CONTINUATION OF CHAPTER 19 CATHY's POV: HINALIKAN ako ni Sir Drake. Kinuha niya ang unang halik ko sa isang iglap. Nag-uusap lang naman kami, tapos bigla niya akong nanakawan ng halik. Hindi man lang siya marunong magpaalam. Tuwang-tuwa pa talaga ang loko. "Bakit mo ako hinalikan? Wala naman akong binigay na permiso para halikan mo ako ha?!" giit kong saad rito habang dinuduro ko siya. Pero pangisi-ngisi lang ang binata na animo'y naka-jackpot siya na mahalikan ako. "Cathy, matalino man ang matsing, naiisahan pa rin ng kabayong mabilis ang nguso," wika niya habang tinutukoy niya ang kanyang sarili bilang kabayo. "Puro ka talaga kalokohan sir Drake! Hindi mo ba alam na first kiss ko 'yon?!" singhal ko at umusog ako palayo sa kanya para kunwari ay nagtatampo. But deep inside, ang sara