"Divine... ang pangit mo na. Need mo na yata magparetoke ulit eh. Tama na ang pag- iyak mo diyan. Kung ayaw na talaga sa iyo ni Lucian, eh 'di huwag. Hayaan mo na siya. Ikaw din kasi eh iyong ugali mo, masyadong masama. May isasama pa ba iyan?" mapang asar na sabi ni Lany. "Talagang may isasama pa ito! Masyadong mababaw ang rason niya para hiwalayan ako. Hindi ako naniniwalang iyon ang dahilan. Malakas ang kutob ko na may babae siya. Alam kong may babae siya at humanda sa akin ang babaeng iyon...." nanggagalaiti sa galit na sabi ni Divine. Hindi pa siya nakakatulog ng ayos simula nang maghiwalay silang dalawa ni Lucian. Palagi siyang umiiyak. Naglulumpasay pa nga siya. Tinatawanan lang siya ni Lany. Alam naman kasi ni Lany ang ugali ni Divine kaya hindi na siya magtataka kung bakit naki