Ang ingay sa table namin feel ko samin lang pinakamaingay halos lahat kumakain sila at naguusap ng formal samin ata hindi pero ang kukulit nila sobra nakakatuwa sila
Pero yung brent na yon? Tahimik lang sya na kumakain kahit na kinukulit sya ng mga kaibigan nya ay di nya ito pinapansin
Sungit nya
Kami lang dalawa ni Joyce ang naguusap si Yuxell din nakikipagkulitan sa kanila
"Bessy sino gusto mo sa kanila?" biglang tanong ni Joyce
"Sira ulo ka ba? Pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya at tumawa
"Alam kong may isa sa kanila may gusto ka? Sino ba? Si Kuya brent? Nakakaakit kasi si Kuya brent lamo na Half Thai ang gwapo nya noh!?" kinikilig na sabi ni Joyce
"Uy gaga ka? May asawa ka na naglalandi ka pa ng kaibigan nya!" sabi ko pinalo nya ako sa braso
"Hindi ah! Nung pinakilala ako ni Yuxell sa kanila una kong naging crush si Kuya mark" sabi nito natawa lang kami
Maya maya ay dumating sila tita at tito magulang ni Joyce
"Enjoying your party sweetie?" tanong ni tita napa opo naman si Joyce
"Hi po tita tito" bati ko ngumiti sila at bineso ako ni tita
"Naku ang lalaki nyo ng dalawa. Kung yung dati naglalaro pa kayo ngayon ang lalaki nyo na" natutuwang sabi ni tito natawa lang kami
"Settle down boys" sabi ni tito sa mga kaibigan ni Yuxell
"Ikaw naman Yuxell nasa puder ka na nang anak ko! Jusko jusko di na kayo mga bata!" natatawang sabi ni Tito
"Wag ho kayong magalala kami na pong bahala sa kanila" singit ni Jayvee sa kanila
"pwede kaming maging babysitter nila HAHAHAHA" Biro ni Jack natawa kami
"Oh sige na Mag enjoy muna kayo" sabi ni Tita at umalis sila
"Bess di ka ba nahihirapan sa gown mo?" tanong ko
"Medyo na nga ehh samahan moko magpalit" sabi nito tumango ako
"Hon"tawag ni Joyce sa asawa nito
"Yes baby?"
"Whoo may pa baby baby pa" pangaasar nung Jay na yun
"Teka akala ko ba ako ang baby mo? Hahahahaha!"natawa kami sa sinabi ni Yael
"Gago! Hahaha Btw bakit?" tanong ni Yuxell kay Joyce
"Bihis lang ako" sabi ni joyce napatayo naman si Yuxell
"Samahan kita" sabi nito umiling si Joyce
"Nakuu may baby na nga kayo dadagdagan mo pa Yuxell" pang aasar nung mark
"Tangina maglilibog ka lang! HAHAHA!" sabi naman ni Jack natawa kami
"Ulol mga gago! Nirerespeto ko asawa ko!" sabi ni Yuxell
"Nirerespeto? Sira ulo nung una na rap--" naputol ang sasabihin ni Jack ng pingilan sya ng mga barkada nito
"Its okay hon Sasamahan ako ni Shar" sabi ni Joyce tumayo ako
"Are you sure? Sasamahan nga kita" pangungulit ni Yuxell umiling si Joyce at hinila na ako
"Ang kulit pala ng asawa mo" sabi ko
"Ayy sobra! Halos lahat dapat lagi ko syang kasama at dapat lagi syang nandiyan sa tabi ko bawat oras!" sabi nito at dumeretsio kami sa isang kwarto
"Possesive lang yan" sabi ko
"Yun na nga syempre nakakasakal din minsan lalo na asawa ko na sya lalo syang maghihigpit" sabi nito tumawa lang ako
Tinulungan ko syang hubarin ang suot nyang gown masyado kasing malaki at mabigat para sa kanya kahit din bubuhatin ko mabigat

Nang mahubad na nya ay nagpalit sya ng dress lang para daw di na sya mahirapan
Simple lang pero maganda
"Dali sinong lalaki gusto mo sa kanila?" pangungulit ni Joyce
"Bakit? Irereto mo ba sya sakin?" tanong ko at natawa
"Hindi noh! Ipapakilala lang kita sa kanya kung sino man sya para man lang may lalaki na din na umaaligid sayo HAHAHA" sabi nito pero hinampas ko sya
"Sira ulo!"sabi ko at nagtawanan kaming dalawa