CHAPTER 43 CATHY's POV: HINDI nga ako nagkamali sa aking iniisip. Mararanasan nga ni Drake ang mga gawain dito sa Probinsya. Sinasabi ko na nga ba, ibang klase si itay kung magpahirap sa mga lalaking gustong pumasok sa buhay ko. Ganitong-ganito rin kasi ang sinapit nila Richard at ang ibang lalaki na manliligaw ko noon. Halos chinallenge niya ito kaya ang iba ay nagsi-suko. Tanging si Richard lamang ang siyang matapang na humarap kay itay. Kaso kahit anong tapang at pagpupursige ni Richard ay hindi ko siya magawang sagutin. Siguro ay dahil hindi siya kayang tibukin ng puso ko. Pero sa pagkakataong ito, boyfriend ko na si Mr. Drake Alejandro. At dahil nais siyang makilala nang husto ni papa ay hindi nito pinalagpas na pahirapan din ang aking nobyo. Kaya yung mukha ni Drake ay hindi