11

1112 Words
"Napakaganda mo naman talaga, Lorna! Kumikinang ka sa aking paningin!" nakangising wika ni Clark nang makita niya ang dalaga. Nakabusangot lang ang mukha ni Lorna habang nakatingin sa binata na kulang na lang, lumuwa ang mata dahil gandang - ganda siya kay Lorna. Malakas ang tama sa kaniya ng dalaga. At talaga namang todo papansin siya kay Lorna. "Lakas ng tama talaga sa iyo ni Clark. Bakit hindi mo na lang kaya siya jowain? Nang sa ganoon, mabaling na sa iba ang nararamdaman mo para sa kuya Lucian mo? Syempre, mga magulang niyo ang masasaktan kapag dumating sa puntong magkagustuhan kayo. Kasi anak ang paningin nila sa inyong dalawa. Na para sa kanila, magkapatid talaga kayo," wika ni Geraldine. "Manahimik ka diyan. Bahala na kung dumating man sa puntong ganoon. Sa ngayon, kailangan ko ng umisip ng paraan para maakit ko si kuya Lucian. Gusto ko na talagang gumawa ng aksyon. Ayoko na ng ganito. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko silang naglalambingan ng Divine na iyon. Banal ang pangalan pero alam kong demonyita siya. Hindi ko pa siya masyadong napapansin ngayon dahil busy pa sa school pero nararamdaman kong may iba siyang ugali...." mariing wika ni Lorna. Tumawa si Geraldine. "Sobra ka naman! Bawal judgemental! Baka naman talagang banal ang babaeng iyon! Ikaw lang naman ang may sungay!" Tinaasan ng kilay ni Lorna ang kaniyang kaibigan. "Anong sinabi mo?!" "Ano ang pinag- uusapan niyong dalawa? Puwedeng makisali?" biglang singit ni Clark. Nagpa- cute pa talaga ito kay Lorna. "Wala. Huwag ka ngang chismoso diyan. Kalalaki mong tao, chismoso ka. Papansin ka talaga. Kulang ka ba sa aruga?" pagtataray ni Lorna. Tumawa si Clark ng mapang asar. "Hindi lang sa aruga. Pati na rin sa pagmamahal. Puwede mo ba akong mahalin? At ipinapangako ko naman sa iyong mamahalin din kita ng buong puso? Na sa iyo ko iaalay ang aking puso't kaluluwa?" Binatukan ni Lorna ang binata. "Tigilan mo ako! Hindi mo ako madadala sa mga kalokohan mo. Bumalik ka na nga sa upuan mo! Papansin ka talagang mokong ka! Alis!" SAMANTALA, TULALA SI LUCIAN. Iniisip niya si Lorna. Hindi niya mawari kung bakit bigla siyang nawala sa wisyo. Kanina, abala siya sa pag- aasikaso ng bagong tayo niyang negosyo. Pero natigil ito dahil ginugulo ni Lorna ang kaniyang isipan. "Birthday mo na next week. Thirty years old ka na. Wala ka pa bang balak mag- asawa?" tanong ni Mannex sa kaniya. "Wala pa. Kahit naman umabot ako ng forty years old bago mag- asawa, wala namang problema doon," sagot ni Lucian. "Ngek? Bakit parang wala ka yatang balak mag- asawa ng maaga? Hindi mo ba nakikita ang mga nagiging girlfriend mo bilang asawa mo?" Bumuntong hininga si Lucian. "Hindi. At hindi ko alam kung bakit. Isa pa, hindi ko rin naman kasi iniisip iyan. Hindi rin naman kasi basta- basta ang pag- aasawa. Gusto ko kapag nag- asawa ako, wala na siyang poproblemahin pa. Iyong anak na lang namin, pamilya na lang namin ang iisipin niya." Pumalakpak si Mannex. "Wow naman! Napakaresponsable mo naman pa lang asawa kung ganoon! Pero maiba tayo, sa tingin ko kaya ka nagkakaganiyan sa mga nagiging girlfriend mo, dahil si Lorna ang naiisip mo? Siya ang gusto mong mapangasawa, tama?" Hindi nakapagsalita si Lucian. Sa halip, nag- iwas siya ng tingin. Bigla niyang inisip ang pangyayari kung sakaling si Lorna ang mapapangasawa siya. Naiisip niyang masaya siguro iyon. Naiisip niyang mas magiging masaya ang buhay niya na may asawa kung si Lorna ang babaeng pakakasalan niya. Sinusubukan naman niyang magmahal ng ibang babae. Kaya nga siya nagkakaroon ng girlfriend. Pero hindi niya alam kung bakit hindi siya masaya sa mga ito. Wala naman siyang masabi sa galing ng mga naging girlfriend niya sa kama. Bukod pa doon, may mga babae na rin siyang nakatalik para makapagparaos lang. Pero hanggang doon lang talaga. Hindi niya pa talaga nararansang magmahal kahit na may girlfriend pa siya. "Hindi ko alam. Pero baka nga. Kaya lang, bawal. Bawal ko siyang mahalin. Kapatid ko siya. Magkapatid kami. Iyon ang tingin sa amin ng mga magulang namin." Tumawa si Mannex. "Hindi mo naman sila tunay na magulang. Inampon ka lang nila. Kaya hindi naman kayo magkadugo ni Lorna. Puwedeng- puwede kayong magmahalan. Iyon nga lang, masasaktan mo ang damdamin ng mga magulang ni Lorna na umampon sa iyo kung talagang paninindigan mo ang nararamdaman mo para sa anak nila. At kung hindi naman, damdamin mo ang masasaktan. Iyon lang iyon." Mariing pumikit si Lucian. Iniisip niya rin kasi ang mararamdaman nina Angelica at Joseph. Ang mag- asawang tinuring siyang tunay na anak. Ayaw niyang masaktan ang mga ito dahil nangako siya noong wala siyang nararamdaman na kahit ano para kay Lorna. Ngunit mapipigilan niya kaya ang kaniyang nararamdaman para sa dalaga? Mapapanindigan niya kaya ang pangako niya sa mga magulang nito? "Teka nga, wala ka bang balak hanapin ang tunay mong mga magulang?" pag - iiba ng usapan ni Mannex. "Hindi ko alam. Sa totoo lang, parang wala na. Kung buhay man sila, masama ang loob ko sa kanila. Kasi iniisip ko, bakit nila ako iniwan sa bahay ampunan na iyon? Kung mahirap man ang pamilya ko, ang totoo kong magulang, wala namang problema iyon sa akin. Puwede namang magsama pa rin ng buo ang isang pamilya kahit na gaano pa kahirap di ba? Pero bakit kaya nila ako iniwan? Ano ang dahilan nila para iwan ako sa bahay ampunan na iyon?" bakas ang sama ng loob sa bawat katagang binitawan ni Lucian. "Sabagay, tama ka. Hindi nga makatarungan ang ginawa nila sa iyo. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi mo na rin sila hinahanap. Pero balik tayo sa inyong dalawa ni Lorna, anong plano mo? Paninindigan mo ba ang pangako mo sa mga magulang niya? O susundin mo ang puso mo? Masarap pa naman magmahal lalo na kung bawal," ani Mannex sabay ngisi. Natawa tuloy si Lucian. "Gaano nga ba kasarap ang bawal?" "Sobrang sarap. Walang kasing sarap. Kaya nga maraming namamatay eh. Halimbawa na lang sa pagkain, kahit alam ng bawal, kakainin pa rin. At sa inyong dalawa naman ni Lorna, alam kong magiging masarap ang pagmamahalan niyong dalawa lalo na't bawal ito. Saktong - sakto, wala pang nagiging boyfriend ang prinsesa mo. Ikaw ang unang makakatikim ng lahat sa kaniya." "Tangina mo!" ani Lucian sabay sipa kay Mannex. Napangisi siya ng nakaloloko. Hindi niya mawari ngunit bigla siyang nag- init. Naramdaman na nga lang niya na naninigas na ang kaniyang k argada sa isiping siya ang unang makakabiyan kay Lorna. Ang unang magpaparanas sa dalaga kung gaano siya kasarap bumira. Kung gaano siya kagaling sa kama. 'Tangina naman! Para na akong asong naglalaway kay Lorna! Masama na talaga 'to!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD