DAISUKE P.O.V. Kanina pang umaga mainit ang ulo ko dahil kay Freyah. Nakakainis kasi ang babaing 'yon. Hindi niya man lang naalala na Birthday ko ngayon. Hindi pa naman ako umalis ng bahay at pina-cancel ko ang lahat ng appointments ko ngayong araw dahil gusto ko siyang makasama ngayong araw ng birthday ko pero umagang-umaga nilayasan ako. Urghh! "f**k! not available ang Phone ni Honey!"bulong ko. Sa sobrang inis ko binato ko ang Cellphone sa dingding ng kwarto ko. At durog-durog itong bumagsak sa semento. Lumabas ako ng silid ko at hinanap ang mga katulong namin. "Josie, dalhan mo ako ng Alak sa silid ko."sabi ko ng makita ko ang isa sa mga kasambahay namin. "Pero sir... tanghaling tapat po at naka—— "SUMUNOD KA NA LANG KUNG AYAW MONG MAWALAN NG TRABAHO."bulyaw ko. Yumuko ang kasam