Maganda ang mood ko na pupunta ng Palawan. Alas-sais pa lang ay gumising na ako at iniwan si Manika sa kwarto niya na tulog na tulog. Ang nanay niya ay nakita ko naman sa kitchen at nagkakape. Inisip ko pa naman na ako pa lang ang gising kaya dahan-dahan ako sa paglabas ng kwarto ni Manika. Maging nang dumaan ako sa may sala ay mahina akong naglakad. "Ang aga mo naman gumising, Sir? Magkape ka muna bago ka umalis," alok ng matanda sa akin. Natigil tuloy ako sa paghakbang at napilitang humarap sa nanay ni Manika. "Hindi na po, Manang. Aalis na po ako dahil may meeting pa po ako sa Palawan na dadaluhan," wika ko. Nginitian ko siya ng tipid at saka balak ko na sanang ipagpatuloy ang naudlot kong paghakbang nang muli siyang magsalita. "Painitin mo lang saglit ang tiyan mo para naman hind