4

1365 Words
"Nasaan na ang ipis na pinapakuha ko sa iyo?" agad na bungad ni Lorna nang makita si Geraldine. Inirapan siya ni Geraldine. "Teka lang naman! Madam na madam naman ang asta mo! Batukan kita diyan eh!" Natawa naman Lorna sabay yakap sa kaniyang kaibigan. "Sorry na. Okay sige, dalawang libo na ang ibibigay ko sa iyo para sa ipis na iyan. Dala mo na ba? Wala kasing ipis sa bahay eh kaya wala akong makuha." Inilabas ni Geraldine ang garapon sa kaniyang bag kung saan nandoon ang buhay na ipis. Malakas na ngumisi si Lorna at agad iyong kinuha. Inilagay niya ito sa kaniyang bag bago nilabas ang kaniyang wallet. Kumuha siya ng dalawang libo doon at saka niya ibinigay sa kaniyang kaibigan. "Thank you, Geraldine! Halika na! Pumasok na tayo sa klase!" masaya niyang sabi bago nauna ng naglakad. Napailing na lamang si Geraldine. Alam niyang gagamitin iyon ng kaniyang kaibigan sa girlfriend ng kuya Lucian niya. Napapansin nga ni Geraldine na iba ang pagiging possessive ni Lorna kay kuya Lucian niya. Sobra kung ipagdamot ni Lorna sa ibang babae ang kuya niya. Na para bang hindi na ito normal sa magkapatid. Naiisip tuloy ni Geraldine na baka hindi lang pagmamahal bilang kuya ang nararamdaman ni Lorna para sa kaniyang kuya Lucian. Hindi niya maiwasang maisip na baka mas higit pa ang nararamdaman ni Lorna para sa kaniyang kuya. Na mahal niya ito bilang lalaki, hindi bilang kuya. Ngunit ayaw namang magsalita ni Geraldine tungkol doon dahil baka lalo lang ma- curious ang kaniyang kaibigan at makagawa ito ng kalokohan. "Hanggang kailan mo balak ipagdamot ang kuya mo sa ibang babae?" tanong niya nang makaupo sila. "Hangga't gusto ko," mabilis na sagot ni Lorna. Natawa si Geraldine. "Hindi na bata ang kuya mo. Twenty six years old na siya. Kaya talagang maghahanap na iyan ng girlfriend. Kaya dapat sa susunod, hayaan mo na siyang magmahal ng ibang babae. Hayaan mo na siyang maging masaya sa magiging girlfriend niya kapag hiniwalayan niya si ate Cheska mo." Umirap si Lorna. "Hindi ko siya ate at wala akong balak na respetuhin siya dahil inaagawa niya sa akin si kuya Lucian. Ako lang dapata ang mahal ni kuya Lucian. Sa akin lang dapat ang buong atensyon niya at pagmamahal at hindi sa ibang babae." Ngumisi ng nakaloloko si Lorna habang iniisip kung paano niya magagamit ang ipis sa kaniyang bag. Naiinip na nga siya sa oras. Gusto na niyang umuwi. Tamang - tama, pupunta doon ang girlfriend ng kaniyang kuya kaya naman makakagawa siya ng kalokohan. Minsan napapaisip din si Lorna kung bakit ayaw na ayaw niyang makikitang masaya sa ibang babae ang kaniyang kuya. Wala naman siyang problema kung nagiging masaya ang kuya niya sa mga barkada nitong lalaki. Huwag lang talaga sa babae. Nag- iinit ang dugo niya. At naiinis talaga siya. "Bahala ka diyan. Basta, hindi puwedeng maging masaya sa ibang babae si kuya Lucian. Sa akin lang siya dapat maging masaya. Ako lang dapat ang palagi niyang kasama at hindi ang kahit na sinong babae," may diing sabi ni Lorna. Mabilis na lumipas ang oras, uwian na. Excited na umuwi si Lorna. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang makita ang kaniyang kuya Lucian. Niyakap niya ito ng mahigpit. Sininghot pa niya ito. Nababanguhan talaga siya sa pabango ng kaniyang kuya. Na para bang gusto niyang singhutin ang kaniyang kuya buong araw. "Tama na.. Baka maubos naman ang amoy ko niyan," tumatawang sabi ng kaniyang kuya Lucian. "I'm sorry, kuya! Ang bango mo po kasi eh! Ang sarap mong amoy- amuyin!" nakangising sabi ni Lorna. "Ewan ko sa iyo. Halika na.. Umuwi na tayo. Magpahinga ka na sa kuwarto mo, ha. Huwag mong aawayin si ate Cheska mo. Dadalaw siya sa bahay," sambit ni Lucian habang nagmamaneho. Hindi naman umimik si Lorna. Naiinis kasi siya kapag binabanggit ng kaniyang kuya Lucian ang pangalan ng nobya nito. Kumukulo talaga ang dugo niya. NAGTUNGO KAAGAD SIYA sa kaniyang kuwarto nang makauwi sila. Mabilis siyang nagbihis. Pagkatapos, kinuha niya ang garapon na may lamang ipis. Napangiti siya. Ilang oras ang lumipas nang dumating si Cheska. Sumilip siya sa ibaba. Nakita niyang hinalikan ng kuya Lucian niya sa labi ang nobya nito kaya naman lalo siyang nakaramdam ng inis. 'Buwisit talaga ang babaeng ito! Ang landi- landi! Talagang gustong- gusto niyang hinalikan siya ni kuya? Akala mo naman talaga napakabango ng hininga! Amoy imburnal naman!' Dala ang garapon, maingat na bumaba ng hagdan si Lorna upang hindi mapansin ng dalawa. Busy itong naglalambingan sa kusina. Mahilig kasing magkape si Cheska kaya nagpatimpla kaagad ito kay kuya Lucian niya. "Nakakailang tasa ka ba ng kape sa buong araw?" natatawang wika ni Lucian habang hinahalo ang kape ni Cheska na itinimpla niya. "Isa o dalawa lang. Ano ang akala mo sa akin? Sobrang adik sa kape? Hindi 'no! Tamang kape lang ang ginagawa ko. Sadyang hinahanap lang ng sisterma ko ang pag- inom ng kape," sagot naman ni Cheska. Kumuha ng pot holder si Lucian at doon inilapag ang kape ni Cheska. Nagpasalamat naman si Cheska at agad na yumakap kay Lucian. Nag- uusok naman ang ilong ni Lorna. Nagkukubli siya sa ibaba ng hagdan kung saan hindi siya mapapansin ng dalawa. "Ang sweet mo talaga. Ang swerte ko na ikaw ang boyfriend ko. Iyong kapatid mo lang talaga na si Lorna ang paepal eh. Ang hilig akong awayin," ani Cheska sabay tawa. 'Ano raw? Ako? Paepal? Talaga! Talagang paepal ako sa inyong dalawa! At ikaw na babae ka, akala mo naman kayo na ni kuya forever! Hindi iyon mangyayari dahil talagang eepal ako sa inyo!' Naiinip na si Lorna humanap ng tiyempo. Hanggang sa magtungo sa likod bahay sina Lucian at Cheska dahil may ipapakita si Lucian kay Cheska. At iyon ang mga binili niyang roses para kay Cheska. Malalago na iyon. Mas gusto kasi ni Cheska na nakatanim pa ang roses kaysa naka- boquet ito. Dali - daling lumabas mula sa kaniyang pinagtataguan si Lorna. Itinaktak niya sa kape ni Cheska ang ipis mula sa garapon. Buhay pa ito ngunit namatay sa init ng kape. Ipinailalim ni Lorna ang ipis sa kapeng iyon gamit ang kutsara. 'Tingnan natin kung hindi ka masuka sa kape mong may ipis. Epal pala, ha...' Mabilis na bumalik sa kaniyang silid si Lorna. Tawang - tawa siya nang magtagumpay siya sa kaniyang plano. Kinuha niya ang kaniyang notebook upang gawin ang kaniyang assignment. Para kunwari abala siya. "Ahhhh!" malakas na tili ni Cheska ilang minuto ang lumipas nang mailagay ni Lorna ang ipis sa kape nito. "Bakit? Ano ang nangyari sa iyo?" tarantang tanong ni Lucian. "May ipis! May ipis sa kape ko!" umiiyak at maduwal- duwal na sabi ni Cheska. Agad iyong tiningnan ni Lucian. Halos maubos na ni Cheska ang kape at naroon nga ang ipis. Panay ang suka ni Cheska sa lababo. Hinagod naman ni Lucian ang kaniyang likod. Iniisip niya kung paano nagkaroon ng ipis doon hanggang sa maiisip niya si Lorna. "Sandali lang," aniya bago dali - daling nagtungo sa kuwarto ng kaniyang kapatid. Naabutan niya itong gumagawa ng assignment. Nilingon naman siya ni Lorna na mayroong inosenteng mukha. "Bakit po, kuya?" painosenteng sabi niya. Napalunok si Lucian sabay iling. "W- Wala. Sige na. Mag- focus ka na diyan," aniya sabay sara ng pinto. Gumuhit ang ngiting tagumpay sa labi ni Lorna nang isara ni kuya Lucian niya ang pinto. Tuwang - tuwa siya dahil tagumpay siya sa kaniyang plano. Habang si Lucian naman, nakonsensya dahil pinag- isipan niya ng masama ang kaniyang kapatid. Inisip niya kasi na baka si Lorna ang may gawa no'n sa kaniyang nobya. "Uminom ka ng maraming tubig. Tapos mag- toothbrush ka na lant at mag- mouth wash..." mahinahong sabi niya sa kaniyang nobya. "Hindi ba ang kapatid mong demonyita ang may gawa nito sa akin?" lumuluhang sabi ni Cheska. Umiling si Lucian. "Hindi. Busy siya sa mga assignments niya. Huwag na siyang pagbintangan. Sa akin ka na lang magalit." Inis na nagtungo sa banyo si Cheska habang si Lucian naman ay mariing napapikit. Awang - awa siya sa kaniyang nobya habang sumasakit ang kaniyang ulo sa kaiisip kung saan galing ang ipis na iyon gayong wala namang ipis sa kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD