Prologo

1878 Words
"Senyorita, gising ka na ba? Pinapatawag ka ni Don Hernando sa baba." Naulinigan kong sigaw ng yaya ko ng umagang iyon. Alam ko na kanina pa siya kumakatok sa pintuan ng kwarto ko pero ngayon lang ako nagising. Nilingon ko ang oras sa alarm clock ko, alas-diyes pa lang naman ng umaga. Linggo ngayon at rest day ko ito. Ano na naman kaya ang sasabihin ni Daddy sa akin? Kukulitin na naman ba niya ako na pumayag na magpakasal kay Franco? Masyado siyang nagmamadali na parang may hinahabol siya na oras. I'm too young to get married. For heaven's sake, I am only twenty. Nag-eenjoy pa ako sa pagiging dalaga at sa trabaho ko. I have many dreams to pursue. Gusto ko na gumawa ako ng sarili kong pangalan sa business world na hindi ginagamit ang pangalan ni Daddy. "Yaya, pakisabi kay Daddy na susunod na ako. Maliligo lang ako saglit, mag-aayos, at saka ako baba para puntahan si Daddy," sabi ko nang pagbuksan ko ng pintuan ang yaya ko na kanina pa inip na naghihintay. "Pakibilisan mo lang sana Senyorita dahil ilang beses na akong pabalik-balik dito sa kwarto mo. Alam mo naman na matanda na ang yaya mo at hindi na kaya ng mga buto ko na bumaba at umakyat dito sa ikatlong palapag." Natawa ako sa sinabi niya. Bibiruin ko sana ngunit hindi ko na itinuloy dahil alam ko naman na totoo iyon. Fifty years old na siya, dito na siya tumandang dalaga sa mansion namin dahil sa pag-aalaga sa akin. Maaga kasi akong naulila sa ina. Namatay si Mommy noong six years old ako. Cancer sa baga ang ikinamatay niya kaya naman si Yaya Conchita na ang nag-aruga at nagpalaki sa akin. Parang ina kung ituring ko na rin siya dahil halos siya na ang kasama ko simula pagkabata. Si Daddy kasi ay masyadong busy sa pagpapayaman kaya ayon hindi kami masyadong close. Mag-uusap lang naman kami kapag may importante siya na sasabihin. Gaya nito, tinatawag niya ako dahil may importante na naman siya na sasabihin. "Opo yaya, sige po baba na kayo. Susunod na po ako. Huwag na po kayong umakyat ulit dito. Baba rin ako agad pakisabi po kay Daddy." "Oh siya, sige. Sasabihin ko sa Daddy mo na maliligo ka lang saglit. Diretso ka na sa library, doon ko dadalhin ang almusal mo dahil doon ka niya nais makausap." Ngumiti siya sa akin at saglit na hinaplos ang aking pisngi saka na tumalikod para umalis. Bumalik naman ako sa kwarto ko at kaagad na naghahanda para maligo. Mabilis lang ako na nag-ayos saka na bumaba para puntahan si Daddy. Kumatok ako bago pumasok saka pilit ngumiti nang makita ko na hindi lang siya ang nasa loob ng library. "Good morning, Dad," walang gana kong sabi. Humalik ako sa pisngi niya saka bumaling sa kanyang bisita, "Good morning, Franco." ngumiti ako ng matamis sa kanya kahit labag iyon sa kalooban ko. "Good morning too," panabay naman nilang sagot. Naupo ako sa bakanteng upuan na nasa harapan nilang dalawa. Kinuha ko ang napkin at nilagay ito sa aking kandungan. Inabot ko ang tasa ng umuusok na tsokolate saka tumusok ng ham at hotdog saka inilagay ito sa aking pinggan. Magsisimula na sana akong kumain nang magsalita si Daddy. "Ahm, ano anak--" Tumingin ako kay Daddy nang hindi niya itinuloy ang kanyang sasabihin. Tumaas ang isa kong kilay nang makita na tahimik silang nagsesenyasan ni Franco. Alam ko naman na kung ano iyon dahil naririto si Franco. Ano pa ba naman ang pag-uusapan namin? Kasal na naman na paulit-ulit ko na lang tinatanggihan. Pumayag na nga ako na ma-engage kay Franco kahit sa totoo lang ay ayaw ko naman talaga. Ayoko lang naman kasi na ma-disappoint si Daddy sa akin dahil marami na akong utos niya na sinaway ko. Una ang mamahala sa textile business namin, pangalawa ang pamahalaan ang napakalaki naming hacienda at pangatlo ang maupo bilang CEO. Hindi ko pinangarap na mamahala sa lahat ng iyan dahil hindi pa ako handa. Marami pa akong gusto na gawin sa buhay ko saka ko na hahawakan ito kapag nagsawa na ako at gusto na lang lumagay sa tahimik. Hindi pa ito ang panahon para roon dahil nag-e-enjoy pa lang ako. "Spill it, Dad," sabi ko nang wala akong mahintay na kasunod na sasabihin niya. Nagsimula akong kumain, nilingon ko ang dalawa na tahimik pa rin na nagsesenyasan. Magugutom ako kapag hinintay ko pa ang sasabihin ng dalawang ito. "Napag-usapan namin ni Franco na next month na kayo ikasal---" Nasamid ako sa sinabi ni Daddy kahit alam ko naman na iyon talaga ang magiging topic. "Are you okay, Babe?" tarantang tanong ni Franco sa akin. Tumayo siya at kaagad na hinaplos niya ang likod ko saka inabot ang isang baso ng tubig. "Drink this," aniya. Inabot ko naman iyon saka uminom. "I'm okay," sabi ko habang ngumingiwi sa haplos niya. Wala pang nakakahawak sa akin at nakakairita ang ginagawa niya. Gwapo siya, matangkad at matipuno ang katawan. Pero hindi ko siya type dahil alam ko kung gaano siya kapalikero. Sa dami ng naging girlfriend niya rito sa amin ay sino ang hindi makakaalam. Lahat pa naman ng naging ex-girlfriend niya ay masyado pa ring obsess dito. Hindi ilang beses na sinabihan ako ng mang-aagaw at ingrata. Hindi ko nga alam kung bakit sa dami ng lalaki rito sa amin ay siya pa talaga ang napusuan ni Daddy na ipakasal sa akin. Sabagay, mayaman ang pamilya nila at marami silang ari-arian abroad. Mabait naman si Franco at gentleman pero hindi ko talaga siya type. Gusto ko iyong malinis na lalaki, hindi katulad niya na kung sinu-sino na ang naikama. "Dad, my answer is still no. Napag-usapan na natin ito 'di ba?" Naramdaman ko ang pagtigil ni Franco sa paghaplos sa likod ko. Dumistansya ito sa akin at tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Don't say no again, iha. This time, you should obey me. Tumatanda na ako at gusto ko ng makita ka na lumagay na sa tahimik. Gusto ko ng magkaapo at manatili na lang dito sa bahay habang inaalagaan sila. Pagod na akong magtrabaho, magpatakbo ng mga negosyo natin at si Franco ang nakikita kong makakatuwang mo upang paunlarin pa ang mga negosyo natin." Napamaang ako sa sinabi ni Daddy at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala naman siya na binabanggit na ganito noon. Siya magpapahinga rito sa bahay? Mas gusto pa nga niya na manatili sa opisina nito at magtrabaho doon kahit Linggo. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya. Gusto lang niya akong makasal kay Franco para sa business merging ng mga kumpanya nila at kumpanya namin. Mas lalaki pa ang mga negosyo namin kapag kinasal ako kay Franco. Alam ko naman na pangarap ni Daddy na umabot hanggang America ang textile business namin at mag-export ng mga produkto galing sa aming hacienda. "No! Hindi ako magpapakasal sa kanya, Daddy! Ginagamit lang naman ninyo ako para sa sarili ninyong kapakanan! Gusto lang naman ninyong mag-merge ang mga negosyo ninyo ni Tito Ferdinand. Don't use me! I will not marry Franco! Kung gusto ninyo kayo ang magpakasal sa kanya!" Padabog na tumayo ako at balak sana silang iwan na dalawa doon ngunit marahas na hinila ako ni Franco. "Bitiwan mo nga ako!" asik ko sa kanya habang nanlilisik ang mga mata. Inalis ko ang kamay niya na na nakahawak sa akin at inis na hinaplos ito. Masakit iyon ha! Sinasabi ko na nga ba! Ganito ang mangyayari! Dapat hindi na lang ako bumaba at nagpanggap na natutulog pa. Ayokong saktan ang feelings ni Daddy pero masakit na naman ang ginagawa niya sa akin. He is forcing me to do what I don't want to do. Hindi ko ito gusto at hindi niya ako mapipilit na gawin ang ayaw ko. "Ano? Masaya ka ba na nakikitang nag-aaway kami ni Daddy dahil sa 'yo? Alam mo, kasalanan mo lahat ng ito?! Hindi kita gusto, Franco! Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa 'yo!" naiinis na sigaw ko kay Franco. Alam ko naman na siya ang nag-udyok kay Daddy na ikasal na kami sa lalong madaling panahon. Iba pa 'yong pangarap ni Daddy na maka-merge sila sa negosyo. Alam ko naman na masyado siyang patay na patay sa akin dahil hindi ko siya pinaunlakan na makalapit sa akin. Ilang beses ko siya na na-basted at hindi ko tipo ang tulad niya. "Stop that, Dolly Andrea!" galit na saway ni Daddy sa akin. "Pasensya ka na sa kanya Franco, hayaan mo kakausapin ko ulit siya mamaya." Napairap ako sa kawalan. Kahit ilang beses niya akong kausapin. Mananatili pa rin na hindi ang sagot ko. "It's okey, Tito Hernan. I understand her, makakapaghintay naman ako. Basta ipangako lang ninyo sa akin na sa akin magpapakasal si Dolly." "Ofcourse! Ikakasal kayo ni Dolly sa lalong madaling panahon." Napairap na naman ako sa kawalan. In his dreams! Talagang ipinangako ako ng magaling kong ama sa kanya! Kung pag-usapan nila ako parang wala ako sa paligid. "Hindi mangyayari 'yan, Daddy! I will not marry him!" Tinalikuran ko sila at tinahak ang pintuan ngunit bago ko pa mahawakan ang seradura ay kaagad na nahila na naman ako ni Franco. "Ano ba? Sinabi ko na sa iyo na huwag na huwag mo akong hahawakan!" "Low down your voice, Dolly. Mag-usap kayo ni Franco rito. Pag-usapan ninyo ng maigi ang tungkol sa kasal ninyo. You can't say no to this. This time you should obey me!" "No, Dad! Please, don't do this to me!" "No, ikakasal kayo sa lalong madaling panahon, sa ayaw mo man o gusto. Ako ang masusunod dito Dolly! Kapag ako sinuway mo, makikita mo ang kaya kong gawin. Huwag mong tangkain takasan ako dahil hindi ganoon kadali na makaalis ka rito sa poder ko." "D-Dad, don't do this to me. Hindi mo na ako binigyan ng karapatang tumanggi," umiyak ako. Masamang-masama ang loob ko sa kanya. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na mahalaga ako sa kanya. Kahit kailan hindi ko naramdaman na mahal niya ako. Binalewala niya ang sinabi ko. Iniwan niya kami ni Franco sa library. Patuloy lang akong umiiyak habang si Franco ay nakatingin lang sa akin. "Dapat kayo ang magsama ni Daddy! You know from the very start that I don't like you!" "I am accepting that, Dolly. Matutunan mo rin akong mahalin kapag nagsama na tayo." Naglakad siya palapit sa akin baon sa labi ang nakakainis na ngisi. Napaatras ako dahil hindi ko gusto ang naglalaro sa kanyang isipan. Pakiramdam ko may binabalak siya na masama sa akin. "Huwag kang lalapit, Franco!" "Why? Natatakot ka ba sa akin?!" tumawa siya ng nakakaloko at humakbang pa palapit sa akin. "Alam mo, gumawa na kaya tayo ng baby para matuwa naman ang Daddy mo sa 'yo? Hindi 'yong lagi mo na lang pinasasama ang loob niya. Alam ko naman na matutuwa 'yon kapag ganoon nga ang nangyari." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Huwag siyang magkakamali na pagtangkaan ako na gawan ng masama. "In your dreams! Hindi mangyayari 'yang gusto mo!" Tinalikuran ko siya at tinakbo ang patungong pintuan. Kaagad na pinihit ko ang seradura para mabuksan ang pintuan. Kaya lang masyado siyang mabilis dahil kaagad niya akong nahila at isinandal sa likod ng pintuan. At pagkatapos ay walang babala na hinalikan niya ako sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD