CHAPTER 36 CATHY's POV: NAPAINAT ako ng aking mga braso nang magising ako. Sa tingin ko ay mag-aalas otso na dahil nakabukas ang bintana ng mismong kwarto ni sir Drake... Ang sinag ng araw kasi ang nagpagising sa akin dahil saktong nasilaw ako ng liwanag. Nang akmang babangon ay dito ko napagtanto na nakabihis na pala ako ngayon. Sa pagkakaalam ko kasi ay hubut-hubad akong natulog kagabi dahil sa aking pagod buhat ng nangyari sa amin ng boss ko. Kaya pagtataka naman ang nangibabaw sa aking isipan at tinatanong ko ang aking sarili kung bakit meron na akong saplot na suot. Pero kahit naman hindi ko itanong kung sino ang nagbihis sa akin ay alam ko na rin ang sagot. Nang ilinga ko ang aking paningin ay nakita ko naman sa gilid ng kama ang isang bouquet of flowers na may kasama pang love