Chapter 4
IT WAS ALREADY LATE in the evening, I slowly stretched my arms and moved my head. I felt exhausted after the busy days as I finished all my paper works before I go to sleep. Gigising pa ako ng maaga bukas dahil sa mayroon pa akong klase. Nasa kama na ako nang biglang tumunog ang aking telepono. Agaran kong dinampot iyon at sinagot.
"Hello,Hon. kumusta?" tanong ni Rich sa akin.
"I'm fine, Hon." Tipid kong sagot. "Napatawag ka?" tanong ko.
"Pasensya na if medyo late na akong tumawag. Maaga kasi ako bukas kaya hindi kita ma ihahatid," saad niya. Napabuntong hininga ako sa aking narinig. As expected hindi na naman niya ako na ihahatid.
"Ayos lang iyon. Magkikita ba tayo bukas?" muli kong tanong sa kanya. Rinig ko ang buntong hininga sa kabilang linya bago muli itong nakakapagsalita..
"Sa susunod na lang siguro," saad niya.
"Sige, good night."
“Okay, good night,” walang sigla kong tugon.
Hindi ko lubos na maisip kung bakit palagi na lang ganun si Rich sa akin, We've been together for almost a year pero naging mailap na siya sa akin to the point that I want to confront him about the things na kailangan kong linawin sa kanya lalo na tungkol sa aming relasyon.
Sa totoo lang litong-lito na ako sa takbo ng relasyon namin lalo na matagal tagal na kaming hindi nagkikita at nagkasama, Hindi ko na nga maalala kung kai;an kami huling magkasama at lumabas.
Before pala ako matulog magpakilala muna ako. I'm Gwendolyn Amethyst Alvarez, Gwyneth ang tawag ng nagkakilala sa akin then some of my friends called me Gwen. I am 26 years old and living alone. Dalawa lang kaming magkapatid but my family now is all in Australia.
Kinuha ng older brother ko ang parents namin which is nagtatrabaho at nakatira na doon. May sarili na rin kasing pamilya si Kuya Gary. Graduate ako ng dalawang course. Isa akong Preschool Teacher and a College Professor too. I teach kids in the morning then after that nagtuturo rin ako sa University ng Psychology subject.
I had two serious relationship when I was in College. I had my first relationship na tumagal ng dalawang taon then we just end up na mutual ang decision. I don't know why humantong sa break up ang relasyon namin na naging maganda, masaya naman itong relasyon namin dati.
But maybe he's not my soul mate or the one na sinasabi nila. I'm into fairy tales and I believe in happy ending but somehow I realize sa mga nakarelasyon ko parang may kulang na hindi ko maintindihan. Maybe because I haven’t found the one that is destined for me/
When I met Richard or Rich iyon kasi tawag ko sa kanya. I probably in my downfall part of my life. Iyong time na marami akong katanungan sa utak kong hindi ko mahagilap ang kasagutan. He’s been there for me throughout those times that I needed somebody.
Nagiging matiyaga naman siyang nanligaw sa akin then eventually naging kami sa mahigit isang taon niya ng panliligaw sa akin.Yes, you heard it right. Isang taon din siyang nanligaw. Para sa akin kasi hindi yun minamadali sapagkat natuto na rin siguro ako sa mga nangyari sa akin from the past, Naging maingat na ako sa bagay na yun. Hindi na ako basta basta na tumatanggap na manliligaw.
Actually hindi lang naman si Richard ang nanligaw sa akin, Tatlo din ang magkasabay na nanliligaw sa akin but I choose Richard over the two guys. Magkaiba rin kasi sila ng personalidad which is naging particular talaga ako.
Naging maayos at smooth naman ang relasyon namin ni Richard. At first, the consistent naman si Richard. He always had quality time and he always took good care of me. Until dumating sa point na biglang nagbago ang lahat. Hindi ko nga maintindihan kung bakit pero pilit ko pa rin siyang inintindi.
Mahal ko naman ang boyfriend ko kaya lang sa paglipas ng panahon nararamdaman ko na ang mga pinangangambahan ko at ang posibilidad na mawalan kami ng gana sa relasyon namin. Iyong tipong mawala na ang spark at kusang mawala na rin yung love na nararamdaman namin sa isa’t-isa.
Richard is loyal and a serious one unlike sa half-brother yang lagi niyang nagkukwento sa akin. Sabi pa niya na matinik daw iyon sa babae kaya lang ni minsan hindi ko man lang nakita o nakilala. Hindi kasi sila close kaya naintindihan ko. I don't even hear his name na nabanggit ng boyfriend ko.
I've been thinking sometimes na what if one day magkakilala kami ng kapatid niya. “Ano kaya ang itsura niya? Kasing gwapo kaya siya ni Richard?” katanungan sa isip ko hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan ng pumasok ako sa school. Bumungad sa akin ang isang bouquet ng white roses. Napangiti naman habang dinadampot ko iyon. I think I know where this flowers came from.
Nakakunot noo akong nakatingin sa card na nakalakip sa hawak kong bouquet. Wala kasing nakalagay na pangalan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Matatakot ba ako sa biglaan pagsulpot ng ganito sa mismong workplace.
But to my surprise it's not from my boyfriend but from someone I didn't know. Or should I say someone na hindi ko man lang kilala o nakikita. Actually isang buwan na ang nakalipas magmula nung mayroong nagpapadala sa akin ng bulaklak, minsan naman pagkain at pang-meryenda.I find it sweet and inaamin kong kinikilig din ako.
Pero hindi ko pa rin sineseryoso at ayokoi ko rin iisipin na hulog na hulog ako sa ganitong paraan. Lagi ko pa rin nireremind ang sarili ko na meron akong boyfriend. Hindi ako tulad ng ibang babae, na malingat lang ay meron agad na kapalit.
Nakakatuwa na nakakapagtaka na mayroong isang taong magbibigay ng halaga. How I wish makilala ko siya but there's something na bigla kong naalala na mayroon akong nakilala nung nakaraang buwan. Posible kaya siya ang nagbibigay ng bulaklak sa akin? Hindi ko naman dapat itong nararamdaman pero bakit ganun na lamang ako naapektuhan at lihim na kinikilig.
Maaga pa naman at wala pa naman ang mga estudyante ko kaya agad akong umupo nang biglang meron akong narinig. Napalingon ako at napangiti.
“Good morning ganda, ano iyan?” tanong ni Aliya sa akin habang nakatingin sa bulaklak na nakalagay sa aking mesa.Ngumiti ako sa kanya.
“Teka! Wala ka bang alam tungkol dito? Nauna kang dimating dito di ba?” tanong ko din sa kanya, Umiling siya.
“Ako nga ang nauna dito pero hindi ko alam paano napunta yan dito or sino ang naglagay.” aniyang tumabi sa akin. “Saan pala yan galing?” muli niyang tanong sa akin.
“Hindi ko nga alam e, wala namang nakasulat sa card kung saan galing,” saad ko.
“Talaga? Baka sa boyfriend mo iyan galing,’ aniyang dinampot ang naturang bulaklak.”Pahawak ah,” aniyang inamoy ang naturang bulaklak.
“Hindi ‘yan galing kay Richard. Hindi ko nga alam kung saan na yun e, matagal tagal na rin na hindi yun nagpapakita sa akin,”
“Huh? Talaga? Teka, hindi ka ba nagtataka or nagdududa about his absence? I mean, walang busy sa taong nagmamahal,” napatingin ako sa kanya with a confused look at napaisip sa sinabi ng aking kaibigang si Aliya.
“Hindi ko alam, ayokong isipin dahil baka masasaktan lang ako, Ayoko ng nararamdaman ang mga nararamdaman ko dati,’ napabuntong hininga kong sabi sa kanya.
“Are you sure about that? What if?” tanong niya.
“What if, may iba na siya? Is that what you think? Magagawa kaya niyang lokohin ako?’
“I don't know, Gwen. Ang alam ko lang kasi na kapag nagmamahal ka ay talagang maglalaan ka ng oras at panahon para makasama mo ang pinakamamahal mo.”
“Yeah, you're right. Mukhang dapat ko na talaga siyang makausap about this, Naguguluhan na rin kasi ako e. Tumawag nga siya kagabi e,” malungkot kong saad.
“Really? Then anong sabi niya?” muli niyang tanong.
“Hindi niya daw ako na ihahatid ngayong araw. Busy daw aiya,” Tipid kong sagot sa kanya.
“What? Kahit sa paghatid sayo ay hindi na niya magawa. How about sa pagsundo sayo or ihatid ka man lang sa University mamaya,’ gulat niyang saad sa akin. Umiling lang ako. “Naku, Gwen ha! Sumosobra na ang boyfriend mo. Parang mas boyfriend pa kung umasta yang stranger guy na nagpapadala ng bulaklak sayo e,” naiinis niyang saad.
May point naman si Aliya sa mga sinabi niya.na hindi man lang sumagi sa isip ko na baka ito na ang mga signs na nanlalamig na siya sa akin o may iba na siya. Ayokong isipin na isa ito sa pwedeng dahilan na magkalaban na kami,
Makalipas ang ilang sandaling pag-uusap namin n aking kaibigan ay nag sidatingan na rin ang mga bata. Kahit medyo mabigat ang loob ko dahil sa mga napag-usapan namin ni Aliya ay kailangan na ipatu;oy ang buhay at trabaho.
Nagpaalam na rin si Aliya at pinuntahan ang kanyang mga estudyante. Magkasama kami sa trabaho ni Aliya at matagal na rin kaming magkaibigan. Alam niya rin ang mga bagay tungkol sa buhay ko. After ng pag-uusap namin na ito ay malamang ay mapapaisip akong kausapin si Richard para maging malinaw ang lahat tungkol sa amin at sa aming relasyon.
I received a call from my friend Rocky when I'm still looking at the reception area. I can't help myself to take some look to the girl na kausap ng receptionist. Maraming pumapasok sa utak ko na dahilan narinig ko ang pagsigaw ng kausap ko sa kabilang linya.
"ATTORNEY!" Sigaw ni Rocky. Kahit hindi kami magkaharap but knowing my friend. Alam niyang may something na nangyayari kaya hindi ko siya nakausap ng maayos.
"Yes Rocky? What's up? Is there something wrong? Why you call?" Sunud-sunod na tanong ko. Dinig ko ang pagtawa niya. I've already expecting his reaction sa mga tanong ko sa kanya.
"Nothing wrong Dude! Maybe ikaw. ano bang nangyari sayo?" Natatawa niya pa ring saad. I already knew what's on his mind kaya tinawag na lang din ako.
"Ahmmm.. NOTHING! So may kailangan ka ba?" Huminga ako ng malalim then napaupo saglit pero ang mga mata ko'y nakatutok pa rin sa reception area.
"Ahhh... Halata ngang wala! Kasi ramdam ko e. Anyway, Busy ka ba? I just remind you about the dinner tonight." aniya sa akin. Bigla ko na lang naalala na meron pala kaming usapan na sa bahay nila mag-dinner mamaya.
"Naku bro, Iyon lang pala. I'll be there tonight, don't worry,’ saad ko sa kanya.
"Okay, Don't be late."
“Sure, I will, bye,” nagpaalam na ako at siya na rin ang nagbaba ng naturang tawag.
After we talked, agad akong lumapit sa Reception area. Sa totoo lang mixed emotions ako to the point na hindi ko alam if itutuloy ko pa ba na usisain ang isang staff. Huminga ako ng malalim at tuluyan na kalapit doon.
"Hey Mia, Saang room yung isang nag check-in kanina?" tanong ko sa isang staff. Nakakunot noo akong tingnan niyo na animo nalilito at nabigla sa aking tanong sa kanya.
" Huh? Sino po, sir?"malumanay na tanong niya. Napakamot muna ako ng ulo bago ako tulluyang nakasagot.
"That girl kanina na nag check-in,." saad ko.
"Girl? Marami namang nag check-in na babae dito sa hotel sir," takang tanong at sagot niya sa akin.
"Okay, that girl na maganda at sexy. She's wearing a ripped jeans and a white shirt na hapit sa body niya." Nakapulot ako ng ulo while telling those words. Ang totoo niyan nahihiya ako sa pinagsasabi ko but my staffs know me well kaya they all used to it.
"Okay sir, Let me check." aniyang sabay check sa list sa computer. "Sir, she's at Room 213. Hindi mo na ba alamin ang name niya po sir?" nakangiti.niyang tanong na animo nang-aasar sa akin.
Close ako sa mga staff ko, I won’t let them feel na magkaiba kami ng status. They could actually make fun of me but with a respect and limitations. Good thing all my staffs are the nicest and kindest individual na pwedeng pwede kong ipagmalaki,
"Thanks Mia, maasahan ka talaga! May pupuntahan lang ako saglit. Can I ask a favour? Mamaya pa naman ang out mo di ba?" nakangiti kong saad at tanong ko sa kanya.
"Yes po sir, Ano po ba iyon?" Nakangiti niya pa ring tanong.
"Kindly give me a call kung aalis siya and please do ask her if ever."sSaad ko sa kanya habang nakangiti ito ng makahulugan at tinanguan ako.
"Okay. GOOD! Wait for my reward tomorrow," Kinindatan ko siya at napangiti na lamang ito saka ako tuluyang umalis.
Baka magtataka kayo kung ganun na lamang ka close ang mga staffs ko. Sabi nila swerte daw ang mga staffs ko sa akin. I'm the kind of the Boss na pwede nilang makalulitan at hindi ako istrikto sa kanila. Pero never akong pumatol ng mga staffs dahil sa pwedeng pigilan hindi ko pwedeng isabay ang pleasure at work dahil hindi ko pa naman ugali ang magseryoso.
Hindi mawala sa isip ko iyong babaeng nakita ko kanina. She looks so familiar kaya I make it a point na alamin ang room niya. I'm on my way to my Condo when my phone is ringing. I check the time and it's still three in the afternoon.
"Hello Anak, Where are you?" tanong ni Mama sa akin.
"I'm on my way to my Condo Ma, Is there something wrong, Ma?" takang tanong ko sa kanya.
"Nothing Anak. Can you go here tomorrow sa house," pakiusap ni Mama sa akin. It’s been a long time na hindi ako nakauwi sa bahay. I prefer to stay at ,my condo and sa hotel.
"Teka! For what, Ma? Biglaan yata,” muli kong tanong sa kanya.
"Family day Anak, matagal tagal na rin tayong hindi magkasama e. Namimiss ka na rin namin ng kapatid mo,’ aniyang napaisip ako if I'm going to go or not.
"Okay– Is Richard will come also?" nagawa kong tanungin ang isa kong kapatid na si Richard. It’s been a long time na rin hindi kami nagkikita ng kapatid kong iyon.
Kinagabihan maaga akong pumunta sa house ng kaibigan namin. Nagulat pa si Rocky sa pagdating ko ng napaaga. He’s not used to this dahil minsan late ako dumarating sa mga gatherings naming magbarkada.
"Dude! Ang aga mo ah, Hindi pa nga tapos si Mama e." Bungad tanong niya sa akin habang napayakap ako. "Pasok ka!"
"Napaaga ako Rocky to give you this," ani ko sa kanya sabay abot ng isang folder.
"What's this?" kunot noo kong tanong dito. Ngumiti lang ako sa kanya sabay kindat dito.
"Feel free to read it later, Saan ba si Tita?" tanong ko habang palinga linga ako sa paligid.
"Okay! Nasa kusina si Mama. Puntahan mo na lang then ilagay ko lang ito sa room ko," aniyang iniwan ako saglit upang pumanhik siya sa kanyang kwarto.
Dumeretso sana ako sa kusina but here's Kylinne na bumababa sa hagdan then nakangiting napansin ako. Napatakbo siyang sumalubong sa akin and gave me a hug and I kiss her sa cheek.
"Hey, Ikaw talaga! Mag-ingat ka nga." I pinch her cheek while she still smiling at me.
She's getting more prettier sa paglipas ng panahon. If this girl is not my friend's sister baka pati ito pinatos ko na. Iba iyong taglay na ganda niya. Nagmana sa ina. Ayoko rin kasing dumating sa point na magkasama kami ng kaibigan ko dahil sa kapatid niya.
Kung tutuusin isa si Kylinne sa tipo kong babae but he’s too young for me at masaklap pa ay kapatid siya ni Rocky which is hindi pwedeng galawin. Meron din naman akong kapatid na babae na ayaw kong maligawan ni isa sa mga kaibigan ko,
"Ang aga mo naman Kuya Atty. where's the others?" nakangiti na tanong niya.
"I don't know. Nauna lang kasi akong dumating dahil wala na rin naman akong work e,’ saad ko sa kanya. “You're so beautiful Ky, Baka may umaaligid nang manliligaw diyan sa tabi-tabi ha!" napangiti kong saad.
"Si Kuya talaga! Pareho lang kayo ni Kuya Rocky e," nakanguso pa itong saad na ikinangiti ko dahil lalo siyang gumanda at super cute.
"Where's your sister?" bigla kong tanong ko. Im referring to her younger sister na si Kiera.
"She's not here yet, Kuya. may pinuntahan pa and maybe later nandito na yun,’ aniyang saglit na umupo sa sofa.
"I see. Sige Ky pupuntahan ko muna si Tita," saad ko sa kanya. Gusto kong iwasan siya dahil parang pakiramdam kung nang-aakit siya na kung tutuusin wala naman siyang ginagawa.
Nang tuluyan na akong umalis at tinungo ang kusina. Nakahinga ako at habang nakatuon ako sa kinauupuan ni i Kylinne. Pilit kong sinasaway ang utak ko dahil hindi talaga pwede at hindi dapat na maiuugnay siya sa katulad ko.
Agad akong napansin ni Tita ng papalapit ako sa kanya.”Hey, Brace. Ang aga mo yata.”
“Hi, Tita. Kumusta? Nauna yata ako. Wala na rin kasi ako masyadong work kaya naisipan kong pumunta dito,’ nakangiti kong saad habang napayakap sa kanya at hinagkan ko siya sa pisngi.
“Oh, I see. Teka! How’s your Mom and your siblings, Brace?” tanong niya sa akin.
“They're fine. Tita. Kata Tawag lang nga ni Mama kanina para pumunta sa bahay. Matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakauwi at parang namimiss na ako ni Mama at ni Mich,’ natatawa kong saad.
“That’s good to hear, Brace. Paminsan minsan naman dalawin mo sila. Alam ko na busy kang tao pero sa ina na tulad namin ng Mama mo ay masaya na kami kapag kasama namin ang mga anak namin,” saad ni Tita Josephine sa akin. Tama naman ang sinabi niya. Sa sobrang busy ko ay nakakalimutan kong meron pa pala akong pamilya na kailangan kong pagtuunan ng pansin.
“Oo nga,Tita. Parang gusto kong bumawi sa kanila. Lalo na kay Mama na lagi na lang nagtatampo sa akin. Also, sa sister ko na lagi nangungulit sa akin.”
“Oh, patapos na pala ito.”
“Do you need help, Tita?” tanong ko. Umiling siya sa akin.
“No, you don't need to. Kaya ko na ito. Baka dumating na ang mga friends niyo,” tangging saad ni Tita sa akin na dahilan na saglit kong nilisan ang kusina.
Saglit muna akong umupo sa sofa. at napapikit mata nang biglang may tumapik sa aking balikat. Mabuti na lang wala na si Kyline na doon at baka sakali na madatnan kami ni Rocky kapag nagkataon.
.
"Hey Dude! Are you okay?" Napaangat ako ng ulo then here's my friend na halata ang pag-alala.
"I'm fine Dude," tipid kong sagot sabay napatayo sa kinauupuan ko. “Bakit ang tagal yata dumating ang tatlo?’
Nagpaalam ako ng tumungo sa Restroom to make me feel relax. Napatango na lamang siya at tinungo ang pinto ng mayroong kumatok. Malamang ang kaibigan na namin ang siyang kumatok sa pintuan.
Nandito na ako sa restroom habang nakatingin sa salamin. Ang daming gumugulo sa utak ko. Hindi ko alam kung anong uunahin. Bigla ko rin naalala ang babae na nakita ko kanina sa hotel. Wala pa naman update na natatanggap ko from my staff kaya iwinaglit ko muna at mga pokus sa gabing ito na kasama ang barkada.
Napabuntong hininga ako at inayos ang sarili bago tuluyang lumabas sa restroom. Nag-text na si Rocky at handa na ang table para sa dinner namin. Nagsidatingan na rin ang mga kaibigsn namin.
.