DAISUKE'S P.O.V. Halos mapunit na ang hawak kong magazine sa sobrang inis. "Mukhang makakaroon na ng career ang asawa mong si Freyah, Dice. Papayag ka ba?" Tanong sa'kin ni Tita Malou. Inis akong tumingin sa kanya at ibinato ko ang hawak kong magazine sa sobrang inis, simula ng ilabas ang magazine na kasama namin si Freyah naging mabenta na ang magazine na iyon. Nagustuhan din ng mga Readers ng magazine si Freyah kung kaya't inuulan ng comments ang kumpanya na muling gawing modelo ang asawa ko. Kaya naman kahit gabing-gabi na pumunta si Tita Malou sa bahay namin upang sabihin kay Freyah. "Ayoko!" sagot ko. "Hindi ikaw ang magde-disisyon niyan Dice, si Freyah ang dapat sumagot niyan." "Hindi ako papayag na maging modelo si Freyah ng magazine na iyon." "Anong gagawin mo? Kung pumayag