Kabanata 5

1094 Words
Kabanata 5 Napangiti naman ang mag-asawa sa kanya. Pero hindi pa rin talaga siya mapalagay. Para kasing ampon si Gabrielle dahil itsura pa lang ng lalaki ay talagang hindi ito nagmana sa mag-asawa. Gabrielle's face looks like he's half foreigner. Yes, para kasi siyang may lahing foreigner at mas lalo pa siyang nagdududa sa katauhan nito dahil masiyado itong fluent sa English. Well, speaking of that kind of matter, everyone can talk nor be fluent but Gabrielle has its own accent. "Kathleen?" untag sa kanya ni Aling Susana. Natigilan siya. Kanina pa pala siya nakatulala. "Po? Tara sa loob. Nagugutom ka ba? Marami ba nakain mong agahan?" "Opo," tipid niyang sagot. Si Mang Efren naman ay lumapit kay Gabrielle. May pinag-uusapan ang mga ito at hindi niya lang alam kung tungkol saan dahil masiyadong malayo ang mga ito. "Si Gabrielle po ba? Anak niyo talaga?" biglang tanong niya. Natigilan naman si Aling Susana sa tanong niya maging siya ay natigilan din. Ugh! Gusto niya tuloy batukan ang kanyang sarili. Nakikialam na naman siya sa iba. Damn it! Hilaw namang napangiti si Aling Susana sa kanya. "Uhm, pasensiya na po kayo kung masiyado po akong pakialamera. Malayo po kasi ang itsura ni Gabrielle sa inyong dalawang mag-asawa. Hindi naman po sa nakikialam ako pero—" "Ampon namin si Gabrielle," biglang singit ni Aling Susana dahilan para ma-itikom niya ang kanyang bibig. See Kathleen? You're so nosy! "Sorry po," paumanhin niya agad. "Sus ayos lang, alam naman ng mga taga rito sa amin na hindi namin tunay na anak si Gabrielle." "Nasaan po mga magulang niya?" tanong niya ulit. Okay? She's intruding others privacy again. Ugh! "Buhay pa naman ang mga magulang niya. Naglayas kasi iyang batang iyan noong kinse anyos pa siya. Dati kasi akong kasambahay sa kanila. Nang malaman niyang titigil na ako sa trabaho, hayun, sumama sa akin. Mabuti na lang talaga at mabait mga magulang niya at pinayagan siyang sa akin muna mamalagi." Napatango-tango naman siya. See? She's so tsismosa! "Sorry po talaga. Baka po na offend ko po kayo." "Nako! Wala iyon. Oh siya, halika na sa loob," kayag nito sa kanya. Tumango lang din naman siya at sumunod na kay Aling Susana. NASA loob na sila ng bahay nang ituro ni Aling Susana ang magiging kuwarto niya. "Puwede bang anak na rin ang itawag ko sa iyo Kathleen? Gustong-gusto ko rin talaga magkaroon ng anak na babae kaso hindi pinalad e," anito at bakas sa mukha ang guhit ng lungkot. Agad siyang lumapit dito. Hinawakan niya ang kanang kamay nito at marahang pinisil. "Puwede po! Wala pong problema sa akin iyon," aniya. She feel so warm knowing that there's someone who wants her to be as their daughter. On the other side, bigla rin siyang nakaramdam ng disappointment sa kanyang Mommy Felicia. Wala kasi itong pakialam sa kanya at halos isang dekada na nga silang hindi nagkikita. Naiinis talaga siya sa tuwing na-iisip iyon. "Nanay na rin po itatawag ko sa inyo," nakangiti niyang sabi. Agad naman na nagliwanag ang mga mata ni Aling Susana. "Salamat 'nak." Matamis niya lang itong nginitian. She really feel comfortable with her. "Halika sa itaas. Na-akyat na ni Gabrielle ang mga gamit mo." "Sige po." Sumunod naman siya sa pag-akyat sa tatlong baitang ng hagdan. Agad niyang nakita ang kuwarto na tinutukoy ni Aling Susana. "May kutson na binili noong isang araw si Gabrielle kaya alam kong magiging kumportable ka diyan Kathleen. Bago rin iyang kumot at dalawang unan. Pagpasensiyahan mo na iyong bahay namin ha at hindi kagaya ng nakasanayan mo." Umiling-iling siya. "Ayos lang po talaga," aniya. "Oh siya, maiwan na muna kita at maghahanda lang ako ng pantanghalian natin." Tumango lamang siya at sinundan ng ito nang tingin hanggang sa makababa ito. She look at the area. May dalawang kuwarto lang at occupied niya na ang isang kuwarto. Marahil ang kabila ay kuwarto na ito ng mag-asawa. She sighs. Well, honestly, she hates the idea of living in this kind of house pero dahil sa very heartwarming ang pagtanggap at pag-asikaso sa kanya ni Aling Susana ay hindi na siya magrereklamo pa. Well, she thinks na mas mabuti na rin siguro ang ganitong set up. She will learn how to live in a simple life. Lumapit siya at binuksan ang kabinet. The cabinet looks like it's new. Binuksan niya ito at wala pa itong laman. Kinuha niya ang kanyang maleta at binuksan ito. She unpacked her belongings and organize it. Mabuti na lang at nakalagay lahat sa plastic ang mga gamit niya. Good thing! Hindi madaling madapuan ng alikabok. Pagkatapos niyang mag-ayos ay naagaw nang atensyon niya ang isa pang kabinet. Hinila niya ito pero ayaw mabuksan dahil sa naka-lock ito. Kumunot naman ang kanyang noo. Okay? It's not her belongings so she should stop being curious. Kumikit-balikat siya at lumabas ng kuwarto. Bumaba siya sa hagdan. Dinig na dinig niya ang ingay mula sa kusina pero hindi na siya nag-abala pang sumilip. Lumabas siya ng bahay. Napatingin siya sa paligid. She's really in the province. Sa presko ba naman ng hangin ay talagang gumagaan ang pakiramdam niya. Napalinga-linga siya hanggang sa makakita siya ng duyan sa 'di kalayuan. Nakakonekta ang bawat dulo ng lubid sa dalawang puno ng mangga. Agad siyang humakbang at umupo sa duyan. She swing herself slowly while playing her fingertips. Napabuga siya ng hangin. She thinks that her friends are now enjoying at the beach right now. Huminga siya nang malalim at nahiga sa duyan. She's looking at the bright sky. Biglang na blangko ang utak niya dahil sa ganda ng kalangitan. Sandaling nawala ang inis niya kay Gabrielle. The weather too was nice and she's hoping that her stay here will be worth it. She lay down her body in the cloth swing. She was facing the sky. Parang pakiramdam niya ay anytime bibigat na ang mga talukap niya sa mata. She almost forget. She didn't apply her skin care last night. Well, hindi naman siguro siya papangit agad kung isang gabi siyang nag-skip. She sighs again. Talagang skin care pa talaga ang naisip niya gayong may problema siyang malaki. Now she's wondering if how would her father fix this mess. Honestly, uwing-uwi na siya dahil gusto niyang tumulong para maresolba itong problemang kinahaharap nila pero at the same time, she's having a second thought. That man wants her to be his wife. What if that day comes? What will she do? Marahas siyang napabuga ng hangin at ipinikit na lamang ang kanyang mga mata. She badly needs a rest and a long sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD