Chapter 8:. TIME TO REALIZE

473 Words
(George's P.O.V.) Sa nangyari sa'min ni Gracy na-realize ko na kailangan ko ng itigil ang pagpapanggap namin ni Joice tulad ni Gracy kailangan kong maging honest sa kanya, para saan pa ba ang pagpapanggap na ito kung ilang beses ng idinikdik ni Gracy na hanggang magkaibigan lang kami, wala ng rason para sa ginagawa namin ni Joice, isang malaking lokohan na lang ang lahat.At sa tingin ko dapat ko ring harapin ang katotohanan.Nakapag-desisyon na ako kailangan kong sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya, alam kong malinaw na ang lahat na hanggang friends lang kami pero gusto kong malaman niya.Gusto kong maging totoo gaano man kahirap. "George pag-isipan mo na ang lahat ng ito," hindi payag si Joice sa naging desisyon ko.Ayaw ko siyang iwan sa ere pero nahihirapan na akong magpanggap namin. "Oo naman.Nahihirapan na akong magpanggap, ang mabigat na sa loob ko kaya desidido na ako," determinado kong sagot kay Joice na kitang-kita ko na hoping siya na magbago ang isip ko. "No!....Alam mo dapat pag-isipan mo lahat-lahat muna kasi maaaring masira kayong dalawa tapos wala ka pang mapapala," pagpupumilit ni Joice. "Pasensya ka na Joice pero buo na ang desisyon ko at sa tingin you have to do the same, you need to do yourself a favor, sa tingin ko kailangan mong mag-move on na sa kanya," paliwanag ko sa kay Joice. Hindi siya kaagad sumagot sa halip ay natahimik lang ito.Tumingin si Joice sa'kin ng seryoso at saka nagsimulang nagsalita,"Dahil gusto na kita," natamimi ako sa pag-amin nito sa'kin bagay na hindi ko inaasahan.Ni hindi nga pumasok sa isipan ko na magkakagusto siya sa isang tulad ko......hindi ko alam kong anong tamang sabihin sa kanya masyado akong nabigla. "You heard it right.I like you because I saw you how you loved Gracy.Ikaw yung taong kahit kailan hindi lolokohin ang taong mahal niya,ikaw 'yung taong hindi mang-iiwan kahit anong mangyari," paliwanag ni Joice na halos mangiyak-ngiyak na at hindi rin makapaniwala sa ginagawa nitong confession sa'kin.Nakaramdam ako ng awa para sa kanya pero hindi ko siya pwedeng pagbigyan. "Pero alam mo naman na si Gracy ang gusto ko," nakokonsensya kong sagot sa kanya. "Alam ko kaya nga pinilit kong ilayo siya sa'yo pero hindi ko nagawa sa halip pinili mo pa rin siya.Hindi ka naman niya gusto narinig mo 'yun mismo sa kanya, kaya there is no point telling her the truth,masasaktan ka lang," tila nagmamakaawa ang boses ni Joice, hoping ang convincing me to choose her. "Sorry talaga," I really feel sorry for Joice. Akala ko susuko na siya ng papaalis na ako pero mas nagulat ako sa pagyakap niya sa'kin halatang umaasa siya na magbabago ang isip ko,"Please let me do this for the last time," pakiusap nito sa'kin at hindi ko na nagawang tumanggi pa.Ilang minuto din kaming ganoon....for tha last time. Gerona J.R...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD