12

1217 Words
"Birthday ni kuya Lucian mo now, 'di ba?" nanlalaki matang tanong ni Geraldine. "Oo..." "Anong ganap? May malaking handaan ba sa inyo? Puwede bang makikain ako?" nakangising tanong ng kaniyang kaibigan. "Oo naman syempre. Kaso hindi ko pa nga masabi sa iyo. Hindi pa kita ma- invite dahil hindi ko alam kung may ganap ba. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano ni kuya Lucian para sa birthday niya mamaya. Basta, sasabihan kita kung may handaan mamaya sa bahay. For sure, marami siyang bisita na dadating." "Yown! Sana maraming guwapo para naman mabusog na rin ang mga mata ako!" pakisay - kisay pang sabi ni Geraldine. Natawa si Lorna. "Sana nga. Para matuwa - tuwa na rin ang mata ko. For sure, doon kasi siya didikit sa girlfriend niyang ewan. Akala mo naman napakaganda. Hindi naman. Average lang ang ganda niya. Mas maganda pa rin talaga ako. Lahat ng girlfriend niya, walang panama sa ganda ko." Malakas na tumawa si Geraldine. "Ang yabang mong gaga ka! Pero maganda ka ngang talaga. Kaya nga lang, huwag masyadong mayabang, Lorna! Para ka namang timang diyan!" "Basta, maganda ako sa kanila, tapos. Kaya dapat sa akin lang titingin si kuya Lucian! Ako lang dapat ang mahal niya!" "Nababaliw ka ng talaga sa kuya Lucian mo! Hay naku! Napapagod na akong payuhan ka. Bahala na kung anong maganap sa buhay mo! Balitaan mo na lang ako kapag naakit mo na siya." Ngumisi si Lorna. "Naisip ko ngang imbitahan na rin si Clark. Para naman hindi ako mukhang nag- iisa doon. At least di ba, may kasama akong lalaking patay na patay sa akin. Malay natin, magselos si kuya Lucian." "Ay oo nga. Isama mo si Clark. Sabihin mo magpaguwapo ng husto. Tingnan lang natin kung hindi umusok ang ilong ng kuya Lucian mo. Baka mamaya, may gusto rin pala siya sa iyo pero hindi siya umaamin," gumuhit ang nakalolokong ngiti sa labi ni Geraldine. "Sana nga. Sana lang talaga may nararamdaman siya para sa akin. Pero di bale na kung wala. Ako na ang bahalang lumandi. Gagapangin ko siya!" ani Lorna sabay halakhak. Hinampas ni Geraldine ang kaniyang kaibigan. "Gaga ka talaga! Kaya mo bang panindigan iyang kalokohan mo? Baka mamaya kapag nakita mo ang alaga ng kuya Lucian mo, magulat ka. Mukhang malaki pa naman ang dinadala niya. Baka manlaki ang mata mo." Biglang kumikay si Lorna na para bang kinikilig. Nasabik tuloy siyang makita ang tinatagong k argada ni Lucian. Iniisip pa nga lang niya na mahahawakan na niya iyon, para na siyang nanginginig sa tuwa. 'Gaano kaya kalaki ang batuta ni kuya Lucian? Dambuhala kaya ito sa laki? Sinusubo raw iyon. Kailangan galingan daw ng babae sa pagsubo ng batuta ng isang lalaki para kabaliwan niya ang babaeng iyon. At ganoon ang gagawin ko kay kuya Lucian para mabaliw siya sa akin!" "Iniisip ko nga kung ano ang lasa no'n eh. Kasi nga sinusubo iyon 'di ba?" Mabilis na tumango si Geraldine. "Oo ginagawang lollipop. Sinisipsip ang ulo. Iyon ang alam ko. Hindi ko pa rin nagagawa dahil natatakot ako 'no! Paktay ako sa nanay ko kapag nabuntis ako!" "Bakit? Pwede ka namang gumamit ng proteksyon. Basta ako, kapag nakahanap ako ng pagkakataon, gagapangin ko talaga si kuya Lucian at isusubo ko ang batuta niya! Argh!" ani Lorna sabay tawa. SAMANTALA, WALA SANANG BALAK NA magpahanda si Lucian sa kaarawan niya ngayong araw pero iyon ang gusto ng kaniyang nga magulang. Nahihiya naman siyang tumanggi dahil gusto ni mommy Angelica niya na magluto. Para matikman ng mga kaibigan niya ang luto niya. Sa malaking garahe nila naganap ang birthday celebration ni Lucian. Kahit na nagpa- cater sila, may iilang ulam na niluto ang kaniyang mommy Angelica. Nagandahan din siya sa ginawang decoration ng catering staff sa kanilang garahe. Gusto nga sana niyang simple ngunit hindi iyon ang nangyari. Ang ganda ng set up ng catering staff doon. Dumating na ang kapatid niya galing sa school. Dire- diretso lang itong pumasok sa loob ng kanilang bahay. Simula nang magka- girlfriend ulit si Lucian, at iyon ay si Divine, tila lumayo ang loob sa kaniya ni Lorna. Hindi na ito sweet katulad ng dati. Madalas na siya nitong tinatarayan. Iniisip niya na mas okay na iyon dahil lalong lumalala nag nararamdaman niya kay Lorna kapag mas madikit sila. Ngunit may parte sa kaniya na tila ba nasasabik sa dalaga. Nasasabik na mayakap ng mahigpit ang kaniyang prinsesa. Na tila na gustong kumawala ng kaniyang damdamin. "Thank you so much po, mommy sa effort niyo sa birthday kong ito. Kahit na sinabi ko na po sa inyo na gusto kong simple celebration lang, talagang nag- effort pa rin po kayo. Marami pong salamat. Salamat po sa inyong dalawa ni daddy..." Matamis siyang nginitian ng mag- asawa. "Mahal na mahal ka namin, kuya. Kaya dapat lang na mag- effort kami ngayong birthday mo. Salamat dahil andyan ka, tumatayong kuya sa nag- iisa naming anak na si Lorna. Nagpapasalamat kami sa iyo, sa pagiging mabuti mong kuya..." Napalunok ng laway si Lucian sabay ngiti ng pilit. Bigla siyang nakonsensya dahil may nararamdaman siya kay Lorna. Sa ginawang pagpapasalamat sa kaniya ng mag- asawa, lalo siyang nakokonsensya. Lalo niyang iniisip na dapat niyang panindigan ang pangako niya sa mga tinuturing niyang magulang. "Walang anuman po. Salamat po ulit..." "Sige na, mamaya dadating na ang mga bisita mo. Nakahanda na ang mga alak para sa inyo. Huwag lang masyadong pakalasing, ha? Tamang inuman lang," paalala ng kaniyang daddy Joseph. Mayamaya pa, gabi na. Isa- isa ng nagsidatingan ang kaniyang mga bisita pati na ang nobya niyang si Divine. Nakasuot ito ng dress na medyo revealing ngunit hindi ito naging kaakit - akit sa mga mata ni Lucian. "Happy birthday, baby. I love you so much. I'm sorry kung ngayon lang ako. Naging busy lang ako sa company ni daddy..." malanding wika ni Divine sabay halik sa labi ni Lucian. "Thank you, baby and I love you, too. Ayos lang. I understand. Mas mainam nga iyon para makatulong ka sa company ninyo..." tugon ni Lucian. Muling hinalikan ni Divine si Lucian. Ngunit parang wala namang dalang kilig iyon kay Lucian. Parang wala lang talaga. "Wow! Napakagandang dilag mo talaga, Lorna! Lalo tuloy akong nahuhulog sa iyo eh!" Nangunot ang noo ni Lucian nang marinig ang sinabing iyon ni Clark. Kasama ni Clark si Geraldine dahil nakisabay ito sa kaniya. Pumihit si Lucian sa kaniyang likuran at halos malaglag ang kaniyang panga nang makita si Lorna. Nakasuot si Lorna ng sexy swoop neckline fitted dress. Kulay pula ito na may hiwa sa kaniyang kaliwang hita kung saan kapag hinahakbang niya ang kaniyang kaliwang hita, mapapanganga sa kinis nito. Napalunok ng laway si Lucian bago nilibot ang kaniyang paningin sa paligid. At nakita niyang halos lahat ng lalaki doon, nakatingin kay Lorna. Kitang- kita niya sa mga mata ng mga iyon ang paghanga sa ganda ni Lorna. Litaw ang cleavage ni Lorna sa suot niyang damit. Agaw eksena ang ka- sexy - han ni Lorna. Napansin ni Divine na iba ang titig ni Lucian kay Lorna kaya humarang siya sa tinitingnan nito. "Baby, bakit ganiyan naman ang itsura mo?" Hindi siya pinansin ni Lucian dahil nakapukol ang tingin nito kay Lorna na kausap si Clark. Nagsalubong ang makapal na kilay ni Lucian kasabay ng pagtiim ng kaniyang bagang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD