Lahat kami ay nasa labas na ng simbahan at nagkukuhaan na sila ng litrato at nakita ko yung lalaki kanina pa nakasandal sya sa kanyang kotse at naninigarilyo
Tsk
"SHAR!" narinig kong may sumigaw ng pangalan ko napatingin ako
"JOYCE!" sigaw ko at nagkayapan kaming dalawa at di ko namalayan at umiyak na ako ng umiyak
"Uyy bessy wag kang umiyak magkikita pa naman tayo ehh" sabi ni joyce sa akin lalo akong umiyak wala akong pake kung masira ang make up ko kesa naman lumayo ako sa bestfriend ko
"Pangako bessy *sob* lagi akong *sob* bibisita" iyak kong sambit habang magkayakap pa kami
"Promise yan ahh" sabi ni joyce tumango ako saka kami bumitaw ng yakap
Hinawakan ko ang pisnge nya
"Magiging mabuti kang ina ahh tsaka ako Ninang" sabi ko sabay tawa
Nagtawanan kami at nagkuhaan na ng mga litrato
Ng mga ilang oras pa ay nagsikayan na sila ng mga saskayan nila dahil may handaan pang magaganap. Malamang kasal eh!
"Halika na anak" sabi ni mama tumango ako
Habang papunta kami sa sasakyan namin nadaan namin ang magulang ni Joyce at nakipagbeso beso sa amin si tita at nagusap usap sila at ako naman dumeretsio na sa sasakyan namin at sakto nakita ko ulit yung lalake katapat pala ng kotse namin
Napatingin ako sa kanya, naka shades sya dagdag kagwapuhan nya sa itsura nya at nagulat ako ng napatingin sya sakin bigla naman akong umiwas at narinig ko syang bumugtong hininga
"P-punta k-ka ba s-sa ha-handa?"s**t! Bat ko sya tinanong!
Ang tanga tanga mo!
Pero di nya ako pinansin at pumasok sya sa kotse nya at umalis
Sungit!
Maya maya pa ay dumating na sila mama at papa at si ate at nagpapaalam na kila tita at magkikita na nalang daw sa handaan
Nagdrive na si papa ng kotse
"Parang malungkot ka shar?" tanong ni papa
"Wala po" sabi ko
"Naiingit sya gusto na din daw nya mag asawa hahahaha" pang aasar ni ate pinalo ko sya sa braso
"Aabot ka din sa ganyan kaya wag kang mag alala magkakaboyfriend ka din" sabi ni Mama
Tumingin lamang ako sa bintana at iniisip ko yung lalaking gwapo kanina di na sya mawala sa isip ko at mabilisan nya akong naattract sa kanya kaya di ko maiwasang mamula
Maya maya pa ay nakarating na kami sa isang lugar na hindi ako famillar pero ito ang nakalagay sa invitation namin
Nagsibabaan na kaming apat at pumasok na sa loob at bumungad sa amin ang mala chandalier na malaki at puro gold ang nakikita namin at sobrang laki nito
Naalala kong isa tong sa mga sikat na dinadalo ng mga mayayaman kapag gustong maghanda ng mga parties or anything na occasions
Marami nang tao sa loob halos nasa kanya kanya na silang upuan at table
"This way Sir.. Ma'am" suyo sa amin ng guide at pinaupo na kami sa table namin
Nakita namin ang table namin may mga pangalan kung saan ka uupo pero di ko nakita ang pangalan ko
Dahil ang mga nakalagay nang mga pangalan ay ang magulang ko, parents ni Yuxell na sina Mrs./Mr. Camdem magulang ni Joyce na sina Mrs./Mr. Reid tapos may magasawa pang sina Mrs./Mr. Ainsley at iba pang mag aasawa
Hmm.. I wonder kung sino sila
Ahh baka sa Bussiness Partner
"SHAR!" narinig kong sigaw ng pangalan ko napatingin ako si Joyce at kumakaway dahil doon pala dapat ako
"Sige na anak bonding nyo ng dalawa yan" sabi ni mama
"Oo nga kapatid! Daming gwapo sa lugar nyo!" pangaasar ni ate di ko sya pinansin
"Sige na anak tsaka maguusap usap kami dito ng tita mo" sabi ni papa tumango ako
Dahan dahan akong pumunta sa table ni Joyce at magkatabi kaming dalawa
Maya maya pa ay nagsidatingan ang mga kaibigan o kakilala ata ni Yuxell at dito pala sila sa table namin
"Bessy Hanap ka na rin ng Boyfriend mo" sabi ni Joyce
"Naku wala akong oras jan!" sabi ko at tumawa
"Baka naman di ka pa nagmomove on kay Chad?" tanong nya umiling ako
"Naka move on na ako ano ka ba!? Nagaantay ako ng kapalaran na dadating sa akin" sabi ko tumawa sya
"Sews kapalaran kapalaran ka pa jan" natatawang sabi nito
Maya maya pa ay nagsiupo na yung mga katable namin at at..
Sya!
Sya ulit! Yung lalaki!
Katable namin sya!?
"Bro*sniff* hayop ka*sniff* bagito ka na" natawa kami sa sinabi ng kaibigan ni Yuxell
"Ano ba kayo hahaha bagito pa ba yan?" natatawang tanong ni Joyce
"Ikaw naman kasi bakit ka pumatol dito? Napakasensitibo nga yan!" sabi naman ng isa
As in Pito silang magkakabarkada at napakagwapo pa nila. Sobra pero yung lalaki lang talaga ang na attract ako
"Oo nga pala Bessy mga Kaibigan ni Yuxell--" naputol ang sasabihin ni Joyce
"Yuxell? Hon tawagin mo ko ng Honey o kaya sweetie or hubby" sabi ni Yuxell pinagbabatukan sya ng mga kaibigan nito maliban sa kanya
" Ewan ko sayo Yuxell manahimik ka jan! Btw bess si kuya Marky i mean si Kuya Mark Addington panganay sa kanila sumunod si Kuya Jayvee Bradley pero sya ang leader nila tapos si Kuya Jack Dalton pinaka makulit sa kanila--"naputol ulit sasabihin ni joyce dahil dun sa jack na yon
"Makulit ako? Ako lang ba? Halos lahat--hmmp!" biglang tinakpan nila ang bibig ni Jack natawa lang kami maliban ulit sa kanya
"Anyways--" naputol ulit si Joyce
"Jack pala Ang pinakagwapo sa kanilang lahat Sexy and Chic" sabay kindat nito natawa naman kami sa inasta nya
"Shut up Jack please" Biglang singit ni Joyce natahimik naman sila at natawa naman si Yuxell at hinawakan nito ang bewang ni Joyce
Edi sila na hohoho!
"I'm Jay Fulton nice to meet you Miss Shar" pakilala nung Jay
"Shar is Fine. Thank you" sabi ko at tumango naman sya tas yung iba naman nagtatawanan
"Nanay namin yan sa grupo tapos Tatay dapat namin si Mark kaso nauna na si Yuxell kaya Tatay na namin si Yuxell at nanay naman namin si Michelle hahahaha" sabi nung isa na hindi pa nagpapakilala
"Btw ako ang Bunso nilang si Yael Rowley" sabi ni Yael ngumiti ako dahil ang Cute cute nya
"Ohh ano na?" biglang tanong ni Jack lahat nagtawanan
"Ahh sya pala si Brent pangalawa sa bunso" sabi ni Yuxell tumango ako
Sya pala si Brent
Ang gwapo nya talaga!
Lalo na kapag naka formal attire sya