside our table. "You're very much welcome sir. I'll leave now so you'll continue your date." Sabi nung waiter tapos umalis na. Date? Akala niya ba ay may date kami ni Neil? Date na ba ang tawag dito sa ginagawa namin ni Neil? Yieeeee. I'll be having my first meal here in Boracay with this handsome pilot. Rawr! Hahah. "You're smiling again. Palagi ka ba talagang ngumingiti kahit mag-isa mo lang?" Curious na tanong ni Neil sa akin. "I'm just think about something." I replied to him without breaking the smile on my lips. Did he expect me to tell him what I was thinking kanina? Ayoko ng maging honest ng masyado dahil baka asarin niya ako and besides ayoko ng sabihin na siya ang dahilan ng ngiti ko. "You sure?" He asked me. "Yeah, may iniisip lang talaga ako." I told him. "Okay? Sige kain na tayo habang maaga pa. I need you to go to your cabin as early as possible. Look what you're wearing, baka mabastos ka pa." He told me while pointing his index finger from my he'd to toe. Enebe captain! Huwag kang ganyan please! "Nandyan ka naman eh. I mean, kasama naman kita kaya wala naman sigurong mag a-attempt na babastusin ako." Medyo malanding sabi ko sa kanya. Margaux masyado ng mataas ang kalandian mo! I mentally told myself. "Yup, its a good thing that I'm here. Ihahatid kita mamaya sa cabin mo para sure na safe ka. Next time please don't wear swimsuit or bikini." Sabi ni Neil habang kumakain. Gusto niya ba ng konserbatibo na babae? Hindi kasi ako conservative eh. "May rule kasi kami ng friends ko which is weird and you might think na baliw kami kapag sinabi ko sayo." I told him while eating my food. Ang sarap talaga! "I'm cool with that. Sabihin mo na sa akin para malaman ko naman." He insisted. "Uhmm, ganito kasi yun. May rule kami na kapag lalabas kami or kapag nasa bakasyon kami ai dapat puro revealing clothes lang ang dadalhin namin which of course include two piece and swimsuit. Kapag hindi namin sinunod yung rules ay may punishment. The punishment goes this way. If I violated our rule then I need to take ten shots of Bloody Mary which is ayokong maranasan. Not now, not ever." I explained to him our rule. Sana naman ay maintimdihan niya. He suddenly stopped from eating and then he looked at me with a serious face. Okay, what now? "Your friends are not serious about ten shots of Bloody Mary as a punishment right?" He asked me with a serious face. "Oh I hope they're not serious but hell! They're serious about it! May nasampolan na nga eh." I told him habang kumakain. Ang sarap ng kinakain ko kaya hindi muna ako titingin sa kanya. Makalat pa naman ako kapag kumakain ng seafood. "What? Don't you think you and Jen are too young for that kind of rule?" Tanong ulit niya sa akin pero ngayon ay kumakain ulit siya. "You have to know that I'm not so conservative and besides, Jen and I grew up na medyo napabayaan ng mga magulang. I admit that my parents spoiled me kaya nagagawa ko ang lahat ng gusto ko." Pag-aamin ko sa kanya. Totoo naman kasi na spoiled ako pati na din si Jen kasi binibigay nila ang lahat sa amin. "Okay wala na akong masabi sa kaka ibang rule niyo ng mga kaibigan mo. Kapag na violate mo ang rule niyo, just call me at ako na ang iinom sa ten shots mo. Do you understand?" He can't be serious right? He can't drink those ten shots of Bloody Mary for me right? I mean, sino ang nasa tamang pag-iisip ang mag i-insist na gawin yun para sa akin? "Do you understand Margaux?" He once again told me pero ngayon mas seryoso na siya kumpara kanina. "O-okay sige." Sagot ko sa kanya. Wala na akong masabi sa kanya, I'm honestly speechless right now. Kapag si Adrian siguro ang nagsabi sa akin ng ganyan ay tuwang tuwa ako ng sobra sobra. "Do you really like seafoods?" Tanong sa akin ni Neil. Masyado bang obvious? "Ah yes. Its my favorite actually." Pag-aamin ko sa kanya. "Halata nga. Sige kumain ka na." He said then he chuckled. Ang hot talaga niya. "Malapit na akong matapos na kumain." I told him while finishing my food. "Take your time." He told me. "Ayan tapos na ako." Sabi ko sa kanya noong tapos na akong kumain. "Alright. Well take a short rest tapos Ihahatid na talaga kita sa cabin mo. We will leave in five minutes." He told me while looking into his wrist watch. "Sige." Sagot ko naman tapos uminom na ako ng tubig. Ghad, I'm so full! Thanks God. "Sa station 1 ka hindi ba? Doon din ang cabin ko kaya medyo malapit ang lalakarin ko papunta sa cabin ko." Sabi ni Neil habang inaayos yung collar ng damit niya. Sa station 1 din pala siya. Ayos na din yun para magkalapit kami, charrot! Ang landi ko pala hahaha. "Mabuti na din yun." Sagot ko sa kanya. "Tara na. Maglalakad pa tayo ng medyo malayo." Sabi naman ni Neil tapos tumayo sa siya kaya tumayo na din ako. "Paano yung bayad?" I asked him. Sa tingin ko ay hindi pwedeng gamitin dito yung credit card kasi traditional itong mini-restobar na ito. "Iiwan dito sa table yung bayad. May iniwan yung waiter kanina at nakalagay na dito yung amount na babayaran." Sabi ni Neil habang pinapakita sa akin yung hawak niyang papel. May ganoon pala? Paano kapag iniwan namin yung bayad namin dito tapos may loko-loko palang kukuha sa bayad namin? "Hindi ba nila nanakawain yung bayad natin? Masyado ng open yung place kaya baka may kukuha sa payment natin?" I curiously asked him. "Walang kukuha kasi puounta agad yung waiter para kunin ang bayad natin kapag nakaalis na tayo dito." Neil explained to me. Sorry na, ignorante lang. "Ah ganoon ba? Sige hati nalang tayo sa bayad, nakakahiya naman kasi sayo." I insisted. Nahihiya kasi ako na ipabayad sa kanya yung kinain ko. "Ano? Ako ang lalaki dito kaya ako ang magbabayad." He insisted too. "No, dapat dalawa tayong....." Hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko dahil may narealize ako. WALA PALA AKONG DALANG PERA KASI WALA AKONG BULSA! Ughhh, stupidity at its finest. "Told you na ako na lang kasi ang magbayad dito sa kinain natin." Sabi ni Neil tapos iniwan na niya sa isang malinis na bowl yung bayad namin. "I'll let you pay for my meal just this time." Sabi ko sa kanya tapos naglakad na kami paalis sa lugar na iyon. "So what are your plans after your one week vacation here?" Neil started the conversation. Sana all talaga kagaya ni Neil. Yung tipong hindi yung babae yung unang kumausap sa lalaki which is kabaliktaran ng lagi kong ginagawa kapag kaharap ko na si Adrian. "Travel again I guess? Wala pa akong plano for this summer. How about you captain? Are you going to continue your job as a pilot?" I asked him. "Yup. I only filed for a one week vacation. After a week I'll be working again." He told me. "Ahhh, I see. Masaya siguro na maging piloto ano? Madami kang makikita na flight attendant." Pabiro kong sinabi sa kanya. "You're right. Ang gaganda ng mga flight attendants but I don't do colleagues." He told me then he laughed. What? Anong inig sabihin nun? Nevermind, I'll just pretend na alam ko yung sinabi niya. Nakakahiyang mag tanong sa kanya. "Really? Baka naman madami ka ng ex na flight attendant?" I playfully told him. "What? Are you acussing me na isa akong playboy?" He told me. "Ha? Hindi ah!" Sabi ko naman sa kanya. "Gusto ko kasi yung cool lang. Yung no string attached but I changed my rule this morning." Sabi niya. "What do you mean?" Naguguluhang sabi ko sa kanya. "Nothing. Kahit ako ay hindi ko din alam kung ano ang nangyayari, I'm so unsure right now." He answered me habang sinisipa niya yung buhangin na dinadaanan namin. "Okay, sabi mo eh." Sagot ko na lang sa kanya. Ang dami pa din ng mga tao dito sa tabing dagat kahit gabi na. May mga nagtatawanan, may mga sumasayaw tapos may mga couples din na naghahalikan. PDA 101. "May I ask bakit mag-isa ka lang doon sa may batuhan kanina?" Tanong ni Neil sa akin. "I was looking for my friends pero hindi ko sila mahanap. Palakad-lakad ako kanina para lang hanapin sila pero wala parin akong makita sa kanila kaya napadpad ako doon sa may madaminh bato." I explained to him. Speaking of friends, nasaan na kaya sila? Siguro naman ay umuwi na sila kasi gabi na or baka nandito din sila sa labas para kumain. "Hindi ba sinabi ng mga friends mo kung sayang banda sila pupunta?" He asked me. "Hindi ko sila tinanong eh. Nauna kasi slang umalis tapos nagpaiwan muna ako pero nakalimutan kong it anong sa kanila kung sayang banda sila pupunta." I answered him. "Next time you need to ask kung saan sila pupunta para hindi ka ulit maligaw." Neil told me. "Yes I'll do that." I answered. "Nilalamig ka ba? Ang nipis kasi ng suit mong pantakip sa swimsuit mo. I'm sorry kasi hindi ako nagdala ng jacket para ipasuot sayo. I'll bring my jacket next time." Sabi ni Neil sa akin. Dilat na dilat siguro si Neil noong nagpa-ulan ng pagka gentleman ang Diyos. Mukhang sinalo niya ang lahat eh. "Ayos lang ako. Hindi naman sobrang malamig ngayon kaya okay lang." Sagot ko kay Neil. Malapit na kami sa cabin ko noong tinanong ulit ako ni Neil. "I guess Malapit na tayo sa cabin mo?" "Oo Malapit na. Doon ako sa fifth cabin." I replied to him habang tinuturo ko sa kanya ang cabin ko. "Ihahatid na kita sa pintuan mo." Neil insisted again. "Sige." I replied. Mukhang wala pa sila Jen kasi nakalock pa yung cabin nila kaya baka nasa labas pa sila. Sayang at hindi ako sumama sa kanila pero okay na din kasi kumain naman ako kasama si captain eh. Naging friends pa nga kami kaya ayos na ayos ang nangyari ngayong araw. Worth it yung palpak na paghahanap ko sa kanila because I ended up eating my first meal here with this hot captain.  Nasa harapan na kami ng pintuan ng cabin ko noong nagsalita ulit si Neil. "Pasok ka na sa loob. Aalis na ako kapag pumasok ka na." "Sige. Salamat sa paghatid sa akin hanggang dito Neil." Pagpapasalamat ko kay Neil. "No problem. As if naman hahayaan kita na maglakad na mag-Isa with what your wearing." He told me. "Thanks again. Papasok na ako sa loob." Sabi ko kay Neil. Bubuksan ko sana yung door ng cabin ko pero nagsalita ulit si Neil "Wait Margaux..." Pinigilan ako ni Neil by holding my right hand. "Ano yun?" Tanong ko sa kanya. Magsasalita sana si Neil pero biglang bumukas pintuan ng katabing cabin revealing an expressionless Adrian. "A-adrian?" I called his name with a shocked expression. He's here! Adrian is here! Hindi pala ako namamalikmata doon sa nakita ko kanina. Akala hindi siya yun pero it turns out na siya nga talaga. "You're too noisy. I can't concentrate on doing some paper works." He replied while eyeing me from head to toe tapos tumungin siya kay Neil. "Sorry bro. Hinatid ko lang si Margaux baka mapahamak sa daan." Sabi ni Neil kay Adrian. Hindi muna sumagot si Adrian because he eyed me from head to toe for the second time tapos naoako yung paningin niya sa magkahawak na kamay namin ni Neil. Oh no! Baka iba ang isipin niya! Pero ayos na din kung ano ang gusto niyang isipin. Bukas ko nalang ulit siya kukulitin. "Alright." Iyan lang ang gangin isinagot ni Adrian sa sinabi ni Neil. So wala nga talaga siyang pakialam sa akin. He doesn't even care about me and that's a big OUCH again. "Margaux I really need to got now because I got to do some stuff first." Paalam ni Neil sa akin na para bang may nakalimutan siyang dapat niyang gawin. "Sige. Salamat ulit sa paghatid." Sabi ko sa kanya tapos umalis na siya. Kami nalang ni Adrian ang tao dito sa labas nag cabin namin. "Go to your room and Change. NOW." Adrian told me with a bossy tone tapos pumasok na siya sa cabling niya. He closed his door with aloud bang. Okey, what was that? What's with Adrian?  °°°°°What's with Adrian nga ba? BTW na offer is still open po. May GC na po kaya just pm me kapag gusto niyong sumali. Pm me on messenger, Yeon Chan po yung name ko sa f*******:❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD