Kabanata 6

1090 Words
Kabanata 6 NAPAUNGOL siya nang maramdaman niyang parang may humawi sa buhok niya. She opened her eyes. Gabrielle is sitting at the wooden chair, giving her an impassive look. Kumunot naman ang kanyang noo. "What?" tanong niya. "What did you asked to my parents?" seryosong tanong nito. "Nothing," maang niya sabay kibit-balikat. "Sa susunod, huwag kang nakikialam sa buhay ng iba." Tumayo na ito at iniwanan siya. Napantig ang tainga niya dahil sa sinabi nito. Agad siyang bumaba sa duyan at sumunod kay Gabrielle. "Hindi ako nakikialam sa buhay mo!" aniya habang nakabuntot dito. Bigla naman itong huminto dahilan para sumubsob ang mukha niya sa likuran nito. "s**t!" mahinang mura niya habang sapo ang kanyang ilong. "Then don't be too nosy," he says, giving her a warning tone. "At sino ka naman para pagbawalan ako, aber? Ito tatandaan mo! Bodyguard lang kita! Binabayaran ka ng ama ko kaya huwag ka ring nakikialam sa buhay ko!" galit niyang wika sabay walk out pero mabilis siyang nahila ni Gabrielle. Mahigpit siyang hinawakan nito sa kaliwang braso. "Nasa poder kita kaya may karapatan akong gawin kung anong gusto ko. Speaking of your father, of course I work for him but not for you. So don't push me to my limits. You'll regret it!" Binitawan siya nito at iniwan na siya. Nahimas niya ang kanyang braso. Bumakat kasi ang mga daliri nito sa kanyang balat. She clenches her jaw. "May araw ka rin sa akin," she swear. TANGHALIAN na nang tawagin siya ni Aling Susana. Kanina pa kasi siya nagkukulong sa kuwarto at ayaw niyang lumabas dahil kapag lumabas siya'y siguradong mabubuwesit lang siya kay Gabrielle. She slouch her back against the bed and cover herself with the duvet. Buti na lang at makapal ang kumot niya, marahil siguro'y malamig masiyado kapag gabi na. "Kathleen, hindi ka pa ba kakain?" tawag ni Aling Susana sa kanya habang kinakatok ang kanyang pinto. "Mamaya na po 'nay," sagot niya pabalik. Muli siyang nagtalukbong ng kumot. Honestly, mainit ang kuwarto niya pero buti na lang at may maliit na electric fan kaya hindi niya masiyadong ramdam ang init ng panahon. Bigla namang bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto. Napabalikwas siya nang bangon. Nakalimutan niya yatang i-lock ang pinto. Napasimangot siya nang makita si Gabrielle. Seryoso ang mukha nitong nakatitig sa kanya. Inirapan niya lang ito at bumalik sa paghiga sa kama. "Nag-iinarte ka na naman ba?" tanong nito. Naigting ang kanyang panga pero nanatili siyang walang imik. "Tumayo ka riyan kung ayaw mong kaladkarin kita palabas." Muli siyang napabangon at napatayo. It's not that she's afraid of him, but she's ashamed about being dragged outside. Ayaw niyang maging kahiya-hiya sa harap ng foster parents nito. "Damn you!" mura niya sabay tulak dito para makadaan siya. Bumaba siya at dumiretso sa kusina. "Ayos lang ba kung ito lang ulam natin anak?" tanong sa kanya ni Aling Susana. Napatingin naman siya sa mesa. Wala namang problema sa ulam. Kumakain naman siya ng ginataang monggo. "Wala ho," sagot niya at umupo. Umupo naman sa tapat niya si Gabrielle na katabi ni Mang Efren. Pinagsilbihan siya ni Aling Susana. "Ako na ho 'nay," aniya. "Sus, okay lang na ako na. Gusto ko rin talagang pagsilbihan ka," nakangiti nitong ani. Mukhang gustong-gusto nga talaga siya ng matanda. Umupo na sa tabi niya si Aling Susana nang bigla itong matigilan at napatingin sa kanyang kaliwang braso. "Aba'y napaano iyan anak? Bakit may pasa ka?" gulat na bulalas nito. "Po?" taka naman niyang tanong at napayuko rin para tingnan ang kanyang kaliwang braso. "Wala ho ito 'nay," sagot niya sabay baba ng kanyang manggas. "Sigurado ka ba? Teka, Gabrielle, ibili mo nga ng yelo ito mamaya ha," baling ni Aling Susana sa lalaki. Nang sulyapan niya si Gabrielle ay tahimik lang ito pero ayaw naman maalis ang mga mata nito sa kanya. She avoided his gaze. Mabilis niyang tinapos ang pagkain niya. Pagkatapos ay nagpaalam na siyang babalik ulit sa kanyang kuwarto. Pero laking gulat niya nang biglang sumunod si Gabrielle sa kanya. Pinigilan siya nito at akmang hahawakan ang kanyang braso pero agad siyang umiwas. "Huwag mo akong hahawakan," mariing sabi niya at tinalikuran na ito. Hindi rin naman ito nagpumilit at hinayaan na lamang siya. Lumabas ito ng kuwarto niya. Nang maiwan siyang mag-isa ay agad niyang inusisa sa harap ng salamin ang kanyang kanang braso. A little bruise appears on her left arm but she didn't mind it at all. Sandali siyang umupo sa kanyang kama saka na-isipang humiga. She wants to take a quick nap. Madali rin naman siyang nakatulog. Maybe she's tired overthinking. NAALIMPUNGATAN siya nang biglang may malamig na dumantay sa kanyang balikat. It was Gabrielle. May hawak itong face towel at sa ilalim niyon ay may maliit na yelo. Nilapatan nito ang braso niya kung saan may pasa. Bumangon siya at hinila ang kanyang kamay. "Ako na," aniya at akmang kukunin ang hawak nito pero mabilis itong inilag sa kanya. "Ako ang may gawa nito kaya ako rin ang gagamot," anito sabay hila ulit ng kanyang kamay. Napaismid na lamang siya at inirapan ito. "Hindi ako hihingi ng sorry kung iyan ang gusto mong marinig mula sa akin." Mas lalong sumimangot ang kanyang mukha. "I'm not expecting either," mapait niyang sagot saka muling nag-iwas nang tingin dito. Narinig naman niyang bumuntong-hininga ito. "Huwag ka na ulit magtatanong ng personal na bagay sa mga magulang ko. They got offended, hindi lang nagsasabi ang mga iyon pero iyon ang nararamdaman nila. I don't want them to be hurt, thinking that I am not their legitimate son. Naiinis ako sa tuwing may nagtatanong kung ampon ba nila ako o hindi. I don't want them to feel that they're lack of something. Do you get my point?" anito saka napatitig sa kanya. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Yes, aaminin niya, masiyado siyang naging tsismosa but hurting their feelings is not her intentions. "Sorry," mahinang wika niya na lamang. Binitawan na nito ang kanyang braso. "Kung may gusto kang itanong, sa akin mo na itanong. Huwag na sa kanila. Nagkakaintindihan ba tayo Kathleen?" Napalunok siya. His eyes were burning in anger. Wala sa sarili siyang napatango. Iniwan na siya nito at naiwan siyang nakatulala lang. At nang matauhan siya'y nasapo niya ang kanyang noo. Gabrielle is right. Kahit pa sabihing okay lang sa foster parents nito ay hindi pa rin maitatagong puwede niyang ma-offend ang mga ito. "Damn it Kath! You just only got here and you already strike one!" kastigo niya sa kanyang sarili at napahugot nang malalim na hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD