16 years later....
"Kuya Lucian!" sigaw ni Lorna na umalingawngaw sa buong sala.
Dali - dali namang nagtungo sa sala si Lucian mula sa kusina. Sinalubong siya ng galit na tingin ni Lorna. "Bakit po, aking prinsesa?"
"Ewan ko sa iyo! Bakit hindi mo ako sinundo? Hindi ba ang sabi mo po sa akin lagi mo akong susunduin pagkauwi ko? Bakit si manong Ronald na naman ang nagsundo sa akin?!" galit na sabi ni Lorna.
Bumuntong hininga si Lucian. Totoo naman talaga iyon. Simula nang mag- aral si Lorna, siya na ang naghahatid sundo sa kaniyang nakababatang kapatid. Kahit na hindi siya tunay na anak ng pamilya Monsanto, ni minsan wala siyang naramdaman na pagkakaiba nilang dalawa ni Lorna. Parehas silang mahal ng mag- asawang Angelica at Joseph. At bilang pasasalamat, talagang inaalagaan at pinoprotektahan ni Lucian si Lorna. Ginagawa niya ang pangako niya sa kaniyang tinuturing na magulang na handa siyang pangalagaan si Lorna sa sinumang maaaring manakit o umapi sa dalaga.
Lumapit si Lucian sa dalaga. Sixteen years old pa lang ito ngunit dalagang- dalaga na ang tindig at matured ka kung tingnan. Hindi maipagkakailang maraming lalaki ang nagkakagusto kay Lorna ngunit wala siyang pakialam sa mga ito. Wala siyang oras para doon.
"I'm sorry, prinsesa ko. Naging busy lang kasi si kuya mo. Bukas, ako na ulit ang magsusundo sa iyo..." malambing na wika ni Lucian.
Umirap si Lorna. Maldita talaga ang batang ito. Gusto niya, palagi siyang nasusunod. Palibhasa, nag- iisang anak lang na babae at spoiled pa sa magulang. Sa sobrang pagmamahal sa kaniya nina Angelica at Joseph, lahat ng gusto ni Lorna ay binibigay nilang mag- asawa.
"Ewan ko po sa iyo! Siguro, sinundo mo na naman si Cheska! Iyong girlfriend mong Napakaarte at feeling maganda!" bulyaw nu Lorna.
Tumawa si Lucian. Hindi niya rin maintindihan ang kaniyang prinsesa. Halos lahat ng babaeng nagugustuhan niya, kinagagalitan ni Lorna. Inaaway nito. Ayaw kasi ni Lorna na may kukuha ng atensyon ng kaniyang kuya Lucian. Ang gusto niya, sa kaniya lang naka- focus ang kuya niya. Naiintindihan naman iyon ni Lucian lalo pa't sinanay si Lorna. Kahit nga dalaga na ito, nagtatabi sila minsan matulog at nakayakap sa kaniya si Lorna.
Ngunit lumalaki na si Lorna at nasasagwaan na siya kahit pa kapatid ang turing niya dito. Kaya kinausap niya si Lorna na hindi na sila puwedeng magtabi pa matulog. At isa pa, may nobya na rin siya. Isang linggo na sila ni Cheska.
"Prinsesa ko, hindi ba't pinag- usapan na natin ito noon? Syempre, gusto ring magmahal ni kuya at maging masaya. Kaya kailangan ko ng babaeng mamahalin din ako. At iyon si Cheska. Pinagbigyan na kita noon sa mga pang aaway mo sa mga niligawan ko. Ngayon, si Cheska ang unang nobya ko at mahal ko siya. Nakikiusap ako sa iyo, aking prinsesa... huwag mo na siyang aawayin pa. Mabait naman siya. Magkakasundo kayo..." napakababa ng tinig ni Lucian na para bang nagsusumamo kay Lorna.
Mariing umirap si Lorna. Ayaw na ayaw niyang magkakaroon ng nobya ang kaniyang kuya Lucian. Naiinis siya lalo pa't para sa kaniya, nababawasan ang oras ni Lucian sa kaniya. At pakiramdam niya, naaagawan siya ng atensyon. Nasanay siyang ang buong atensyon ni Lucian ay nasa kaniya lang. Kaya kahit mabait pa ang maging nobya ng kuya Lucian niya, wala siyang pakialam.
Hindi niya ito matatanggap.
"Ibig sabihin, hindi ka masaya kasama ako? Hindi ka masaya sa akin, kuya? Wala kang nararamdaman na ligaya sa akin? Ayaw mo na sa akin?" nangingilid ang luha na sambit ni Lorna.
Mariing pumikit si Lucian. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag kay Lorna ang ibig niyang sabihin. Ayaw niya kasing mamulat si Lorna sa mga bagay - bagay lalo na sa kahalayan. Gusto niyang mapanatiling inosente ang kanyang kapatid at walang alam sa makamundong gawain. Para hindi ito magkaroon ng nobyo interes sa pakikipagrelasyon. Binilin kasi sa kaniya ng mag- asawa na dapat nasa edad bente pataas na si Lorna bago magkakaroon nobyo. Pinapangalagaan ni Lucian si Lorna at ayaw niyang basta na lamang makuha ng isang lalaki ang pinaka iingatan nito at pagkatapos ay iiwan lamang basta.
Kaya kapag nalalaman niyang may nanliligaw kay Lorna, agad niya itong pinagsasabihan na hindi pa pwede ang kanyang kapatid na maipagrelasyon dahil masyado pa itong bata. Ayaw niyang matulad sa ibang kabataan si Lorna na nagiging mapusok. Natatakot kasi siya na isang araw, mabuntis na lamang ang kapatid niya. At kapag nangyari iyon, wala siyang ibang sisisihin kundi ang kanyang sarili dahil siya ang pinagkatiwalaan ng kanilang mga magulang na magbabantay kay Lorna.
"Prinsesa ko, hindi ka pa pwedeng ipaliwanag sa iyo pero maiintindihan mo rin ito kapag tumuntong ka na sa hustong edad. Iba kasi ang pagmamahal ko para sa iyo at para kay Cheska. Hindi kayo magkatulad..."
"At paanong magkaiba, kuya? Ano ba ng pagmamahal mo sa kanya at ano ang pagmamahal mo sa akin? Bakit ayaw mong i- explain para maintindihan ko?"
Tipid ngumiti Lucian at saka hinawakan ang pisngi Lorna. Tila mauubusan na siya ng sasabihin dahil pala tanong si Lorna. At isa pa, kapag gusto niya talagang malaman ang isang bagay, inaalam niya talaga ito. Maldita, pasaway at makulit si Lorna ngunit sanay na sanay na si Lucian. Alam na alam na niya kung paano niya pakakalmahin ang kaniyang kapatid.
"Basta sa susunod ko na ipapaliwanag, okay? Pero huwag kang mag- alala, hindi naman inaagaw ng ate Cheska mo ang atensyon ko sa iyo. May oras pa rin naman tayo 'di ba? At saka nasa iisang bahay lang naman tayo nakatira. Palagi nga tayong nagkikita at palagi tayong magkasama pero si ate Cheska mo, limitado lang ang oras na magkasama kami. Mas lamang na pa rin sa kaniya," nakangiting wika ni Lucian bago hinalikan sa pisngi si Lorna.
Hindi na nagsalita pa si Lorna. Bumalik naman sa kusina si Lucian dahil may niluluto pa siya doon. Mabuti na nga lang hindi pa ito nasunog. Umirap naman sa hangin si Lorna at humalukipkip.
'Bahala ka sa buhay mo, kuya. Hindi ako makikinig sa iyo. Ayoko ng kaagaw sa atensyon at pagmamahal mo. Kaya gagawin ko ang lahat para maalis sa buhay natin ang Cheska na iyan.'