Chapter 33 -At Sabado na nga-

2869 Words

❀⊱Sandy's POV⊰❀ "Naku kayo talagang magkakaibigan, puro na lang kayo gala, pero mag-iingat kayo. Tawagan mo agad ako Sandy kapag dumating kayo ng Laguna." Wika ng aking ina. Labag man ss kalooban ko ang magsinungaling ay ginawa ko pa rin ito para sa aking kasintahan. Hindi madali para sa akin ang magsinungaling, ngunit dahil sa pagmamahal ko sa aking nobyo, nagagawa ko ang mga bagay na ito. "Opo nanay, tatawag agad ako sa inyo pagdating po namin duon." Sagot ko at yumakap pa ako sa aking mga magulang. Matapos ang ilang habilin ay nagpaalam na rin kami at tuluyan ng umalis. Paglabas namin ng eskinita ay nakita ko na agad si Jun na nakatayo sa kabilang kalsada. Nagmamadali itong tumawid at pumara agad ng jeepney. Naunang sumakay si Jun kasunod lamang kaming tatlo. "Sa kabilang kanto kami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD