Chapter 20

1589 Words

NANLAKI ang mga mata at napatakip ng kamay sa bibig ang sekretarya dahil sa sinabi niya. Tingin niya ay bahagya pa itong namutla. "Tawagan mo ngayon din 'yang amo mo at palabasin mo rito!" mataas pa rin ang boses na singhal ni Toni rito. Tarantang mabilis na iniangat ng sekretarya ang intercom at ikinonekta sa amo. "S-sir... may babae po rito... gusto raw po kayong makausap, kanina pa po siya rito... F-finaceé n'yo raw po siya." Nag-angat ito ng tingin sa kanya at mariing lumunok. "M-ma'am, ano raw po ang pangalan n'yo?" "Tell him, it's Maria Antoinette Samonte!" taas-noong sabi niya. Marahil ay narinig ni Greg ang sinabi niya kaya't hindi naglipat-saglit ay bumukas ang opisina nito at iniluwa ang humahangos na binata. Agad nanalim ang mga mata ni Toni nang makita ang kasintahan. "S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD