Chapter 39 -At the bar-

2425 Words

◄Jun's POV► Pagpasok ko ay agad kong itinutok ang baril ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang na nangyayari dito sa loob at lahat ay parang nahihintatakutan. "Ano ang nangyayari di..." hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng makita ko si Lucio sa isang sulok ng bar na may hawak na baril at nakatutok ito sa kanyang sariling sintido. Hinanap agad ng paningin ko si Marcus at ng makita ko ito ay nagmamadali akong lumapit sa kanya dahil nakaluhod ang kaibigan ko sa harapan ni Lucio at nakikiusap ito na ibaba nito ang kanyang baril. Nakikita ko ang mga luha ni Marcus na nag-uumapaw ngayon mula sa kanyang mga mata, nagmamakaawa at nagsusumamo kay Lucio. "Please bro, nakikiusap ako sa'yo, nakikiusap ako na ibaba mo ang iyong baril. Pag-usapan natin ang problema mo, huwag mong gawin ito, pl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD