CHAPTER 22 MAKALIPAS ANG ILANG SANDALi ng pamamasyal sa dalampasigan ay bumalik na nga kami ng villa para maipaliwanag ko at naipakita kay Gwyneth ang tungkol sa sinabi ko sa kanya kanina tungkol sa mga bagay na dapat niyang malaman tungkol sa aking buhay pati na ang tungkol sa aking mga kaibigan. Nanatili siyang tahimik hanggang sa makarating kami sa villa. May kalayuan din yung villa na tinutuluyan namin, Actually nasa side siya ng looby na kung saan doon ini-entertain ang mga guests. Mayroong pitong exclusive villa na pinatayo si Rocky na well design na hango sa personalidad naming lahat. And also, a huge room para sa aming lahat na katabi ng private suite nito. Isa din yun sa private suite naming magbarkada na kung saan ginamit lang yun kapag gusto namin na magkasarilinang mag