ANG AKSIDENTE CHAPTER 60 CATHY's POV: "SIGURADO KA? Hindi na ako sasama?" tanong ko kay Drake matapos nitong maligo. Nagsusuklay na siya ngayon habang nakaharap sa maliit na salamin. Tapos na ang fiesta sa amin. Kaya pagkasapit na pagkasapit ng panibagong araw ay bumungad sa akin ang fiance ko na bagong ligo at tila handa nang umalis. Alam ko kasi na ngayon na ang uwi niya para pumunta ng Manila... Nakumbinsi na kasi nito ang nanay niya na umuwi ng Pinas dahil sa importanteng sasabihin. And I know the important things that he wants to say to his mother, iyan ay tungkol sa aming kasal at para na rin makaharap niya ang magulang ko. "Huwag na honey, dito ka na lang... Aalagaan at pakakainin mo pa ang biik natin. Baka mangayayat 'yan kung magutom ng isang araw," pahayag nito na talagang