"Joseph! Joseph!"
Napatili sa sobrang tuwa si Angelica nang makita ang resulta ng tatlong pregnancy test na hawak niya. Sa tagal nila bilang mag- asawa, iyon pa lang ang unang pagkakataong mabubuntis si Angelica. Gusto na nga nilang sumukong mag- asawa. Hindi na sila umasa pa na magkakaroon sila ng anak kaya nag- ampon sila ng batang lalaki. At ito ay si Lucian.
"Bakit, honey? Ano ang nangyari sa iyo?" natatarantang tanong ng kaniyang asawa.
Lumuluhang ipinakita ni Angelica sa kaniyang asawa ang pregnancy test na hawak niya. Nanginginig ang kamay ni Joseph na kinuha iyon. Agad na umagos ang masaganang luha sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa hawak niyang pregnancy test. Kapwa sila umiiyak sa sobrang tuwa na kanilang nararamdaman.
"H- Honey..."
Umiiyak na niyakap ni Joseph ang kaniyang asawa. Sa tagal nilang nagdadasal na bigyan sila ng anak, sa wakas ibinigay na ng langit ang kanilang matagal ng pinapangarap. Ang magkaroon ng anak kahit isa lamang.
"Honey... binigay na sa atin ang matagal na nating pinagdadasal! Buntis na ako! Magkakaanak na tayo!" nag- uumapaw sa tuwa ang puso ni Angelica.
"Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon! Sobrang saya ko, honey! Napakasaya ko!" sigaw ni Joseph.
Narinig ni Lucian ang sigawan ng kaniyang itinuturing na mga magulang kaya naman nagtungo siya sa banyo. Ang sampung taong gulang na si Lucian at matured na ang pag- iisip dahil naging independent siya sa lugar kung saan siya kinuha ng mag- asawa.
"Mommy? Daddy? Bakit po kayo nagsisigawan? Ayos lang po ba kayo?" inosenteng tanong niya sa mag- asawa.
Kumalas ng yakap ang dalawa bago bumaling sa kaniya. Lumuhod si Joseph sa harapan ni Lucian at saka nito hinawakan sa kamay ang batang lalaki.
"Lucian, anak... magkakaroon ka na ng kapatid. Buntis na si mommy Angelica mo!" umiiyak sa tuwang sabi ni Joseph.
Nanlaki ang mga mata ni Lucian. "Talaga po? Wow! Yehey! Sa wakas! Magkakaroon na ako ng kapatid! Poprotektahan ko po ang kapatid ko sa mga umaaway sa kaniya at mamahalin ko po siya."
"Very good, Lucian. Ikaw ang magsisilbing tagapagtanggol ng kapatid mo, ha? Kahit na may kapatid ka na, mahal na mahal ka pa rin namin. Sana huwag kang makaramdam ng kahit ano para sa kapatid mo," pakiusap ni Angelica.
Matamis na ngumiti si Lucian. "Opo, mommy. Hinding- hindi po ako makakaramdam ng ganoon dahil napakasuwerte ko na nga po sa inyo. Napakalaking pasasalamat ko na po sa inyo na inampon niyo po ako. At hindi ko po naramdaman sa inyo na hindi niyo ako tunay na anak. Napakabuti niyo po sa akin at ramdam ko po ang pagmamahal ninyo sa akin. Kaya po makakaasa po kayo sa akin na aalagaan ko po ang magiging kapatid ko at mamahalin ko po siya ng buong puso. Kagaya po ng pagmamahal niyo sa akin."
Nagkatinginan ang mag- asawang Joseph at Angelica bago nila niyakap ng mahigpit si Lucian. Sobrang saya nilang mag- asawa. At ganoon din ang nararamdaman ni Lucian dahil magkakaroon na siya ng kapatid na talaga namang mamahalin niya at poprotektahan.
AGAD NA IPINAMALITA NG MAG- ASAWANG JOSEPH AT ANGELICA ang tungkol sa kanilang magiging anak. Sobrang saya nilang mag- asawa dahil nalaman nilang kahit na malapit ng mag- 40 years old si Angelica, hindi sobrang selan ng kanyang pagbubuntis. Parang normal lang ito kaya hindi niya kailangan ng sobrang pag- iingat at kung ano- anong kaartehan dahil makapit daw ang kanilang baby. Ibig sabihin lang noon, talagang binigay sa kanila na magkaroon ng anak. Mabait naman kasi silang mag- asawa. Tumutulong sila sa nangangailangan. Kaya marami silang kaibigan. Maraming tao ang nagdasal na sila ay biyayaan ng anak.
"I love you, honey salamat dahil hindi ka sumuko at binigyan mo ako ng anak na siguradong magpapasaya sa atin..." lumuluhang wika ni Angelica habang hawak ang kamay ang kanyang asawa.
"I love you too, honey salamat din sa iyo. Sa iyo ako dapat magpasalamat ng sobra dahil ikaw ang magdadala ng anak natin. Aalagaan kita, okay? Ako ang bahala sa iyo. Hindi muna ako pupunta- punta sa mga negosyo natin. Iyong assistant ko na lang pag- aasikasuhin ko doon dahil gusto kong bantayan ka. Gusto kong ako ang mag- aalaga sa iyo hanggang sa manganak ka. Sasamahan kita hanggang sa mailuwal mo ang ating anak," maramdaming sabi naman ni Joseph.
Maingat na hinagkan ni Joseph sa labi ang kaniyang asawa. Muli silang naluha sa sobrang tuwa. Hinaplos ni Angelica ang kaniyang tiyan at saka mahinang tumawa bago tumingin sa kaniyang asawa.
MABILIS NA lumipas ang mga buwan. Nalaman nilang babae ang kanilang magiging anak. Tuwang- tuwa ang mag- asawa. Healty ang baby na ito dahil alagang- alaga ni Joseph ang kaniyang asawa. Puro masustansyang pagkain ang kinakain ni Angelica kaya naman healthy ang ma kanilang sanggol. Hindi na nga sila makapaghintay na lumabas ang kanilang anak.
Tuwing umaga, kinakausap ni Joseph ang tiyan ni Angelica dahil iniisip niyang nakikinig sa kanila ang anak nila. Lagi nila iyong ginagawa. Walang araw na hindi nila iyong ginawang mag- asawa.
"Baby! Excited na akong makita ka! Ako ito si kuya Lucian mo. Ang magiging tagapagtanggol mo! Mahal na mahal ka ni kuya!" nakangiting wika ni Lucian habang hinahaplos ang tiyan ng kaniyang mommy Angelica.
Napangiti na rin si Angelica sabay haplos sa buhok ni Lucian. "Thank you, kuya Lucian. Nakakatuwa naman! Mayroon na kaagad knight and shining armor ang baby natin!"
"Syempre naman po, mommy! Para saan pa po na naging big brother niya ako kung hindi ko po siya poprotektahan? Lagot po sa akin ang mga bad guys na mang- aaway sa kanya. Hindi ko po talaga sila aatrasan! 'Di po ako papayag na paiiyakin nila ang baby sister ko."
Tumawa si Joseph at saka tinapik sa balikat si Lucian. "Very good, kuya. Aasahan ko iyan, ha? I love you, kuya!"
"I love you too, daddy and mommy!"
"I love you too, kuya! Lorna. Iyon ang ipapangalan ko sa kaniya.." wika ni Angelica habang hinahaplos ang kaniyang tiyan.
"Wow! Napakagandang pangalan, mommy!" wika naman ni Lucian.
Niyakap ni Joseph ang kaniyang asawa at saka hinaplos na rin ang tiyan nito. "Excited na kaming makita ka, aming baby Lorna. We love you so much."
Nagkatinginan silang tatlong bago nagtawanan. Tila isang napakasayang pamilya sila kung pagmamasdan. Pamilyang puno ng pagmamahal.