CHAPTER 19 CATHY's POV: BUHAT-BUHAT ako ni Sir Drake habang nilalakad niya ang masukal ang daan. Masakit talaga ang puson ko. At hindi ito pag-iinarte. Pero buti na lang talaga ay pinagbigyan pa rin ako ni Sir Drake na buhatin sa kabila nang bangayan naming dalawa. Kaya heto ako, nakapulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg para hindi ako mahulog. Bukod sa karga niya ako ay siya na rin itong humawak ng bag. Parang pang-kasal nga ang datingan nang pagbuhat niya sa akin kaya hindi ko maiwasan na titigan at pagmasdan ang mukha ni Sir Drake. Napakatangos talaga ng ilong at ang pogi-pogi pa. Aaminin ko na medyo bad boy ang dating niya, pero hindi mo maitatanggi na sobrang lakas ng appeal nito. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit marami na siyang napikot na babae... Siguro kung hindi