Lihim na napa mura si Faith nang mag tama ang mga mata nila ni Zack, agad itong nag iwas ng tingin at piniling abalahin na lamang ang sarili sa pag pindot ng kung ano sa cellphone nito. “Mabuti naman at naka abot ka Faith, akala ko hindi ka na uuwi, saan ka ba nanggaling?” Naka ngiti at malambing ang tinig na tanong sa kanya ng ina dahilan upang malipat ang tingin niya rito. “M-may kinita lang ma...” “Ah iyong kaibigan mo ba?” Tanong pa nito, isang simpleng tango lamang naman ang isinagot ni Faith sa ina saka muling binalik ang tingin kay Zack, ngunit katulad kanina ay hindi pa rin ito tumingin man lang sa kanya. “Siya nga pala anak, ito nga pala ang tito David mo, siya ang mapapangasawa ko.” Bakas ang excitement sa tinig na sabi ng ina, halos umabot rin sa tenga ang ngiti nito, hin