CHAPTER 37 DRAKE's POV: DESIDIDO ako ngayon na samahan si Cathy pauwi ng kanilang probinsya nang sa gano'n ay hindi niya isipin na katawan lang ang habol ko sa kanya. Matapos may mangyari sa aming dalawa kagabi ay nagising ang aking puso't diwa na hindi dapat pinaglalaruan ang damdamin ng babae. Kaya hindi ko hahayaan na isipin ni Cathy na ilalagay ko siya sa listahan ng mga babaeng na-kama. I want to marry her. Mahal ko ang dalaga kaya ko ginusto na may mangyari sa amin. Kung kaya naman, naisip kong harapin ang magulang ni Cathy sa Probinsya para hingin ko ang kamay ng anak nila. Doon din naman kasi papunta ang lahat. Kaya bakit ko pa patatagalin ito? Iniibig ko naman ang babae kaya nararapat lang na gawin ko kung ano ang tama. Kaya lang itong si Cathy, mas gusto niya na maging simp