CHAPTER 1: First Encounter

2272 Words
Jacob Luis Peterson Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Sobrang sakit pa ng ulo ko pati ng kaliwang braso ko. Pagmulat ko ay puro puti ang nakita ko, kaya inikot ko ang paningin ko. Nasa hospital pala ako namin. I was so drunked last night nakipag-away ako sa mga kung sinong gagong mga lalaki kagabi, sa bar ng best friend kong si Dale. Maya-maya pa ay may pumasok na ang isang magandang nurse sa bed section ko. She's smiling at me. "Good morning sir, gamotin ko lang po ang sugat ninyo," saad niya sa mahinahong boses. I smiled at her. "Ikaw ba ang nurse ko?" tanong ko. "Yes po Sir, gamutin ko lang po ang braso ninyo ha?" Grabe nakakalambot ng puso ang boses niya. Ang sarap niyang pakinggan oras-oras. I like her. I closed my eyes as she softly cleaned my wound. "Si-sir? Sir?" taranta niyang tawag sa'kin, kahit tarantang-taranta na siya ang ganda pa rin pakinggan ng boses niya. Nararamdaman ko na lang ang pagdikit ng stetoscope sa kanang dibdib ko. "My remedy," saad ko ng may ngiti sa labi sabay mulat ng aking mga mata. Hinawakan ko ang kanang kamay niya dahil ito ang nakahawak sa stetoscope. Agad namang nag-iba ang reaksyon ng pagmumukha niya. At marahas niyang tinanggal ang kanyang kanang kamay. "Sir! Seryoso po akong nagtatrabaho rito sa, kaya sana naman po, umayos kayo." Inirapan niya ako pagkatapos ay mabilis na siyang tumalikod. Pero bago pa siya nakatalikod ay nakita ko ang name niya. Nakita ko kasi ang I.D niya. Her name is April. Agad naman akong bumangon mula sa kama. "Wait nurse," sigaw ko sa kanya at mabilis akong humakbang para sana sundan siya. Pero bago pa man ako makalabas sa bed section ko ay sumakit ang kanang braso ko. Agad ko itong hinawakan dahil sa sobrang sakit. "Aray! Nurse April help me!" sigaw ko. At agad namang bumalik si nurse April sa bed section ko. "Hoy! April si Sir JL!" suway naman sa kanya ng isang baklang nurse. Dahil nagkasalubong silang dalawa at tumulong na rin siya sa pagpapahiga ulit sa'kin sa kama. "Kailangan talaga sumigaw?" galit na tanong April. "Hoy! Bakla si Sir JL, ang kausap mo. Pasensiyahan niyo na po si April sir, mukhang meron yata siya ngayon e." Paghingi sa'kin despensa ng baklang nurse, habang inaayos nila ang pagkakahiga ko. "It's fine, masasanay din naman ako n'yan, later on." I winked at April. Samantalang pulang-pula na ang pagmumukha niya sa sobrang inis sa'kin at matalim na ang tingin niya sa'kin. Kung nakakamatay lang ang pagtitig niya, kanina pa ako dead on arrival. But she's cute when she's mad. Mas ginanahan pa tuloy akong inisin siya. Ilang sandali pa ay nakahiga na rin ako ng maayos. "Thank you, sa inyo," nakangiting saad ko sa kanila. "Welcome po, Sir JL," nakangiting sagot ng baklang nurse sa'kin. Pero si April ay inirapan lang ako at padabog siyang lumabas sa bed area ko. Natawa na lamang ako sa reaksyon niya. She's so cute. Parang siyang isang baby kung mainis. Gusto ko tuloy siyang maging baby. Ilang minuto pa ay dumating na rin si Dale. "Hey brother! Ano mamaya ulit?" kantyaw agad sa'kin ni Dale. "Tarantado! Ang sakit pa ng braso ko," sagot ko sa kanya sabay hawak sa aking braso. "Gusto mo bang lumipat ng kwarto brod? Para makapagpahinga ka muna kahit sandali lang," tanong sa'kin ni Dale. "No, I'm fine," tugon ko naman agad sa kanya. I'm lucky that Dale is my best friend kasi hindi ko lang siya kasama sa kalokohan. Kasama ko rin siya sa saya at lungkot. He's always there when i needed him the most. Mula pagkabata kasi ay kami na talaga ang laging magkasama kaya magkapatid na ang turing namin sa isa't-isa. Lalo na't parehas din kaming only child. Nanatili muna ako sa bed section ko, gusto ko lang kasing pa hupain ang sakit ng aking braso at sinamahan lang ako rito ni Dale sa aking bed section. *** April Lacsamana Kakabalik ko lang sa emergency room galing sa second floor, dito kasi ako nakatuka ngayon. At kitang-kita ko ang malapad na ngiti ng best friend kong si Hero. Siguro gwapo ang naging pasyente nito. Nang makalapit na ako sa desk namin ay dali-dali siyang lumapit sa'kin at kinikilig pa. "Anong meron bakla?" tanong ko sabay upo sa upuan. "OMG! Bakla nandito si Sir JL sa hospital," tugon niya at tumitli pa siya. Agad naman akong napatayo sa mula sa kinauupuan ko. Dahil nagulat ako sa sinabi ni Hero at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "Talaga? Si JL? As in si John Loyd Cruz?" Pero nagulat na lang ako ng bigla akong batokan ni Hero. "Aray ko naman!" daing ko. "Shunga! Si sir JL bakla 'yong anak nina Mr Luisito Peterson at Mrs Wendy Peterson. 'yan kasi adik na adik ka diyan kay John Loyd Cruz." Bagsak naman ang balikat ko sa sinagot ni Hero. Akala ko kasi talaga si John Loyd Cruz na. Super Idol ko kasi siya, pati na rin si Bea Alonzo. Kilig na kilig talaga ako sa love team nila. "Ah okay," tamad kong sagot sabay upo ulit. "Hoy! Bakla ang pogi kaya ni Sir JL, kaya sige na gamutin mo na siya sa bed section niya, ikaw kasi ang nakatuka ro'n. Swerte mong bakla ka." Inirapan niya pa ako. Tumayo na rin ako agad at hinanap ang record ni Sir JL na sabi ni Hero. Hindi ko alam na may anak pala ang may-ari ng hospital ng pinagtatrabahuan ko. Nang makita ko na ang record niya ay agad ko ng kinuha ang medicine kit. Kailangan lang naman pa lang linisan ang sugat niya sa kanang braso. Agad ko ng tinungo ang bed section ni Mr. Jacob Luis Peterson, kaya pala JL din ang tawag sa kanya. Ilang segundo lang ay nakarating na ako sa bed section ni Sir JL. He's looking at me with a smile on his face. Isang lang ang masasabi ko sa lalaking 'to. Ang Gwapo! "Good morning, Sir, gamutin ko lang po ang sugat ninyo," saad ko sabay lapag ng medicine kit sa mesa na nasa gilid ng kanyang kama. "Ikaw ba ang, nurse ko?" nakangiting tanong niya sa'kin ang bait naman pala niya. "Yes po, Sir, gamutin ko lang po ang braso ninyo ha?" sagot ko at dahan-dahan ko ng hinila pataas ang mangas ng kanyang shirt para gamotin na ang kanyang braso. Pero laking gulat ko na lang ng bigla siyang pumikit at bahagya pang nalaglag ang kanang kamay niya. Agad naman akong kinabahan. "Si-sir? Sir?" Agad kong ginamit ang stetoscope para e check ang heart beat niya. His heart is still beating normally. Nagulat na lang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. "My remedy." Baliw! Nakakainis siya, tinakot niya ako. Walang hiya siya. Agad kong siyang tinignan ng masama at marahas kong tinanggal ang kamay ko sa dibdib niya. At deri-deritsong lumabas mula sa bed section niya. Nakakainis talaga! Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay sinigaw niya ang buong pangalan ko sa buong emergency room. Mariin akong napapikit ng magsitinginan ang mga tao sa emergency room. Pati mga kapwa ko nurse ay tinitignan na rin ako. Lintek! Agad ko siyang binalikan sa bed section niya at sakto namang nakasalubong ko si Hero. "Hoy! April si Sir JL!" Pero inirapan ko lang siya at buti na lang ay tinulungan niya ako kay Sir JL. "Kailangan talaga sumigaw?" inis kong tanong kay Sir JL, habang pinapahiga namin siya ni Hero. "Hoy! Bakla si Sir JL, ang kausap mo. Pasensiyahan niyo na po si April sir, mukahng meron yata siya ngayon e." suway sa'kin ni Hero pero inirapan ko lang ulit siya. "It's fine, masasanay din naman ako n'ya, later on." sagot naman ng gwapong mukong at kinindatan pa niya ako. Pinamulahan tuloy ako sa ginawa niya. Hindi dahil sa kilig kundi sa inis. Ang presko niyang magsalita sarap turukan ng pampatulog. Nang masigurado namin ang lagay ng gwapong mukong na 'to ay agad na rin kaming umalis. Nagpasalamat naman siya sa'min pero irap lang ang sinagot ko sa kanya. "Hoy bakla ka!" Hinampas pa ako ni Hero sa kaliwang braso ko pagkarating namin sa station namin. "Oh bakit?" inis kong tanong sa kanya sabay upo sa upuan. "Sa dami-dami talaga ng susungitan mo si, Sir JL pa?" "Ano!" Kapwa naman kami napaigtad ni Hero ng biglang sumigaw si Ellice. Kakarating lang niya sa station namin. She's also our best friend. "Sige! Lakasan mo pa Elisa!" singhal ko rin kay Ellice sabay tayo mula sa kinauupuan ko. We used to call her Elisa kahit Ellice lang naman ang name niya. Kinuha ko ang tumbler ko na may, lamang tubig sa mini ref sa station. Agad ko itong ininom naubos kasi yata ang dugo ko sa ginawa ng gwapo ng mukong. "Uy grabe ka naman kay Sir JL, April," sabi ni Ellice sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Nagsulat na lang ako ng mga records sa mesa, pagkatapos kong saidin ang tubig sa tumbler ko. "Sige ka, baka tanggalin ka rito ni Sir JL sa hospital," pananakot pa ni Ellice sa'kin pero hindi ko pa rin siya pinapansin. "Oo nga, sige ka hindi ka na makakaipon ng 3 million n'yan," dagdag naman ni Hero. Napatigil naman ako sa pagsusulat sa sinabi ni Hero. Parang hindi ko sila mga kaibigan kung takotin nila ako. "Sige pa tulungan niyo pa ako! Bahala nga kayong dalawa d'yan!" Padabog akong tumayo at lumabas sa'ming station. "Hoy! April ito naman hindi na mabiro e," sabi ni Ellice. "Oo nga, charr lang naman 'yon e," sabi naman ni Hero. Pero hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi dahil sa galit ako sa kanilang dalawa, kundi dahil ihing-ihi na ako. "Uy April! Hindi ka na mabiro a?" wika sa'kin ni Hero at talagang hinabol niya pa talaga ako at hinawakan niya pa ang kanang siko ko. "Ang arte mo! Iihi lang ako, pwede?" Agad naman niya akong binitawan at mukhang napahiya pa tuloy siya sa ginawa niya. At narinig naman namin ang biglang pagtawa ni Ellice. Nakatayo na rin pala siya sa labas ng station at nakatingin sa'min. Agad naman siyang nilingon ni Hero. "Happy ka? Mukhang tanga," inis na wika ni Hero, habang naglalakad pabalik sa station namin. "Ikaw ang mukhang tanga, may pahabol-habol effect ka pang nalalaman d'yan. E kahit kelan hindi naman napikon si April sa'ting dalawa e," pang-aasar pa ni Ellice kay Hero at natawa na lamang ako sa kanilang dalawa. "Sige na ihi ka na, bakla," sabi sa'kin ni Hero at inirapan niya pa ako na mas ikinatawa ko naman. Pailing-iling akong naglalakad papunta sa C R, dahil naririnig ko pa rin ang asaran nilang dalawa. Ilang minuto lang ay nakabalik na rin ako sa station namin. "Mga bakla, kain na tayo," aya ni Hero sa'min ni Ellice. Agad ko namang tinignan ang wrist watch ko, para tignan ang oras at saktong alas dose na nga. "Sige tara," tugon ko kay Hero at agad na rin kaming naglakad patungong cafeteria. "Anong uulamin niyo mga bakla?" tanong ni Hero, habang naglalakad kami. "Bakit, libre mo?" tanong naman ni Ellice kay Hero. "Sige libre ko kayo, kasi may jowa na ulit ako," tugon ni Hero at tumitili pa ito. Sa aming tatlo si Hero talaga ang hindi nauubosan ng jowa. Si Ellice kasi kahit minsan ay wala pa namang pinakilalang lalaki sa'min. Samantalang ako NBSB, mas priority ko kasi ang magtrabaho at mag-ipon ng malaking halaga ng pera. Nakasangla kasi ang bahay namin sa banko sa halagang 3 million pesos. Naisangla namin ang aming bahay sa banko no'ng buhay pa ang aking ama. May sakit kasi siyang lung cancer no'n, kaya malaking gastos talaga sa gamotan, pati na sa pang chemotherapy niya. Halos dalawang taon ding lumaban si Papa sa sakit niyang lung cancer. Kung kaya't nabaon talaga kami sa utang hanggang sa namatay si Papa. At dahil nag-iisang pinagpalang anak ako ng aking mga magulang ay ako na ang nag-iipon para sa'min ni Mama. Matanda na rin kasi si mama kung siya pa ang magtatrabaho para sa'ming dalawa. Kaya kahit mahirap pag-ipunan ang 3 million ay kinakaya ko at kakayanin ko. Pagkarating namin sa cafeteria ay nag order na agad kami ng pagkain. Pagkatapos ay naghanap na kami ng mauupuan. "Uy bakla thank you sa libre a? Sana araw-araw bago jowa mo, para libre mo lagi," saad ni Ellice kay Hero at natawa naman ako sa sinabi ni Ellice. "Ang gastos din kaya, bakla," tugon naman ni Hero at nagkunwari pa itong hinahawi ang kanyang buhok. Kung ako nagkakandarapang mag-ipon ng pera. Ito namang si Hero ay waldas doon, at waldas dito ang ginagawa niya sa kanyang pera. Mayaman din naman kasi sila at nag-iisang anak din siya. Sa katunayan nga ay tinutulungan din niya akong makapag-ipon. Hindi lang siya pati na rin si Ellice nagbibigay din minsan. Kahit na may kapatid rin siyang may sakit sa puso. Kaya kahit wala akong jowa ay ayos lang, kasi may mga kaibigan naman akong nagpapasaya sa'kin. Maya-maya pa ay tapos na rin kaming mag lunch, kaya agad na rin kaming bumalik sa station namin. Balik trabaho naman agad kami hanggang sa mag alas tres na nang hapon. Magkatabi kami ni Ellice, habang nakaupo at nanunuod ng video sa youtube. Nag rounds pa kasi si Hero. "April bakla," agad naman kaming napalingon ni Ellice kay Hero. "Yes?" tugon ko. "Hanap ka ni, Mr JL." Agad namang kumunot ang noo ko. Hindi pa pala siya nakaalis? Ano na naman kaya ang kailangan ng gwapong mukong na 'yon. "Buhay pa pala siya? Este nandito pa pala siya?" saad ko. "Ay grabe siya oh, ang bait kaya ni Sir JL," saad naman ni Ellice. Grabe nababaitan talaga sila sa mukong na 'yon. Tumayo na lamang ako mula sa pagkakaupo at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Bakit ba kasi niya ako hinahanap? Hindi ba pwedeng si Ellice na lang?" sunod-sunod kong tanong kay Hero. "E sa ikaw ang hinahanap ni, Sir JL e," tugon ni Hero. "Oo nga, tsaka may rounds na rin pala ako," dagdag naman ni Ellice. Bakit kaya nila ako pinagtutulungan pagdating sa JL na 'yon? Jusko naman! "Fine! Saan ba siya?" tanong ko kay Hero. "Nasa 3rd floor sa sweet room # 4," tugon niya. At kahit labag man sa loob ko ay tinungo ko pa rin ang kwarto ng gwapong mukong na si JL. Kinuha ko na ang medicine kit at naglakad na ako patungong elevator. Ilang segundo lang ay nakarating na ako sa third floor sunod kong tinahak ang kwarto ng mukong na si JL. Isang malim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ko bago pinihit ang seradura ng pintuan at dahan-dahan ko itong binuksan. Nakita ko agad ang gwapong mukong na nakatingin sa'kin habang nakangiti. At isang pilit na ngiti naman ang sinagot ko sa kanya. "Oh, so siya ba ang tinutukoy mong remedy mo, brod?" Napalingon naman ako sa nagtanong kay Sir JL. He looks very familiar, pero hindi ko alam kung saan at kailan ko siya nakita. Gwapo rin siya pero mukhang parehas sila ng ugali ni Sir JL. Ngiti-an ko siya, since he looks familiar to me. Tapos ay nilapitan ko na ang mukong sa kanyang kama. "Good afternoon po, Sir JL, nandito po ako para linisin ulit ang sugat ninyo," sabi ko. Agad ko ng hinawakan ang manggas ng kanyang shirt. Pero bago ko pa maitaas ang manggas ng shirt niya ay mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. "Nurse April, can i ask you out on a date?" Hala siya! Hirap din pala maging maganda. Kung alam lang siguro niyang mas kailangan ko ng trabaho kesa sa pag-ibig. "Ayon! Idol talaga kita, JL," kantyaw pa sa kanya ng kaibigan niya. Sabi na nga ba e parehas sila ng ugali. Ang sarap nilang pag umpogin parehas. "Sir, linisin na po natin sugat niyo, para makaalis na po kayo kaagad," magalang kong saad kay Sir JL kahit na inis na inis na talaga ako sa kanya. Bahala siya kung magalit siya. Nakakainis talaga ugali niya. "Ouch! Brod mukhang basted ka na agad kay nurse April a," kantyaw ulit sa kanya ng kaibigan niya. "Shut up, Dale!" sigaw ni Sir JL sa kaibigan niyang si Dale at sinamaan niya pa ito ng tingin. Pati tuloy ako natakot at mukhang natakot nga niya ang kaibigan niya. Dahil agad naman itong tumahimik. Tumikhim ako. "Sir linisin ko na po ha?" saad ko ulit kay Sir JL. "Please, nurse April," tugon niya sa'kin at mas humigpit pa ang paghawak niya sa kamay ko. Pero hindi yung tipong nakakatakot. Dahil nag puppy eyes pa siya sa'kin, habang nakatingin sa'kin. Mas gumwapo pa tuloy siya sa paningin ko. "Sir JL, wala po kasi akong time para sa mga ganyang bagay, iba po kasi ang priority ko e," saad ko kay Sir JL. Para matapos na ang pag-uusap namin. "Bakit may magagalit pa ba kung makikipagdate ka sa'kin?" Ang kulit! "Sir kung okay na lang din naman po ang braso n'nyo, aalis na lang po ako may rounds pa po kasi ako." Hindi ko na siya hinintay pang makasagot dahil agad na akong tumalikod at lumabas sa kwarto niya. Nakakainis talaga ang mukong. Bahala siya sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD