31

1351 Words

"Hindi pa ba kayo inaantok? Ala una na ng madaling araw..." wika ni Lorna. "Hindi pa ako inaantok. Nood pa tayo. Tapos may pagkain pa ba? Nagutom akong bigla," saad ni Geraldine. "Ako rin hindi pa. Gusto kong masulit ulit ang movie marathon nating ito. Teka sandali, mag- order na lang ako ng pagkain natin," wika naman ni Clark. Nagkatinginan sina Geraldine at Lorna. "Wow! Sana all na lang talaga mayaman. Ako lang yata ang hindi mayaman sa inyong dalawa." Pinalo ni Lorna ang kaniyang kaibigan. "Umayos ka nga diyan! Mayaman ka man o hindi, kaibigan kita at mahal kita! Huwag kang ano diyan papaluin ko ulo mo." Tumingin si Clark kay Lorna. Pinagmasdan niya ang maganda nitong mukha. Isa sa hinangaan niya kay Lorna, hindi ito maarte pagdating sa kaibigan. Hindi siya namimili ng kakaibiganin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD