CHAPTER 13 I'M ON MY WAY TO DRAKE’S CAFE. Ang coffee shop ni Drake. Nagtext Sa akin si Gwyneth na nasa Coffee shop siya naghihintay sa akin. Malapit lang naman ang coffee shop niya sa hotel kaya mabilis lang din akong nakarating. Paglabas ko ng kotse ay agad ko siyang natanaw kung saan siya nakaupo. It seems that na mayroon siyang malalim na iniisip pero napangiti ako ng makita ko siyang nakangiti na nakatingin sa akin. She looks so beautiful. Agad niya akong napansin at kumaway ako sa kanya. Nang makapasok ako sa loob ay agad ko siyang nilapitan. Konti lang ang tao sa loob ng coffee shop ngayon kaya malaya siyang makapag-isip. Natural lang na ganito ang aura niya dahil ikaw ba naman mabigla sa sunod na rebelasyo tungkol sa amin ni Richard ay hindi ka ba naman mawindang at makapag-