“Sh!t naman, Zack. Bakit ba ayaw mong sumagot!” Inis na sabi ni Faith, halos kulang na lamang ay umusok na ang kanyang cellphone dahil sa kanina niya pang pag gamit niyon. Hindi niya na rin mabilang kung ilang beses niya na bang tinawagan at sinubukang padalhan ng text messages si Zack. Ngunit katulad ng mga nakaraang araw ay bigo pa rin siyang maka kuha ng sagot mula rito. “Please, sagutin mo na...” Pabulong na sabi ni Faith nang muling tawagan ang numero ng binata, ngunit natapos na’t lahat ang pag ring ay wala pa rin. Inis na napapadyak si Faith bago pabagsak na nahiga sa kanyang kama. Mag iisang lingo na mula noong dinner nila sa bahay, at mula rin noong sabihin ng kanilang mga magulang ang plano ng mga itong tumira silang lahat sa iisang bahay. Wala na siyang narinig na kahit