CHAPTER 2

1693 Words
THE CEO’S GAME OF SEDUCTION HENDRIKUS LAVRENTI Chapter 2 “NANANG GUADA, napansin n’yo ho ba iyong paper bag na naiwan ko sa kotse ko kagabi? Iyong pasalubong ho sa akin ni Lunette.” Walang lingon-likod na tanong ni Indira nang marinig ang yabag na papalapit sa kusina. Naipagpalagay niya na si Nanang Guada iyon at dumating na galing sa supermarket. Abala si Indira sa paghahalughog sa loob ng kanilang refrigerator, nagbabakasakaling doon inilagay ang mga pasalubong ni Lunette sa kanya. Kagigising lang ni Indira at naisipan niyang ihanda sa kaniyang almusal ang Indomie instant fried noodles na pasalubong sa kaniya ng kaniyang best friend na si Lunette. Nakauwi na ito kagabi galing sa mahaba nitong bakasyon sa bansang Malaysia. “You mean the noodles, hija?” Marahas na napalingon si Indira sa pinanggalingan ng boses. Hindi iyon ang k’warenta y nuwebe anyos na kusinera nila na si Nanang Guada na siyang inaakala niyang dumating. It was her mother who looked regally magnificent in her pricey designer flared button-front dress and not to mention that she was draped in jewels, diamond studs like she just stepped out of a Rothschild family portrait. Nasa bahay man ito o may lakad ay ganoon talaga ito mag-ayos. Her mother’s outfits were always overkill. Doctor Ida Fastrada always feed people a luxurios impression about her. Mabuti na lamang at hindi siya nahahawa sa ina. She preferred being simple and lowkey. “Y-yeah, Mom. I was finding it kanina pa kasi. Morning.” Nilapitan niya ang ina at magaan na humalik sa pisngi nito. “I disposed it.” Napamaang ang dalaga sa inamin ng ina. “Po? Tinapon ninyo? Why, pasalubong po iyon ni Lunette. Mommy.” Nagtatampong usal ni Indira na parang isang paslit na malapit nang magmaktol at mapapadyak sa yamot. “Sweet Mary, Indira! Instant noodles are hell! They are low in nutrient and you should know by now that you can have a serious consequence for your health if you’ll eat one. If you really want to eat noodles, phone Guada so she could purchase a quinoa noodles or black bean noodles. You can have that instead hindi iyong kung anu-ano lang. You have to treasure your health. Puhunan mo iyon kapag pumasok ka na sa pagdo-doktor. I have to make sure na walang sagabal sa profession na na ipu-pursue mo. Gusto kong maging ganap ka nang Physician and in that case, we can afford to own a deluxe mansion in Lavrenti Heights. Hindi tayo tatanda sa pamamahay na ito kaya magsumikap ka!” Gustong panghinaan ng lakas ni Indira. Perks of having a physician mother who is too obsessed with health and too ambitious. And seemed to her that it is unhealthy anymore! That combination alone was lethal to her. Misteryo na nga na maituturing na maayos pa rin ang frame n’ya sa kabila ng pressure na ipinapataw sa kanya ng perfectionist n’yang ina. Pinili na lamang ni Indira na huwag umimik pa. She opened the French door design of their two fridge door and lethargically grabbed a packaged juice. Nawalan na siya ng ganang mag-almusal. Wala siyang lakad sa araw na iyon at susubukan niyang tawagan si Lunette mamaya at anyayahan itong kumain sa labas. Marahil ay iyon na lamang ang kaniyang gagawin. “Drop that! Sweet Mary, Indira! Saan galing ang inumin na iyan? That is hell as well. That kind of drink is low in fibre and high in fructose. Unhealthy. I cannot recall that I asked Guada to buy a packaged juice. That woman!” Her mother was pissed. Ubod ng concern na hinihilot nito ang noo upang siguro ay tiyakin na walang babakas na gatla roon na sign of aging. Bago pa man magtanim ng inis ang kaniyang ina sa walang kamuwang-muwang nilang kusinera ay hinarap na niya itong muli. “Throw it! It’s stressing me out. Saan ba nanggaling―” “Kay Todd.” Tila lason sa kaniyang dila ang pangalan ng binata na iyon. Hindi siya nakatulog ng maayos ng dalawang gabi dahil hanggang sa mga oras na iyon ay binabagabag pa rin siya ng eksena noong gabing nasa Damarcus Palace sila. She kept on asking herself kung ano ba ang lagay ng babaeng binastos ni Todd. Kung nagka-trauma ba ito at kinakailangan ng medical attention galing sa isang clinical Psychologist. It kept on bugging the hell out of her. Those horrible scenarios do not ever leave her mind. May pagkakataon pa nga na ibig niyang hanapin ang babaeng iyon upang matiyak na hindi ito nagkaroon ng emotional o mental disturbance na naiwan si Todd sa pagkatao nito. Babae rin siya at kung siya man ang nasa kalagayan nito ay baka nakagawa na siya ng bagay laban sa manyak na Todd na iyon na tiyak maglalagay sa kaniya sa likod ng rehas. “Come again, hija?” “Mom, I said kay Todd galing ang packaged juice na ito. He gave it to me last week, remember? Pati iyong mga junk food in disguise like store-bought frozen pizza.” Bahagyang naningkit ang kulay tsokolate na mga mata ng dalagang si Indira nang mapuna ang pag-aliwalas ng mukha ng kaniyang ina. “Really, those are from sweet Todd? Sweet Mary, hija! Your boyfriend is so sweet, isn’t he? You know what, hindi naman kasalanan kung paminsan-minsan ay masayaran ng junk food ang ating sikmura. Here, of course you can drink it, darling. Kailangan talaga na kausapin na natin ang parents niya para ma-settle ang detalye ng iyong kasal sa lalong madaling panahon.” Gutom na nga siya, naghimutok pa ang kaniyang dibdib sa sinabi ng kaniyang ina. Tila iyon kumukulong putik na gugunaw sa mundo niya. “Mom, Todd is not my boyfriend!” Mababanaag ang inis sa mukha ng dalaga. “He will never be my boyfriend―” “Cállate la boca! Hesukristo! Huwag mong sabihin iyan at baka may makarinig. God forgive you! Hindi kita pinalaking suwail at walang modo, Indira! I guess I have to pay close attention with your attitude lalo na kapag si Todd ang kaharap mo. Do not embarrass us, hija. Utang-na-loob.” (Translation: Shut your mouth.) Indira’s beautiful, Latin face crumpled in distaste. Tumataob ang sikmura niya sa tuwing ibinibida ng kaniyang ina sa usapan si Todd. That son of b***h is Satan’s incarnate and for Pete’s sake, kailanman ay hindi niya masisikmura ang ideya na maging nobyo ito. Not in this lifetime or in another life! “Car is ready, Ida.” Anunsiyo ng sinkuwenta y uno anyos na ama ni Indira na si Doctor Dillon Fastrada. Indira’s father is a half-Filipino at half-Mexican. Mayorya sa panlabas na anyo ni Indira ay namana niya sa kaniyang ama. She has a fine feature with doll-like pale skin and a long, straight and silky brunette lock, longer and darker lashes, narrower eye brows and a pleasing body curves. She is stunningly beautiful so as to take one’s breath away. Indira is simply dolled-up kahit pa hindi siya big fan ng kung anu-anong cosmetics. Matamlay na lumapit si Indira sa kanyang ama at humalik sa pisngi nito bago lumabas sa kanilang kitchen. Wala pang limang hakbang ay napatigil siya kapagkuwan dahil sa sinabi ng kanyang ina. “We have to get hurry, Dillon and I don’t want us to be late with our appointment with Attorney Pascual. And I don’t think we will be there on time sakay ng luma mong kotse. I told you to dispose it already!” Attorney Pascual? Ang family legal adviser ng mga Walker at esposo ng kaibigan ng kaniyang ina na si Ida ang tinutukoy nito. “Then what do you want me to do? Book a cab online, Ida? That’s way more convenient, you think so? Nasa talyer ang isang kotse dahil binangga no’ng bago at reckless mong driver, in case you forget.” Matalim na usal ng kaniyang ama. Mabilis na lumambot ang ekspresiyon ng mukha nito nang malingunan na naroon pa rin siya. Lumalatay ang lungkot at stress sa mukha ng kaniyang ama. Para bang ilang taon ang itinanda nitong kumpara sa mukha nito noong nakaraang mga buwan. “Pa, is there a problem? Why are you meeting Attorney Pascual?” Nag-aalalang usisa niya sa ama. Humugot ito ng malalim na hininga subalit nabinbin sa ire ang sasabihin nito dahil sumapaw na ang kaniyang ina. “Todd is filing a case against that bastard who punched him during the anniversary night celebration of his parents. Hoping today ay makalabuso na ang barumbadong iyon at mabulok sa bilangguan.” Her mother sounded vengeance. “What?” Bulalas niya. Nag-init ang damdamin ng dalaga nang biglang umukilkil sa isipan niya ang mukha ng barumbadong lalaki na tinutukoy ng kanyang ina. That was the worst and evil word she had heard that day. Wala siyang alam ni katiting na impormasyon tungkol sa lalaking iyon at kung mortal mang kasalanan na i-conclude niya na may mabuti itong pagkatao ay handa siyang tanggapin ang ano mang punishment na ipapataw sa kanya. “Mom, Pa, I told you already that night, hindi ba na iniligtas lang ng valet na iyon ang babaeng hinarass ni Todd? Mom, do not be heartless and believe me. You have to believe me dahil kitang-kita mismo ng dalawang mata ko ang entire na nangyari at walang kasalanan ang taong nais ninyong idemanda.” “Oh, Jesus! Can you hear yourself, Indira? You are defending a total stranger instead of being in Todd’s side. Siya ang biktma. Siya ang napuruhan. Siya dapat ang kinakampihan mo dahil wala kang mapapala kung ipagtatanggol mo ang hampaslupang nanakit sa nobyo mo. You’re unbelievable!” Mahinang umiling-iling ang dalaga. “You, pairing me up with Todd since God knows when is okay kahit alam kong alam mo na kinamumuhian ko ang lalaking iyon. But I never thought that you will defend someone like Todd who I’ve seen sexually harassing an innocent girl. Mommy, ano ba? Paano pala kung ako iyong muntik nang ni-rape ni Todd? Okay pa rin kasi may pakinabang saiyo ang parents niya? Okay lang kasi ayaw mong sumama ang loob ng parents ni Todd at ayaw mong mapahiya? Mommy, hindi ka gano’n, remember? ‘Di ka ganoon kaya pumanig ka sa tama kahit ngayon lang.” She vulnerably blew before she turned her back at her parents.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD