Chapter 4

1354 Words
“Bihis na bihis ka yata ngayon? May lakad ka ba?” Halos mag dikit na ang makakapal na kilay na tanong ni Zack kay Faith, tila istriktong tatay na nakuha pa nitong sulyapan ang suot na relo, inirapan naman nito ni Faith saka tinalikuran upang kunin ang susi ng kanyang sasakyan. “Huy saan ka nga pupunta?” “Ay ano bang pakealam mo? Matulog ka na lang Zack pwede ba?” Inis niyang sabi, napanguso naman ang binata. “Palagi kang galit, nag tatanong lang naman ako ah?” “Eh paano’y ang tagal mong lumayas sa bahay ko. Paulit-ulit ko naman nang sinasabi sa iyo na hindi ako kumportableng narito ka, isa pa. Ang laki mo nang abala. Hindi ko makuhang gawin ang gusto ko at mag imbita ng ibang bisita dahil narito ka, tuloy kailangan ko pang lumabas.” Bakas ang inis sa tinig na sabi ni Faith. “You are meeting someone? Mag a-alas nueve na ng gabi ah?” Sabi nito na halatang binalewala lamang ang mahaba niyang sermon, napabuntong hininga na lamang naman si Faith saka ito muling inirapan. “As your housemate, I forbid you to go anywhere, change your clothes back to PJ’s and go to bed.” Naka simangot na utos nito dahilan upang siya’y mapatanga. Mayamaya pa ay sinamaan niya ng tingin ang perwisyong si Zack Matthew De Guzman. “First, I am well aware about the time, second, you just have no right to stop me from doing what I want, and last, you are so not my housemate.” Inis niyang sabi. “Well can you at least tell me where you’re headed?” Pilit pa ni Zack, muli pang napa buntong hininga si Faith saka lakas loob na sinalubong ang tingin nito. “I am seriously asking here, not because I am a terrible gossip o pakealamero or whatever you want to call it, I am asking because I just want to know, plus the fact that I am worried dahil lalabas ka ng ganitong oras. I am sure you are aware how dangerous it is outside during this time of the night lalo pa at babae ka.” Sandaling natigilan si Faith matapos marinig ang sinabing iyon ni Zack, hindi niya rin malaman kung talaga ngang totoo ang mga pinagsasabi nito o sadyang balak lang nanaman siya nitong inisin. Well except that Faith could not deny the sound of pure concern in his voice, and the fact that she wanted to dismiss that. “Well?” Pukaw nito sa kanyang katahimikan. “Fine, I am going out on a date.” Tipid niyang sagot, nakita niya ang agad na pag sama ng mukha ni Zack na siya namang nag palito sa kanya. “Upon hearing your answer, parang ayaw ko na talagang pa alisin ka. Mag bihis ka na, or you can go meet your date, that is if you will take me with you.” Seryosong sabi nito, muli pang napa tanga si Faith saka inis na tumawa. “Have you completely gone mad? Sasama ka sa date ko? What does that make you? My body guard? Pwede ba, hindi naman ito ang unang pagkakataong lumabas ako ng gabi, and FYI I have been living here alone for three years now.” “Nag offer lang akong bantayan ka at samahan ang dami mo nang sinabi.” Pilosopong sabi ni Zack, halos masabunutan naman ni Faith ang sarili dahil sa inis. “Oh for the love of God, I don’t have time for this, ma li-late na ako.” “No you won’t be late because you are not going anywhere.” Pilit pa ni Zack, muli pang natahimik si Faith mayamya pa ay lihim na napangiti. “Well fine, hindi na ako lalabas, sa totoo lang naman eh tinatamad rin akong lumabas ngayon.” Naka ngising sabi niya bago pasimpleng dinukot sa kanyang bag ang cell phone. Sa totoo lamang ay hindi niya makuhang itanggi na hindi niya ma intindihan si Zack, hindi niya malaman kung ano nga ba ang gusto nitong mangyari o kung ano nga ba talaga ang sadya nito sa kanya, wala rin naman siyang lakas ng loob na mag tanong. Isa pa ay pakiramdam niya, kapag siya ang naunang mag tanong kay Zack ay mauuwi lamang sa hindi pagkakaunawaan ang lahat, siya ang nang iwan, siya ang may nagawang kasalanan rito noon, at hindi rin naman siya ganoon ka manhid upang hindi makitang may kinalaman sa nangyari sa kanila ni Zack three years ago ang dahilan kaya bigla na lamang itong nag pakita ngayon. Hindi niya rin itatangging iniisip niyang nandito si Zack sa Paris para sa kanya, makipag balikan at bawiin ang tatlong taong nawala sa kanila. She could be assuming that it was indeed his reasons, at alam niyang sa huli ay baka siya rin lang ang mapahiya kung iyon pa rin ang ipipilit niyang paniwalaan. ‘Sino ka nga ba naman para habulin ng isang Zack Matthew De Guzman?’ Tahimik na tanong ni Faith sa sarili saka marahas na napabuntong hininga. “Hindi ka na aalis talaga?” Bakas ang tuwang tanong sa kanya ni Zack, napangiwi naman si Faith dahil sa reaksyon nito. “Hindi na, I will just invite him to come over instead, kaya ikaw, I suggest manatili ka muna sa guest room, don’t come out until I tell you to.” May katarayan niyang sabi, hindi niya na rin hinintay pa ang sasabihin ni Zack at tuluyan na itong iniwan upang bumalik sa kanyang silid at tawagan ang kanyang ka-date. “Huy Faith!” Hindi niya na nagawa pang isara ng tuluyan ang pinto ng kanyang silid nang itulak iyon ni Zack pabukas, kasabay niyon ay ang malakas niyang aray nang tumama ang kanyang noo sa matigas na pinto, sinabayan pa iyon ng kirot sa pang upo nang tuloy siyang bumagsak sa sahig. “Oh s**t, I am so sorry… are you okay?” Puno ng pag aalalang tanong sa kanya ni Zack saka dali-dali inilahad ang palad sa kanya, hindi naman iyon pinansin ni Faith, sa halip ay sinamaan niya pa ng tingin ang pwerwisyong lalaki. “Eh sorry na, hindi ko naman alam na nariyan ka pal-“ “Malamang nandito ako, may mag sasara ba sana ng pinto kung walang tao? Aray ko…” Inis niyang sabi saka marahang hinimas ang noong mukhang nabukulan pa yata. “Masakit ba?” Pigil tawang nakuha pang itanong ni Zack, dahil doon ay lalo niya lamang itong sinamaan ng tingin. “Quit looking at me like that, mahihilo ka niyan sige ka.” “Eh pano’y nakuha mo pa ang tumawa, ikaw na nga itong may kasalanan ikaw pa ang may ganang pag tawanan ako.” Tila maiiyak na sa inis na sumbat ni Faith kay Zack, mukhang natauhan naman ito dahil biglang naging seryoso ang eksresyon ng mukha. Nanatili ring tahimik si Zack saka lumuhod sa harap niya, bago walang sabing kinuha ang kanyang mga braso at kinawit sa leeg nito. The next thing she knew, buhat-buhat na siya nito. Sunod-sunod ang naging pag lunok ni Faith nang tahimik siya nitong ihiga sa kama, pilit rin siyang nag iwas ng tingin nang mag tama ang kanilang mga mata. Her heart skipped a beat, she almost felt as if she was suffocating and she knew exactly why… Zack Matthew De Guzman… “I really am sorry, I didn’t mean to hurt you, I know you are already mad at me because I came here uninvited, I already overstayed too, but would you maybe accept the reason that I just missed you, and that is why I am here?” Seryosong sabi ni Zack habang pilit na hinuhuli ang kanyang mga mata. Lalo pang lumakas ang pag t***k ng kanyang puso dahil sa mga pinag sasabi nito. “And I don’t want you to see someone else Faith, so instead of you going out or inviting another man in your house, will you just stay here with me? Kaya ko rin namang ibigay sa iyo ang date na gusto mo eh, ako rin naman ang narito…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD