Nawala na sa bilang ni Faith kung ilang beses na siyang nag pabalik-balik sa living room ng kanyang bahay, kung ilang beses na rin siyang nag walis, nag ligpit at nag linis ng mga kalat na naroon na mukhang ‘unlimited’ yata dahil sa peste niyang bisita na hindi niya naman inimbita.
Sinamaan ng tingin ni Faith ang lalaking prenteng naka upo sa kulay puti niyang sofa, naka taas pa ang mga paa nito habang kumakain ng kung anong tsitsiriya.
At kung nakamamatay laman ang masamang tingin, malamang sa hindi ay malamig na bangkay na ito ngayon.
“Hoy, ang sama mo namang tumingin, para kumakain lang ako dito, huwag ka mag alala, mag aambag ako para sa grocery natin next week.”
Saway sa kanya ni Zack dahilan para lalo pang sumama ang mukha ni Faith.
“Oh eh sana mag ambag ka rin sa pag lilinis di’ba?
Wala kang katulong dito ah? Tsaka anong grocery natin next week, hindi naman sa pinapalayas na kita rito, pero talagang pinapalayas na kita, FYI, halos tatlong araw ka na rito at hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nililinaw sa akin kung anong sadya mo.”
Mahaba niyang litanya saka muling sinamaan ng tingin ang hudas niyang ex-boyfriend na mukhang wala pa rin talagang balak na umalis.
“Ang sama naman ng ugali mo, you know I was born in a wealthy family, I never cleaned my own mess, you were used to cleaning so you do it.
Isa pa, just let me stay here with you for a while, mag babayad nalang ako ng renta.”
Balewalan sagot ni Zack na nakuha pang muling sumubo ng tsitsirya.
Nasabunutan na lamang naman ni Faith ang sarili dahil sa matinding inis.
Aba nga naman at ginawa pa siyang katulong nito sa sarili niyang pamamahay.
Kung hindi ba naman masyadong makapal ang mukha nito.
“And I did told you what I wanted from you the very first time I showed up here, ikaw lang ang ayaw akong bigyan ng matinong sagot.”
Dagdag pa ni Zack.
“Here, you want some chips?”
Sabi nito saka naka ngiting inabot sa kanya ang hawak nitong malaking supot ng tsitsiriya.
“I don’t want your freakin’ chips, Zack.
I want you to get the hell out of my house, hindi ako komportableng nandito ka.
Isa pa, ikaw na rin ang nag sabi, you are wealthy.
I suggest you get your lazy ass moving and find yourself a place to stay, a hotel or whatever.”
Frustrated niyang sabi saka pasalampak ding naupo sa tabi nito bago inagaw ang supot ng tsitsiryang kanina lamang at tinanggihan niya.
“Oh kita mo na? Masama talaga ang ugali mo, nang papalayas ka na nga ng bisita, nang aagaw pa ng pagkain.”
Tila isang batang sabi ni Zack, inirapan naman ito ni Faith.
“Nag offer ka kaya!”
“Yes I did, but you said no the first time!”
Pag mamaktol nito, dahil sa inis ay sinunod-sunod ni Faith ang pag subo hangangang sa wala nang natira, nakuha niya pang itaktak iyon sa bibig niya upang simutin.
If her manager ever find out how she dig in a packet of a huge malbuffe (junkfood) and devoured each and every cholesterol in it, she’d be dead meat.
Alam niyang bilang isang sikat na modelo ay dapat niyang pangalagaan ang kanyang katawan, if she did not and tolerate her sick eating habit, it would be the end of her career.
“You finished all my chips!”
Tila maiiyak nang sabi ni Zack na itinuro pa ang walang lamang supot.
“Oh yes, here, you can have the plastic.
Happy eating!”
Pilosopo niyang sabi saka inabot kay Zack ang wala nang lamang tsitsiriya nito.
