DAISUKE'S P.O V. Nagpatawag ako ng press sa magaganap na kasal ko ngayong araw. Nakaharap ako sa malaking salamin habang inaayos ang kwelyo ng polo ko. "Anong kalokohan ito Daisuke?" Nilingon ko si Dad, salubong ang kilay niya, habang nakatayo sa may tapat ng pintuan. "Bakit Dad?" Lumapit ako sa kanya, "Gusto mo ba talagang ipahiya ang angkan natin ha?"gigil na sabi ni Dad sa'kin, matalim pa itong nakatitig sa'kin. "Psh! Wala na ba akong magandang nagawa sa inyo? Lahat na lang ba ng gagawin ko puro mali?" "Dahil wala kang ginawa kundi ang ilagay kami sa kahihiyan! Ayusin mo itong gusot na ito Daisuke, kapag ako muling ipinahiya mo sa kasal na sinasabi mo, hinding-hindi kita mapapatawad!" Tinitigan muna ako ni Dad bago tuluyang tumalikod. "Psh!" Pailing-iling akong tinanaw si Dad,