CHAPTER 2: Courting

2037 Words
Jacob Luis Peterson Gabi na ng makauwi kami sa mansion ko at kasama ko pa rin si Dale. "Brod, seryoso ka ba sa sinabi mo kanina kay nurse April?" tanong sa'kin ni Dale habang umaakyat kami ng hagdan. "Yes," sagot ko at saktong nakarating na kami sa taas, kaya pumasok na rin agad kami sa kwarto ko. "Pero parang hindi naman siya intersado sa'yo," saad pa ni Dale sabay upo sa sofa na nasa loob ng kwarto ko. "Para saan pa't naging si Jacob Luis Peterson ako. Kung hindi ko man lang makukuha ang babaeng gusto ko, trust me mapapasa'kin si April," nakangiting tugon ko sa kanya. I've been flirting with random girls I had s*x with other girls too. But I never had been in a serious relationship. Pero nang makita ko si April I know she's different. Hindi siya yung babaeng pangkama lang at panandalian lang. I want her for me and I will do everything for her and This time l'll be a man. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin sa'kin si Dale. Kailangan niya na kasing buksan ang bar niya, kaya pag-alis niya ay agad na rin akong nagpahinga. Kinabukasan hindi pa muna ako pumasok ng hospital dahil masakit pa ang braso ko at mahirap pang gumalaw. Ngunit hindi pwedeng hindi ko ligawan mamaya si April, kaya ipapahinga ko lang saglit ang braso ko para maging okay na rin ito mamaya. Nasa kwarto lang ako at nanunuod ng basketball game sa aking flat screen TV. Pero kahit na basketball ang pinapanuod ko kay ay na iimagine ko pa rin ang pagmumukha ni nurse April. Para na akong baliw dahil pangiti-ngiti pa ako habang iniimagine ko ang mukha niya. Hindi na tuloy ako maka focus sa pinapanuod ko. So I just off my TV and I pick up my phone from my bed. Tatawagan ko ang secretary kong si Lia. Itatanong ko sa kanya ang buong pangalan ni April pati ang schedule nito. [Hello Sir? Good afternoon po] [Hello Lia, Can you please send me via email ang buong Pangalan ng nurse na nag ngangalang April, pati schedule niya] [Copy Sir] I dropped the call after my secretary's response. Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging epekto sa'kin ng nurse na yun. She's different from everyone else. Kaya gagawin ko talaga ang lahat mapasa'kin lang siya. Maya-maya pa ay tumunog na ang cellphone ko at na email na sa'kin ni Lia ang buong pangalan ni April pati schedule nito. Agad kong kinuha ang laptop ko para do'n buksan ang email sa'kin ni Lia. Email Name: April Lacsamana Weekdays: 8:00am-5:00pm Sunday: 11:00am-8:00pm Saturday: Rest day After I looked for April's information and her schedule. I turned off my laptop, then I check the time through my wrist watch and it's four afternoon, pa lang. Kaya mag papahinga na muna ako para mamaya may lakas akong manligaw kay nurse April. I'll just take a nap first. At ng magising ulit ako ay 4:20 na nang hapon. Kaya nagmadali na akong maligo at nagbihis. Pagkatapos ay agad na akong umalis. Dadaan muna ako sa Happy flower Shop para mabilhan ko ng bulaklak ang binibini ko. When I arrived at the flower shop i ask for the best boquet and the florist gave me a boquet of red tulips. She said it symbolize true love so I bought it for my nurse April. Bumili na rin ako ng white teddy bear may shop din kasi ng mga bears sa katabi ng flower shop. I bought the white one because it symbolizes purity. Pagkatapos kong bilhin ang ibibigay ko kay Nurse April ay agad na akong umalis. Ayokong ma traffic sa daan at higit sa lahat ayokong mahuli. Lalo na't magpapa impress pa lang ako kay Nurse April. After a few minutes, ay nakarating na ako sa hospital at saktong nasa labas na nang emergency room nakatayo si Nurse April. Kaya nilapitan ko siya, at ng nasa tapat na ako ng kinatatayuan niya ay bumusina ako sabay bukas ng window sa passenger side. "Uuwi ka na ba Nurse April?" nakangiting tanong ko. But she just rolled her eyes. "Hatid na kita nurse April, para safe kang makauwi," dagdag ko. "Salamat na lang po, Sir JL, pero huwag na po. Isa pa safe naman po akong nakakauwi sa'min e," tugon niya. How can I give the flowers and the bear, kung ayaw niyang sumakay sa kotse ko? Ganito pala kapakipot ang mga babae pag liligawan na? s**t! "Nurse April I like you, that's why I'm here," At parang hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko. She's blushing right now and it melted my heart so much. "Ah, si-sige po Sir JL, alis na po ako." Agad na siyang naglakad palabas ng hospital. Kaya agad kong kinuha ang bulaklak at teddy bear sa passenger seat at agad akong lumabas sa kotse ko. "Guard, park my car properly," utos ko sa guard paglabas ko sa kotse ko. At agad kong hinabol si Nurse April sa labasan. "Nurse April!" sigaw ko sa kanya. Nakatayo pa kasi siya sa parahan ng jeep. Pero ng makita niya ako ay muli siyang naglakad at mas binilisan niya pa. s**t! Hinabol ko agad siya at malalaking hakbang ang ginawa ko para maabotan ko siya. "Nurse April wait!" I shouted. At agad naman siyang huminto sa paglalakad at nilingon niya ako at agad ko siyang nilapitan. "Sir JL, hindi po ba sinabi ko na sa inyo kahapon na wala akong panahon para magka lovelife?" inis niyang saad. "But I like you, I-i really do Nurse April. So please let me court you," saad ko. "Here these are for you." Agad kong inabot sa kanya ang flowers and bear na hawak ko. "Hindi po ako nagpapaligaw at hinding-hindi ako magpapaligaw." Pagkatapos ay tinalikuran niya na ako at naglakad na ulit siya. Ni hindi man lang niya tinanggap ang flowers and bear nabigay ko. Muli ko siyang hinabol at naabotan ko naman siya. "Nurse April, please give me a chance, promise hindi kita lolokohin," saad ko. Oo wala pa akong naging seryosong relasyon, pero kung sakali mang maging kami ni Nurse April. I can assure her that I won't broke her heart. "Sabihin niyo na lang po 'yan sa ibang babae para hindi masayang, tsaka pwede po bang huwag niyo akong sundan? Dahil wala rin naman kayong mapapala sa'kin," inis niyang tugon at muli na siyang naglakad. Hindi ko na nga siya sinundan pa dahil ayaw kong mas magalit pa siya sa'kin or worst baka umiyak pa siya. Kaya isang buntong hininga na lamang ang pinakawalan ko. Dahil bigo ako sa unang araw ko sa panliligaw kay Nurse April. But this is not the last time. As I said gagawin ko ang lahat maging akin lang si April at kung sino man ang hahadlang sa'kin ay ipapatumba ko agad. Bagsak ang balikat ko, habang naglalakad pabalik sa hospital. Pinagpawisan pa ako ng sobra. Ito ang unang pagkakataon kong pinagpapawisan dahil sa kakahabol sa isang babae. Pinagpapawisan lang kasi ako 'pag nakikipagsex sa ibang babae. Kakaiba ang hatid ng pawis na dumadaloy sa buong katawan ko. Dahil punong-puno ito ng pagkagusto at pagpupursigi sa isang babae. *** April Lacsamana Pagpatak ng alas sinco ng hapon ay agad na akong lumabas sa emergency room, para makauwi na off duty ko na kasi. Samantalang sina Ellice at Hero ay mamayang alas siete pa sila ng gabi. Pagkalabas ko ng emergency room ay hinintay ko agad si Erik. Siya ang childhood best friend ko, kaya nakatayo lang ako rito sa labas ng emergency room, habang hinihintay siya. Gusto kasi niyang makipagkita sa'kin at hindi ko alam kung bakit. Maya-maya pa ay may himuntong itim na auto sa harapan ko at bumusina pa ito sabay bukas ng bintana. Nang tignan ko ay si Sir JL, at nainis ako bigla. "Uuwi ka na ba Nurse April?" nakangiting tanong niya sa'kin pero inirapan ko lang siya. Wala ako sa mood para kausapin siya. "Hatid na kita nurse April, para safe kang makauwi," dagdag pa niya na touch naman ako sa sinabi niya pero nangingibabaw pa rin talaga ang inis ko sa kanya. I smiled at him bitterly. "Salamat na lang po, Sir JL, pero huwag na po. Isa pa safe naman po akong nakakauwi sa'min e," sagot ko. Hindi naman ako shunga para hindi umuwing hindi safe sa'min. "Nurse April, I like you, that's why I'm here," Hala siya! Hindi ko inaasahan ang mga katagang 'yon galing kay Sir JL, agad akong pinamulahan sa sinabi niya. Siya pa lang ang kaisa-isang lalaking nagtapat sa'kin ng walang paligoy-ligoy. He's different from my other suitors before. "Ah, si-sige po Sir JL, alis na po ako." At bago pa ako bumigay kay Sir JL, ay agad na akong naglakad palabas ng hospital. At binilisan ko ang paglalakad ko pero ng nasa labas na ako ng hospital ay narinig kong tinawag ulit ako ni Sir JL. "Nurse April!" Pero hindi ko na siya pinansin ni lingon ay hindi ko na ginawa. Hindi ko siya dapat intindihin. Hindi siya makakatulong sa'kin wala akong mapapala pag inuna ko ang pagkakaroon ng lovelife. Mas kailangan ko ng pera, at higit sa lahat mas kailangan ako ng aking Ina. Pero muli na namang sumigaw si Sir JL. "Nurse April wait!" Mariin akong napapikit. I need to face him, kailangan ko siyang prangkahin para matapos na ang kabaliwan niya sa'kin. Kaya nilingon ko siya at nakita kong may dala pa siyang boquet of red tulips at may bear pa. Grabe ang effort niyang manligaw. Hindi lang siya gwapo ma effort pa siya. Pero hindi pa rin pwede, mas importante ang 3 million kesa sa kanya. "Sir JL, hindi po ba sinabi ko na sa inyo kahapon na wala akong panahon para magka lovelife?" Nagkunwari akong naiinis nang sinagot ko siya. Kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko siyang yakapin sa sobrang tuwa. "But I like you, I-i really do Nurse April. So please let me court you," saad niya at gustong-gusto nang sumabog ng puso ko sa mga salitang binitawan niya. "Here these are for you," sabi pa ulit niya sabay abot ng boquet at ng teddy bear. Gustong-gusto kong kunin ang mga 'yon. This is the first time, na mabigyan ako ng boquet of flowers at teddy bear. Nakakatunaw ng puso at sobrang sarap sa pakiramdam. Ngunit ayokong magpatalo sa puso ko. Dahil 'pag binigyan ko ng pagkakataon si Sir JL, tiyak na mawawala ang focus ko sa pag-iipon. Or worst baka mapaaga pa ang pagkakaroon ko ng sarilli kong pamilya. Kawawa ang mama ko pag nagkataon. "Hindi po ako nagpapaligaw at hinding-hindi ako magpapaligaw." After I said those words I turned back and I walked away from him. Ngunit naabotan na naman niya ako. "Nurse April, please give me a chance, promise hindi kita lolokohin," he said. I can see how much he really likes me, he is very sincere. But I don't deserved him. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya. So he better said those words to someone who's worthy of his love. "Sabihin niyo na lang po 'yan sa ibang babae para hindi masayang, tsaka pwede po bang huwag niyo akong sundan? Dahil wala rin naman kayong mapapala sa'kin," tugon ko. Bago pa tuluyang bumuhos ang mga luha ko ay muli na ako tumalikod at naglakad papalayo sa kanya. Hindi ko na kaya ang sakit-sakit pala. Ako ang nakasakit pero parang mas ako pa ang nasaktan. Maybe nagugustohan ko na rin si Sir JL, pero ayoko ng distraction sa buhay ko. Buti na lang ay hindi na ulit siya sumunod sa'kin. At, habang naglalakad ako ay mariin kong pinunasan ang mga luha papalabas mula sa aking mga mata. That was my first heart break. Sir JL was the only man who made effort and he's the brave one who confessed his feelings for me. Pero sadyang hindi lang pwede sa ngayon at hindi ko alam kung kailan ako iibig. Dahil hindi ko alam kung kailan ko mabubuo ang 3 million na utang namin sa banko. Pag-uwi ko sa bahay ay dumeritso na agad ako sa kwarto ko. Sobra akong nanghina sa nangyari kanina sa ginawa ni Sir JL, magpapahinga na lang ako para bukas may lakas ulit ako sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD