CHAPTER I8 PAREHO KAMING NAGULAT NI GWYNETH sa naging laman ng sulat ni Richard. Hindi namin inaasahan na after the break-up nilang dalawa ay may balak pa itong kausapin ang kanyang dating nobya, Hindi ko tuloy ma-imagine ang maging reaction ng bawat isa sa amin kapag darating ang araw na magkikita kami at mag-uusap. Nasa veranda kami ni Gwyneth ng mga oras na yun habang magkayakap na nakaupo at tanaw ang maganda nitong hardin., Maaga pa naman at maaliwalas ang panahon. What are your plans now?” napatingin siya sa akin habang nag-iisip. “I don't know, parang ang bilis lang kasi. I think I need some time para pag-isipan ang lahat,” aniyang sumandal ito sa akin. “Ang bagal kasi ma-process sa utak ko ang mga pangyayari.” “Are you sure?” tumango lang ito at siniksik ang ulo niya sa mga bis