“Faith tama na, naiintindihan ko ayaw mo akong ipakasal kay David pero hindi mo kailangang gumawa ng kwento, pwede ba?”
Galit at halos pasigaw nang sabi ng kanyang ina, marahas na napabuntong hininga si Faith at halos kulang na lamang ay sabunutan na ang sarili.
“Hindi ako gumagawa ng kwento ma, I am not against the idea of you getting married again, ayos lang saakin iyon, pero ma pakingan mo ako, sa lahat naman kasi ng papakasalan niyo bakit si David De Guzman pa?”
“Aba’t bakit hindi, sige nga? Pareho kaming walang asawa Faith, parehong may malalaki nang anak, sa lahat ng anak ikaw lang itong tutol an tutol samantalang ayos lamang naman kay Zack-“
“Zack is my ex ma, ex-boyfriend ko ang anak ng papakasalan mo, we are sleeping together, I am having a s****l relationship with David De Guzman’s child ma, ang pangit naman tingnan kung may nangyayari sa amin tapos bigla bigla niyong pakakasalan ang tatay niya, what will that make us? Brothers?”
Halos pasigaw na rin niyang sabi.
Hindi malaman ni Faith kung ilang beses niya nang sinubukang kumbinsihin ang ina na huwag magpakasal kay David ngunit bingi ito, kung ano-ano na rin ang ginawa at sinabi niya ngunit wala pa ring epekto.
Sinabi niya na rin lahat maging ang mga bagay na hindi niya na dapat pang sabihin sa ina ngunit nanatili pa rin itong tahimik.
Si Zack De Guzman ay panganay na anak ni David De Guzman, ang lalaking balak pakasalan ng kanyang ina, habang patagal ng patagal, pakiramdam niya ay nawawalan siya ng oras, sinubukan niyang pakiusapan si Zack ngunit maging ito ay iniiwasan rin siyang kausapin.
“Tama na ang usapang ito Faith, umayos ka na at parating na sila.”
Saway sa kanya ng ina.
“Hindi ka nga pwedeng magpakasal kay David ma.
Pakingan mo naman ako oh, Zack an-“
“Dios mio Faith naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?
Paano kayong magkakaroon ng relasyon ng anak ni David gayong kakarating mo lamang mula sa Paris?
Hindi mo kailangang mag sinungaling saakin para lamang huwag matuloy ang kasalan, anak.”
Pilit pa ng ina, kung kanina ay gusto niyang sabunutan ang sarili ngayon naman ay gusto niya na lamang i-untog iyon sa pader dahil sa pangungunsumi sa sariling ina.
Aba’t kung simpleng ex niya nga lamang si Zack ay walang problema, kaya lamang ay nag ‘aanuhan’ sila ng lalaking iyon, maiisip niya pa lamang na magiging magkapatid sila, hindi man tunay ay hindi pa rin naman niyon maikakailang magiging magkapatid nga sila sa mata ng lahat oras na maikasal ang kanyang ina sa tatay nito.
“Zack and I are having s*x ma.
We have this s****l relationship that cannot be stopped, I know you are not supposed to hear this, but I am f*****g Zack Matthew De Guzman, na magiging anak mo na rin at magiging kapatid ko na. This is absurd ma, and I am sorry to say but I am not letting this marriage to happen.”
Pigil ang galit na sabi ni Faith saka mag ma-martsa na sana palabas ng bahay na iyon nang matigilan rin matapos matanaw ang papasok nang sina David De Guzman kasama ang dalawa nitong anak.
Sa mga bagong dating ay nasa isang tao lamang ang kanyang atensyon.
“Zack…”
Tawag niya sa lalaki na halatang katulad niya ay hindi rin natutuwa sa mga nangyayari.
Ngunit katulad ng ilang araw na nitong ginagawa ay nanatili pa rin itong tahimik at piniling huwag siyang pansinin, ni hindi man lang nga siya nito nagawang tapunan ng tingin dahilan upang lalo lamang mag wala ang kanyang puso.
Kung ano man ang problema sa kanya ni Zack, iyon ang hindi niya alam.
Bigla na lamang kasi itong naging COLD matapos nilang malaman ang balak na pagpapakasal ng kanilang mga magulang, kung siya ay todo pilit at pagod sa pag subok na pigilan ang kasalan si Zack naman ay tila walang pakealam.
Wala man lang nga itong naging komento tungkol doon, o baka hindi niya lamang alam dahil nga hindi siya kinakausap.
“Zack, let’s talk.”
Halos pabulong niyang pakiusap nang dumaan ito sa harap niya.
Pasimple niya ring hinawakan ang tela ng suot nitong kulay puting long sleeved shirt saka marahan iyong hinila dahilan para mapahinto ito at mapilitang tignan siya.
“We need to talk, please…”
Pabulong niya pang pakiusap saka pilit na sinalubong ang masamang tingin nito sa kanya.
Narinig niya pa ang marahan nitong pag buntong hininga saka siya hinila palayo sa lahat.
Tila wala namang nakapansin sa kanila.
Dinala siya ni Zack sa likod ng bahay, mayroong pinto roon papasok sa kanyang silid at sigurado siyang hindi sila mapapansin kung doon sila dumaan.
Mabilis niyang hinila si Zack sa loob saka pilit na dinala sa kanyang kwarto kung saan makakapag usap sila ng maayos.
Ngunit mali siya…
Hindi niya pa man naisasara ang pinto ay agad na siyang hinila ni Zack saka pabagsak na isinandal sa pader.
Hindi niya na rin nakuha pang mag reklamo nang walang sabi siya nitong halikan sabay hinila ang suot niyang blouse, sa lakas niyon ay nagsi talsikan ang mga botones niyon.
Faith was out of breath, that kiss he’s giving to her was full of hatred, it was too rough, too harsh that she could almost taste the metallic pinch of her own blood after he bit her lip hard, later she felt his hands around her breasts, like his kisses his hands were roughly kneading them too.
Buong lakas niyang itinulak si Zack dahilan upang matumba ito diretso sa kanyang kama.
“I did not bring you here for s*x Zack. We need to talk, you need to talk to me, hangang kailan mo ba babalewalain ang lahat ng ito?”
“The what?”
Zack snapped at her.
“This stupid marriage that both our stupid parents are planning to do?
Talaga bang gusto mo ring pigilan ito or you are just like your mother who found a huge opportunity to be wealthy and will be using my father too?
You and your mother are nothing but social climbers, you both found a way para maka alis sa basura niyong buhay at gagamitin niyo ang pera ng tatay ko, you and your mother are nothing but wh*r-“
Hindi na naka tiis si Faith at tila may sariling isip ang mga kamay na kusang lumipad sa mukha ni Zack, kita niya kung paanong nag tagis ang bagang nito, isa pang masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya bago siya tuluyang iwan.