Amiel Harold's P. O. V. Habang naglalakad kami ni Nerry dito sa gilid ng pool, nakatitig lang ako kay Nerry na nauunang maglakad sa akin. Narito kami sa venue ng binyag ng pamangkin niya, isa itong resort. "Alam mo ba? Sinunog ko kagabi lahat ng pictures namin together, pati mga flowers na binigay niya sa akin," kwento ni Nerry at tumigil sa paglalakad. Napangiti ako. She's starting to move on, alam kong unti-unti na niyang tinatanggap ang lahat at masaya akong malaman 'yon. "That's good," ani ko. Naupo si Nerry sa gilid ng pool kaya tinabihan ko siya. "Pakiramdam ko, maginhawa na wala siya. Hindi na kami nagtatalo sa mga bagay, wala na akong kaaway. Mahirap kasi sa kaniya, he never listen when he thinks he's right," aniya at mahinang tumawa. "So, letting him go is a relief?" "I gu