Chapter 7: BE TRUE TO YOURSELF

663 Words
(Gracy's P.O.V.) ' Litong-lito ang pusong nagugulo dahil hirap aminin ang tunay na t***k ng kanyang puso'. Aminado akong malaki ang naging mali ko, kung hindi sana ako nagpadala sa Ego ko e di sana hindi nasa-sacrifice ang matagal na naming friendship ni Georgie at ako ang may kasalanan, ayaw kong mawala ang pagkakaibigan namin ng ganito lang, ng dahil lang sa ego ko.He's my bestfriend for a long time tapos ganito lang biglang mawawala tapos ang petty ng reason,so I really need to do something, to save our friendship. And I don't wanna lose him.Siya kaya ang super best BFF ever ko,palagi siyang nandiyan sa tabi ko kahit anong mangyari, siya lang 'ata nakakatiis sa katigasan ng ulo ko kahit na palagi ko siyang napapahamak sa parents ko and I'm so stupid to realize these things ngayong nakagawa na ako ng katangahan.Kaya I'm ready to make the first move para talagang we're going to be okay.To save our friendship.....#savingfriendship....... Hindi ko na pinatagal pa at pinuntahan ko siya sa bahay nila at para hindi naman masyadong awkward ang pagpunta ko nagbolontaryo ako na maghatid ng niluto ni mama na menudo para makausap si Georgie ng sarilinan dahil alam kong siya lang mag-isa ngayon.Medyo nagulat siya ng makita ako sa tapat ng pinto nila wala sana itong balak papasukin ako pero nagpumilit ako.At ng nasa loob na ako dumeretso ako sa kusina habang inililipat ang dala kong pagkain para magtagal ako, sinimulan ko na ang operation #savingfriendship. "Sorry," naglakas loob na akong humingi ng sorry sa kanya.Nakita kong nagulat siya sa biglaan kong paghingi ng sorry. "Sorry?.........para saan?." at ang lolo niyo talagang nagmaang-maangan pa.Grabeh, hindi siya magaling magsinungaling. "Georgie,BFF mo'ko alam kong alam mo ang ibig kong sabihin.And I do really mean it.Naging careless ako sa mga sinabi ko.....at pinagsisisihan ko na 'yun.....I'm so sorry.......," deniretso ko na siya. "Gracy hindi mo kailangan mag-sorry—," "NO........," hindi ko na siya pinatapos pa, dahil alam kong sasabihin lang naman niyang okay lang ang ginawa ko sa kanya........pero hindi dapat.Nagkamali ako at dapat akong mag-sorry, he deserves it, "......I need to say sorry because I hurt you.Nasaktan ko ang pinaka best BFF na meron ako.I take you for granted.Ayoko kong mawala ang friendship natin ng dahil lang sa pagiging childish ko....sorry talaga," dugtong ko. "Okay apology accepted.Hindi ko rin gustong mawala ang taong mahalaga sa buhay ko.........," biglang huminto si Georgie sa sinasabi niya hindi ko maintindihan ko bakit, ".......kasi ikaw lang ang nag-iisang bestfriend ko," dugtong nito. Ang saya-saya ko ng tanggapin na ni Georgie ang sorry ko at sa sobrang kong saya I hug him,"Salamat......besfriend,". "Sorry......," pareho kaming nagulat ni Georgie ng biglang dumating si Joice kaagad kong pinakawalan si Georgie sa pagkakakyakap ko sa kanya mahirap pa baka may kung anong isipin pa si Joice, she's the girlfriend at away kong mag-away sila dahil sa'kin. " Nakakaabala ba ako sa moment ng mag-BFF?," halong birong tanong ni Joice. " Hindi...," maagap kong sagot parang magkaroon ng linaw kaagad. "Anong ginagawa mo rito?," nagtatakang tanong ni Georgie sa girlfriend niya. Lumapit si Joice kay Georgie at ibiniso ito sabay yakap,"Gusto ko sanang magpasama sa'yo.Eh,hindi na ako nag-text kasi gusto kitang i-surprise but it turns out ako ang nasorpresa," sagot ni Joice sabay tingin sa'kin. "Naku wala 'yun Joice......nag-sorry lang naman kay Georgie....tapos hug para...alam mo na.....," medyo nag-panic ako ng mag-explain kay Joice. Biglang tumawa si Joice, "Oh,...ano ka ba wala akong iniisip na masama sa inyo.Alam kong bestfriend lang ang turingan n'yo sa isa't-isa at sa'yo mismo nanggaling na hindi mo magugustuhan si George walang beyond friendship sa inyong dalawa.Isa pa alam kong fateful si George ko," paliwanag ni Joice.Sa tingin ko mukhang napag-tripan na naman niya ako. "Tama 'yun.....," sagot ko, "... pero proud ako na bestfriend ko siya.Sige mauna na ako, have fun," dali-dali akong nagpaalam kasi feeling ko istorbo na ako sa kanila. "Ang pusong tunay ang nararamdaman kayang magtiis, masaktan man ng ilang beses." Gerona J.R...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD