AMNESIA CHAPTER 61 CATHY's POV: PARA akong nanigas sa aking kinatatayuan dahil sa walang ekspresyon na mukha ni Drake habang tinatanong niya -- kung sino ako? Malamig na titig din ng mata niya ang siyang nasilayan ko na tila ibang-iba ang dating nito. Para bang hindi na siya yung Drake na nakilala at minahal ko. Pero kahit masyado nang nakakabahala ang tigin niya ay pinili ko pa ring lumapit dahil naisip ko na baka lumabo lang ang paningin nito kaya hindi niya ako magawang makilala kapag nasa malayo. Malapitan naman akong huminto sa tapat niya mismo kasabay nang paghaplos ko sa kanyang mukha. Ang ulo at noo nito ay merong telang puti na siyang nakapulupot sa kanya. Ito siguro ang mga sugat na siyang natamo niya sa aksidente. Sa aking paghaplos sa kanyang mukha ay mabilis nitong ti
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books