“You are so mean! Sana tinirhan mo ako kahit kaunti lang, don’t you know that this chip was my favorite?
Now it’s all gone, it is past ten in the evening, ayaw ko nang lumabas.”
Naka ngusong sabi ni Zack, marahas pang napabuntong hininga si Faith saka ito muling sinamaan ng tingin.
“Will you please stop acting like a child?
Ang sarap mong dalhin sa ampunan. And seriously Zack, get the hell out of my house!”
Inis niyang sabi.
“Ayoko nga, I don’t want to stay in a hotel room, it bore me being alone, ikaw lang ang kakilala ko rito sa Paris so quit being mean.
Parang wala naman tayong pinagsamahan, FYI kahit iniwan mo ako sa ere three years ago, no single day had past that I didn’t miss you.”
Mabilis ang pagsasalitang sabi nito, natigilan naman si Faith dahil doon.
Sandaling katahimikan, sinalubong ni Faith ang mga titig ni Zack sabay natutop ang sariling bibig.
“Oh my God, what happened to you?”
Hindi makapaniwalang tanong niya, nangunot naman ang noo ni Zack dahil sa pag tataka.
“Hindi ikaw si Zack, and kilala kong Zack ay hambog, walang modo at walang sense of humor.”
Sabi niya saka napa singhap.
“Sinapian ka ba ng mabuting ispirito?”
“Ang sama naman ng tingin mo sa akin, hindi ba pwedeng bumait lang? Tsaka hindi naman ako hambog ah?
Sadyang gwapo lang ako at mayaman, kung susumahin ay nasa akin na ang lahat, ikaw lang ang may gana talagang mang iwan.”
Sabi nito saka kunwaring sinamaan rin siya ng tingin bago tila isang inspector na kinilatis siya mula ulo hangang paa, muling umakyat ang tingin nito hanggang natigil sa puno ng kanyang dibdib.
Mabilis ang kamay na kusa iyong umangat at mabilis na tinampal sa noo si Zack.
“Hindi lang masama ang ugali mo, MANYAK ka rin.”
Inis niyang sabi, napakamot naman ito sa batok saka ngumisi ng may kapilyohan.
“Sorry na, lalaki lang, ang laki kasi at mukhang malambot, parang ang sarap himasin at paglaruan, halikan din…”
Pilyong sabi nito, napatanga na lamang naman si Faith dahil sa kamanyakan ni Zack, namalayan niya na lamang ay dahan-dahan na nitong dinudotdot ang puno ng kanyang dibdib, mabilis pa sa alas kwatrong kinarate ni Faith ang kamay nito.
Sa lakas ay namilipit si Zack sa sakit, nakuha pa nitong bumagsak sa sahig at mag pagulong-gulong
roon.
Hindi sana iyon papansinin ni Faith kaya lamang ay mukhang hindi naman nag iinarte lamang ang hudas.
Agad siyang lumuhod sa tabi nito saka tinulungan.
“Hala sorry napalakas, ikaw kasi napaka manyak mo eh, mano ba namang mag behave ka, tsaka parang hindi na kita kilala, you weren’t like this, hindi ka makulit at pilyo Zack, hindi talaga.”
Mahaba niya pang litanya saka inalalayan ito, minasahe niya pa ang kamay nitong kinarate niya kanina.
“Aray, ang sakit talaga I think I’m dying…”
Hysterical na sabi nito, inirapan naman ito ni Faith.
“You know what will make me feel better?”
Sabi nito saka siya tinitigan, mayamaya pa ay muli nanamang bumaba ang tingin sa s**o niya.
“Bastos!”
Inis na sabi ni Faith saka binatulan ito ng ubod ng lakas bago tinalikuran.
“Hey Faith, you know you just gone physical with the future owner of limelight entertainment, right? Your boss?”
Sabi nito dahilan para siya matigilan.
”Well, for you not to suffer the consequences of what you did, you will have to let me stay here with you for a little while, whether you like it or not.”